Shantal's POV.
"Bwisit! Bwisit siya! Sinisiguro ko sa lalaking 'yon pag nagkita kami ulit bibigwasan ko na talaga siya!"
Papunta na ako kila Jaica dala-dala ko ang mga pasalubong ko sa kanilang lahat. Hindi ko hahayaang tuluyan sirain ng mayabang na 'yon ang araw ko nag punta ako dito para mag enjoy at mag relax. "God! Bakit mo ba siya nakilala." Nang makarating ako kila Jaica ay agad ako sinalubong ng kaibigan ko.
"Bestfriend!" tili nito at patakbong sumalubong sa akin at yumakap ng mahigpit na akala mo 10 years na kami hindi nagkita. Gumanti naman ako sa yakap niya at hinagod ko ang likod niya habang magkayakap kami. "I miss you, Jaic." ani ko. "Kamusta?" sabay naming usal pareho naman ikinatawa naming dalawa.
"Halata namang okay ka bestfriend, halika tuloy." sumunod naman ako sa kanya gusto ko narin makita si tita Janice, ang Ina ni Jaica.
"Ma!" tawag niya kay tita janice nang makapasok kami sa luob ng bahay. "Nandito na po si Shantal," aniya ng nasa sala na kami at nilapag ka na rin ang aking mga dala. "Nasaan?! Dinig kung sigaw ni tita mukhang naroon ito sa kusina. "Shan, ikaw nga!" abot tenga ang ngiti nito nang makita ako ng tuluyan "Naku! Namis kitang bata ka, tagal din nating hindi nagkita. Kamusta ka naman, ang mga parents mo kamusta? Buti pinayagan ka nilang pumunta dito ng mag-isa." Ang mahaba at sunod-sunod na tanong nito sa akin.
"Ma! Ano kaba naman isa-isang tanong lang, paano makakasagot si Shantal sa inyo, eh hindi pa nga nasasagot 'yong naunang tanong mo may kasunod na naman." Saway ni Jaica rito.
"Pasensya naman, excite lang talaga ako, 'to naman." Sagot nito kay Jaica na nakangiti at naka puppy eyes pa.
"Halika na kayo, at kumain na muna tayo." Inaya na kani ni tita sa kusina at iginiya ako nito sa hapag kainan. "Anak, ang mga gamit ni Shantal dalhin mo sa gagamitin n'yang kwarto inayos ko na 'yon kanina." aniya kay jaica at sinunod naman nito ang utos ni tita janice ihatid niya muna ang mga gamit ko saka ito sumunod sa amin."Opo, Ma."
"Bestfriend, akin na 'yang mga dala mo ihatid ko muna sa kwarto mo. prisinta ni Jaica na kinuha ang mga dala ko at tinungo na ang kwarto na hinanda nila para sa akin. "Sige, salamat best." ani ko.
Nasa hapag kainan na kami at masayang nag ku-kwentuhan kaya na-i-kwento ko sa kanila ang nangyari sa akin kanina sa mall upang mamili ng pasalubong ko sa kanila at kung ano ang ginawa ng mayabang na lalaking 'yon! Simula umpisa hanggang sa iniwan ko ko ito.
"Wahhhh! Talaga best friend may ganong ganap?" tili ni Jaica na akala kinuryente. Nakakakilig kaya. Ano, gwapo ba siya?" tanong pa nito mukhang excited pa kung ano ang isasagot ko. Napaisip naman ako bigla at inaalala ang mukha ni Finley. Makinis ang mukha niya, maputi, matangos rin naman ang ilong nito mukhang mayaman nga eh! Gwapo lalo siya kapag nakangiti. Napasinghap ako bigla at umiling-iling, sinabi ko ba talagang gwapo ang mokong na 'yon. No! Erase that Shantal hindi siya gwapo, mayabang siya. Pilit na itinatanggi ko sa sarili. "Ano namang nakakakilig do'n? Ikaw kaya bigla na lang hablutin basta-basta ng kung sino. Tapos sasabihin magpanggap kang girlfriend kasi hinahabol ng ex-girlfriend niyang hindi maka move-on. Parang bubuga nga ng apoy kanina 'yon sa sobrang galit eh!" kwento ko sa kanila.
"Sagutin mo muna ang tanong ko bestfriend, gwapo ba siya?" Ang nanunuksong tingin ni Jaica sakin.
"Ewan ko! Hindi ako interesado sa lalaking 'yon!" maang ko pa."Hindi ko na nga matandaan ang pagmumukha niya. Change topic, ayaw kong masira ng tuluyan ang mood ko dahil lang sa mokong na 'yon, no! Gusto ko mag beach saan tayo mamaya?" tanong ko kay Jaica pag-iiba ko ng usapan. "Hala, ang defensive mo! Aniya. "Ang tanong ko lang sa'yo ay kung gwapo ba? Andami mo nang sinabi jan, kaloka ka." hindi ako kumibo sa sinabi niya para hindi na niya ako tanungin pa."Pero bet ko rin namang mag beach kaya doon tayo sa bagong bukas na resort jan sa kalapit na bayan last week. Gusto ko rin mapuntahan eh! Tsaka mas maganda kapag gabi pumunta diba?" Sabi pa nito sa'kin habang naghihimay ng sugpo.
"Sure," pag sang-ayon ko. "Susulitin ko talaga ang isang taon ko sa pag e-enjoy."
Natapos na kaming kumain kaya nag prisinta ako na ang maghuhugas ng pinagkainan namin. Kahit laki ako sa marangyang buhay ay marunong naman ako sa mga gawaing bahay.
"Ako na po ang maghuhugas ng pinggan tita Janice." tinulungan ko ito na magligpit ng pinag kainan namin.
"Naku! Shantal hindi na, kaya ko na 'to. Magpahinga ka na lang muna sa kwarto mo, alam kong pagod ka sa byahe." Sabi nito sa akin at hindi talaga ako pinayagan na tulungan siya.
"Hindi naman po ako pagod tita, nakatulog pa nga ako sa byahe, eh." Sagot habang nagpupunas ng lamesa.
"Kahit pa, sige magpahinga kana muna doon kaya ko na ito." Pangungumbinsi nito sa akin at wala na akong nagawa kaya sinunod ko na lang siya.
Pumunta ako sa kwarto ko at inayos ang mga gamit ko. Pumili rin ako ng susuotin ko mamaya. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko dahil hindi ko pa pala natatawagan ang mga parents ko para paalam na nakarating na ako kila Jaica.
Agad kung denial ang number ni mommy sa cell phone ko at agad naman nag ring ang kabilang linya.
"Hello," dinig ko kay mommy sa kabilang linya.
"Hello, Mom," ani ko. "It's me Shantal, nandito na po ako kila Jaica nakarating naman po ako ng maayos."
"Anak," masiglang tawag nito sa kabilang linya. "Buti naman at nakarating ka ng maayos jan. I miss you already, honey." Malambing na pagka sabi ng aking Ina, kahit ako ay namis rin sila agad.
"l miss you too, Mommy." napapikit ako habang sinasabi 'yon kay Mommy, namis ko din talaga dila ni Daddy dahil ngayon lang ako malalayo ng matagal sa kanila. "Where's Dad'?" Gusto ko rin sana makausap si Daddy.
"Wala dito ang Daddy mo honey, may meeting siya with a new client. Kakaalis lang nila ni Mang Dado."
"Ganun po ba?" nanghihinayang ako dahil hindi ko man lang ito naabutan. "Maybe I will try to call him later na lang, and I know busy ka rin po jan."
"Well, as always naman honey. Don't worry, kaya naman namin ng Daddy mo basta ikaw 'wag mong pababayaan ang sarili mo jan, ha!" Paalala pa ulit nito sa'kin for me shes the best mother, ever.
"Yes po, I love you both."
"I love you too, honey. Take good care of yourself, okay?" Bilin pa nito sakin,
nakaramdam naman ako ng lungkot. Ito yata ang tinatawag nilang homesick kaya ganito siguro talaga ang nararamdaman ko.
"Okay po i'll promise, kayo din po ni Daddy mag-ingat kayo palagi. Paalala ko rin kay mommy dahil wala ako doon para alagaan sila. "Bye for now Mommy! Tatawag na lang po ako ulit, lagi ko po kayong tatawanan ni Daddy."
"Bye, honey. Enjoy your vacation, don't forget to send me a photo with your swim suits, okay?" Alam kong nakangiti si mommy sa kabilang linya. "Okay, dadamihan ko po. Hahah! Bye!"
Naputol na ang tawagan namin ni Mommy okay nadin kahit paano ay narinig at nalaman kong okay sila sa bahay. Nakarinig ako ng katok galing sa pintuan ng kwarto ko.
"Shan! Gising ka ba?" tawag sa'kin ni Jaica. "Oo best gising ako, pasok ka." Sagot ko.
"Naistorbo ba kita? Tatanong ko lang sana kung anong oras tayo papunta sa Isla?" Tanong nito sa akin. "Ay, oo nga pala no! Ikaw anong oras ba maganda pumunta doon?"
"Alas syete ng gabi sakto lang 'yon." aniya.
"Sige, alis tayo by seven." sagot ko.
"Maiwan na muna kita dito best, may gagawin lang ako saglit ha! Mag beautyrest ka muna jan." Ang nakangiting bilin ni Jaica sa akin. Alam kong ibig sabihin ng ngiti mong 'yan best, tumigil ka."
"Ha? bakit may sinabi ba, ako?" maang-maangan nito.
"Sige, bye!" 'yon lang at lumabas na siya.
Ano naman kaya ang gagawin ko hindi naman ako makatulog. Bigla ko naman naisip 'yong lalaki kanina, siguro play boy 'yon kaya hinahabol ng ex-girlfriend niya dahil hindi naman talaga sila hiwalay. Mga lalaki talaga, hindi makuntento sa isang babae lang eh! Kaya ako hinding-hindi magpapaloko sa mga katulad niya. Never!
Hindi ko namalayan nakatulog pala ako kanina. Tiningnan ko ang wrist watch ko at alas sais na rin pala ng gabi. Agad akong kumilos at naligo, quarter to seven dapat makaalis na kami ni Jaica.
"Best," tawag ni Jaica sa'kin. "Ready na na ba? Labas lang ako puntahan ko si mama para magpaalam ng makaalis na tayo!" sigaw pa nito sa labas ng kwarto ko.
"Sige best, tapos na rin naman ako. Ani ko. Susunod na 'ko sa labas."
Sinipat ko ang sarili sa salamin kung ayos na ba, at pagkatapos ay sumunod na akong lumabas.
"Tara na." Yaya ko kay Jaica.
Agad kaming pumara ng tricycle papunta sa resort na sinasabi niya, mejo malapit lang naman pala sa kanila. Bumaba na kami at nagbayad. Pagpasok namin ay tanaw ko na agad ang dagat pati ang simoy ng hangin talagang dama mong nasa dagat kana.
"Saan mo gusto pumunta best?" tanong nito sa akin habang lumilibot ang paningin sa paligid. "Ang ganda dito best, ngayon pa lang ako nakapunta dito simula ng nag bukas sila last week." aniya.
"Ikaw na bahala susunod na lang ako sa'yo, hindi ko rin alam eh!" sagot ko, nilibot ko ang paningin at nakita ko agad na may bandang tumutugtog sa Sea sides. Tinawag ko si Jaica para doon na lang kami pumunta.
"Best, doon na lang tayo." Turo ko sa bandang Sea sides.
"Ay, gusto ko din jan best, halika na." Excited na hinila ako nito. Nakahanap kami agad ng pwesto na pang dalawahang table lang ang napili namin sa may gilid mejo malapit sa bandang nag pe-perform.
"Wow! Ang ganda ng pwesto natin best, teka iinom ka ba?" tanong nito sa akin na sinang ayunan ko naman.
"Oo, sige." kinuha ko ang credit card ko at inabot sa kanya. "Heto best dalhin mo, 'yan ang gagamitin natin. Umorder kana rin ng pulutan." sabi ko pa. "Okay hintayin mo na lang ako dito, saglit lang ako." Paalam nito sa akin, naiwan naman ako sa table namin habang nanunuod sa banda.
Nakabalik naman siya agad, "Hintayin na lang natin e-served ang orders natin best." Napapa sabay naman kami sa tugtog habang nag pe-perform ang banda. Maya-maya ay nagsalita ang vocalist nila.
"Magandang gabi po ulit sa lahat," Bati nito para sa mga audience. "Sana po ay nag enjoy naman po kayo sa performance namin ng mga ka banda ko." aniya na agad naman kaming nag palakpakan. "Pero ngayon, sana ay paunlakan niyo po kami. mag i-invite ako ng isa sa inyo para kumanta po dito sa taas at kami naman po ang tutugtog." Lalong ng hiyawan ang lahat, excited sa kung sino ang aakyat sa stage.
"Itong best friend ko!" nabigla ako sa sigaw ni Jaica, ako ang tinuturo niya para kumanta. Ano ba naman 'to, hindi pa nga kami nakaka umpisang uminom mukhang may tama na.
"Hoy! Ba't ako, ayuko ko nga." Tanggi ko agad dahil nakakahiya matagal na akong hindi kumakanta sa harap ng maraming tao. "Hala! Sige na best, tingnan mo naghihintay na silang lahat oh!" turo niya sa paligid namin. Paglingon ko ay nakatitig silang lahat sa akin mukhang naghihintay na nga sila kung aakyat nga ba ako sa stage. Wala akong magawa kundi ang tumayo at pa unlakan sila "Yan ang best friend ko!" sigaw pa ng loka. "Go, best friend!"
Agad naman akong umakyat na ng stage. Hindi pa nga ako kumakanta naghiyawan ng mga naroon. Kinausap ako ng vocalist kung anong kanta ang kakantahin ko para tutugtugin nila. Sinagot ko naman siya at sinabi ang song title isa sa paborito kung kanta.
KLWKN By : Music Hero