Finley's POV.
Nasa mall ako at mag-isang naglalakad bibilhan ko ng regalo ang bestfriend kong si Giovan dahil birthday nito sa malakawa at doon namin balak mag celebrate sa resort. Pero bigla kung namataan si Bianca na palinga-linga mukhang may hinahanap at malamang ako na naman 'yon! "Bwisit! Stalker ko na yata
ito ngayon ah!" Kahit saan ako magpunta lagi siyang naka kasunod kaya nagmamadali ako lumabas ng Dept. Store para hindi niya ako maabutan pero ibang klase ang mga mata ng isang ito may sa pusa pa yata dahil tinawag ako nito. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng store at doon ko nakita ang isang babae naglalakad papasok din sana ng Dept. Store. Hinila ko na lang ito bigla at inakbayan, agad namang naamoy ko ang magkahalong pabango at natural n'yang bango. Ang sarap langhapin hindi nakakasawa.
Binulungan ko naman ito agad. "Miss, I'm sorry but, please. Can you act like you're my girlfriend?" magpo-protesta pa sana ito sa ginawa sa kanya pero tumigil rin nang binulong ko sa rito ang pangalan ko. Nakiusap ulit ako sa kanya ng pabulong dahil nakikita ko na si Bianca na papalapit na sa amin. "I'm Finley, please do me a favor, miss?" Pero saglit akong natigilan ng masilayan ko ang kanyang mukha. Napaka ganda niya sa mala anghel niyang mukha na nakapag patulala sa akin. Bigla naman ako napatingin sa labi niya na natural ang pagka pula kahit wala itong kolorete sa mukha katulad ng kay Bianca ay masasabi ko talagang mas maganda ang siya. Natigilan lang ang pagpapantasya ko sa kanya ng magsalita ito.
"I'm Shantal," bulong nito sa akin. Nakuha ko naman ang ibig nitong sabihin na pumayag nga siya sa pakiusap ko. Nakalapit na si Bianca at madilim ang mukha nitong nakatitig sa amin ni Shantal.
"Finn, iniiwasan mo ba ako?" bungad niyang tanong sa akin na nahihimigan ko ng galit. "Oh! Hi Bianca." Pansin ko kunyare dito. "No! Bakit ko naman gagawin 'yon?" Kaila ko pa.
"So, who is she?" tanong nito na tinutukoy ang kasama ko ngayon.
"Yeah! By the way, I would like you to meet my girlfriend, Shantal." pakilala ko sa kanya kay shantal kaya hindi ko na pinatagal pa.
"Baby, meet Bianca and she's one my friends." Agad naman na dumilim ang mukha nito sa sinabi ko halatang hindi niya nagustuhan. Well, wala akong pakialam dahil manloloko siya! Nahuli ko ito na may kahalikan sa isang bar kung saan doon rin kami nagpunta ng mga kaibigan ko kaya wala na kami dapat pang pag usapan.
"Really? A girlfriend. Seriously, Finn?" hindi makapaniwalang ani tanong nito.
We're not done yet, anong pinagsasabi mo?" aniya pa ulit na akala mo walang ginawang mali habang ako ang boyfriend niya.
"No! It's over, and I'm done with you, Bianca."
Ngunit hindi pa ito nakuntento at si Shantal na mismo ang tinanong. "Is that true? Girlfriend ka nga ba niya talaga, or isa ka lang sa mga binayaran niya para magpanggap?" Nakita kong tumaas ang isang kila nito halatang hindi nagustuhan ang sinabi ni Bianca sa kanya. Napangisi ako dahil mukhang hindi rin ito magpapatalo.
"Yes, I'm his girlfriend. Sagot nito. "Actually kasasagot ko lang sa kanya eh! Dugtong pa nito kaya mataman ko siyang tinitigan. "Hmmn, mga five minutes ago, nahuli ka lang ng konti. I'm sorry for what happened with your relationship but. I love him Bianca." Ang seryosong sabi ni Shantal. Putcha parang tutuo ah! "Ugh! You're gonna pay for this Finn, humanda ka! And you!" duro niya kay Shantal sabay talikod at tuluyan nang umalis.
Nang makaalis na si Bianca ay binalingan naman ako agad ni Shantal na mukhang kakainin ako ng buhay. "Hoy! Ang Kapal ng mukha mo eh, no! Anong akala mo sa akin? Kaladkarin, bayaran? Basta-basta ka na lang nanghahablot." Ang tila nag aapoy na mga mata nito kung nakakatusta lang ang mga mata nito kanina pa ako tustado.
"Hey, chill. Sorry na, okay? Ayaw kasi ako tantanan ng ex kung 'yon eh!"
"Hep, Hep!" pagpapatigil niya sakin. "Hindi ko sinabing mag explain ka sa akin, at ito ang sasabihin ko sayo. 'Wag na 'wag ka nang magpapakita sa akin tandaan mo 'yan, maliwanag?! tatalikod na sana ito para iwanan ako nang pigilan ko siya sa braso.
''Wait! Pwede ba kitang ma-invite for coffee?" nag babaka sakali lang akong pumayag siya pero hindi. Inagaw niya bigla ang braso niyang hawak ko.
"Kita mo! Nanghahablot ka na naman." Mataray pa nitong sabi ibang klase sa katarayan ang isang ito!
"I'm sorry! So, pwede?" nakangiti kung tanong rito.
"Hindi! We're not close and I don't even know you. Tsaka bagay sa'yo ang kape ng nerbyusin ka naman." grabe galit talaga siya sa akin pero mas lalo akong natutuwa kapag nakabusangot ito, ang cute niya kasi. "Hahah!" Natawa ako bigla.
"Ang sungit mo naman, pero ikaw 'yong masungit na lalong gumaganda." Ani ko dito tutuo naman ang sinabi ko. "So, I guess maybe next time? Nararamdaman kung magkikita pa tayo ulit." Sabi ko pa ulit sa kanya.
"Huh? Asa! Kasi ako hindi ko gustong makita ka pa ulit. Sa ginawa mo sa akin, you think gusto pa kitang makita! galit talaga nitong ani sa akin. Nek, nek, mo!"
Sabay talikod nito at iniwan akong mag-isa. Tinawag ko pa siya ngunit hindi na ako nito nilingon pa. Ibang klase I'm sure magkikita pa tayo ulit tatandaan ko ang pangalan mo, Shantal.
"Hmmn, nice name." umalis nadin ako at bumalik sa Dept. Store para bumili na talaga ng regalo para kay Giovan at pagkatapos ay bumalik na ako sa resort na pagmamay-ari ko.