Chapter 4

1678 Words
Finley's POV. Ala sais na ng gabi nang dumating sina Giovan, Seth, at Red. Pababa na ako sa lobby dahil nando'n na raw ang mga ito kaya bumaba na ako para salubungin sila. "Hey Brothers," tawag ko. "Kumusta?" masayang bati ko sa kanilang tatlo. "Heto, lalong gumaguwapo." Nakangiting sagot ni Seth sa 'kin na talagang natural na pagkasabi. "Ikaw kumusta ka naman dito?" natatawang tanong pa ng loko sabay kindat. "Ulol, saan banda ang kinaguwapo mo d'yan?" pang-aasar ko sa kan'ya. "Eh, mas lalo ka ngang pumangit," dagdag ko pa. 'Hahaha!' Sabay na halakhakan ng dalawa. "Agree kami d'yan, brow," sabi pa ni Giovan na kina asim ng mukha ni Seth. "Ang sama niyo! Dapat talaga hindi na ako sumama dito." Maktol pa nito. "'Lang 'ya kasi 'tong si Giovan, may pa birtday-birtday pang nalalaman akala mo bata amp*ta!" napipikong ani nito. 'Hahahaha!' Mas lalo kaming nag halakhakan, kahit kailan talaga asar talo 'tong si g**o. Nagtapikan naman kami ng balikat nina Red at Giovan. "Tss. Para kang bata, tama na nga 'yan!" ani ko at binalingan si Giovan. "Happy Birthday brow," bati ko. "Salamat. Oh, saan tayo?" tanong nito sa 'kin. "Oo nga," sagot ni Red. "Mukhang maraming tao ngayon ah, congrats," bati nito sa 'kin. "Thanks, oo nga eh. Sana magtuloy-tuloy," sagot ko. "Kayo, saan niyo ba gusto?" tanong ko rin. "P'wede tayo sa seasides kung gusto niyo," suhestiyon ko sa kanila. "Sige brow, doon na lang tayo. Maganda nga do'n may banda," pag sang-ayon ni Red. "Let's go, minsan lang 'to kaya wala tayong gagawin ngayon kun 'di ang magsaya," masaya kung anyaya sa kanila. Pagdating namin ay nagkakasiyahan ang lahat habang nanunuod at enjoy na enjoy sa bandang tumutugtog. Agad namang makahanap si Seth ng puwesto namin, ako naman ay tinawag ang waiter para ipakuha ang pinareserved ko kaninang mga inumin. Naupo muna kami at nag usap-usap habang naghihintay. "Brow, seryoso talaga, hinahabol ka pa rin ba ni Bianca?" tanong ulit ni Seth, at sinagot ko na lang kahit ayaw ko namang pag-usapan. "Yes," sagot ko. "Nakakainis nga eh, kahit saan ako magpunta malalaman ko na lang nand 'yan na siya," walang gana kung sagot dito. Ngunit bigla akong napangiti nang maalala ko 'yong babaeng bigla ko na lang hinablot para lang maiharap kay Bianca. "Kita mo 'to! Nasiraan ka na yata brow, bigla ka na lang ngumingiti nang walang dahilan." Pansin nila sa'kin na natatawa.. "No! I'm not, may naalala lang ako," sagot ko sa kanila. "Ano naman?" tanong ni Giovan. Doon ko ng ikinuwento ang nangyari noong araw na nasa mall ako nang hinahabol ako ni Bianca. "Grabe, patay na patay talaga sa 'yo si Bianca," ani ni Red. "Pero mas interesado kami do'n sa Shantal. Maganda ba?" tanong naman ni Seth. "Naku! Kulang na lang isumpa ako dahil sa ginawa ko sa kan'ya. Eh, wala na talaga, no choice ako, eh! Nag sorry naman ako, kaso ayaw. 'Wag na daw akong magpapakita ulit sa kan'ya," mahabang saad ko sa kanila. 'Hahaha!' Mukhang na-i-imagine na nga namin 'tol, buti hindi ka nasampal." "Yon lang, mabuti hindi niya naman ginawa. Pero kung ako ang tatanungin, gusto ko ulit siyang makita," patuloy kung saad sa kanila. "Ang ganda niya, ang cute pa lalo kapag nagagalit," tila makikita ko siya nang sabihin ko 'yon. "Yon, oh! Saan ba natin makikita ulit 'yan? Pakilala mo naman kami," ani ni Giovan. "Mga ulol!" singhal ko sa kanila. "Siyempre 'pag nakita ko siya ulit, ako muna bago kayo! Mamaya sa in'yo pa magkagusto, eh!" 'Hahahaha!' Nagtawanan silang tatlo. "Tss, mga siraulo," bulong ko. "Wala ka pala eh! Akala ko ba pangit ako. Bakit, natatakot ka?" sabi pa ni Seth sa'kin. Binato ko siya ng bato na pinulot ko, naputol ang asaran namin ng dumating na ang pinareserved kong inumin at nag-umpisa nang mag- inuman. Pagkatapos kumanta ng vocalist ay nagsalita ito at binati kaming nanunuod. "Magandang gabi po ulit para sa lahat!" sigaw ng vocalist. "We hope that you are all enjoyed with our performance tonight," sabi nito pa nito. Sabay palakpakan naman naming lahat. "Pero ngayon, I would like to invite from the audience po ng isa sa in'yo para kumanta po dito sa taas at kami nama po ang tutugtog." Lalong ng hiyawan ang lahat, excited sa kung sino ang kakanta. Napatigil din uminom ang mga kasama ko sa narinig. "Uy, ayos yan ah! Sino kaya?" ani na tanong ni Red. "Itong best friend ko!" Narinig namin ang isang babae na sumigaw kaya napalingon kaming lahat. Nakatalikod ang tinuruto niyang kaibigan kaya hindi ko makita. "Hoy! ba't ako, ayuko ko nga," narinig ko pa ang tanggi nito. "Hala! Sige na best, tingnan mo naghihintay na silang lahat oh!" Turo ng sumigaw sa paligid. Lumingon ang babae na halatang nahihiya sa ginawa ng kaibigan. Kalaunan ay bigla din itong tamayo at umakyat na sa stage. "Yan ang best friend ko! Whoohhh!" sigaw pa nito. "Go, best friend." Hindi ko na ito tiningnan sa pag-akyat at nagpatuloy uminom. "Wow, ang ganda niya," saad ni Giovan. "Oo nga, sana maganda din yong boses. But I'm sure maganda, kasi hindi naman siya pagtutulakan ng kaibigan niya kung hindi, 'di ba?" sagot naman ni Red. "Oo nga, pagkatapos niya kumanta lapitan natin sila ng kaibigan niya, ha?" ani pa ni Seth. "G**o! Uunahan mo pa ako!" singhal ni Giovon kay Seth. "Mag sitigil nga kayong dalawa! Mahiya nga kayo. Sabay-sabay na lang natin silang lapitan at makipagkilala," paliwanag nito. Nakikinig lang ako sa kanila, hanggang sa magkasundo. "Mga ulol talaga," bulong ko. 'Whoohhh!' Hiyawan ng mga tao. Dinig ko lang kinakausap ng vocalist ang babae pero hindi ako lumilingon. Maya-maya pa ay nag-umpisa na siyang kumanta. KLWKN By : Music Hero Tanaw pa rin kita sinta kay layo may nagniningning mistula kang tala.. Nang bigla siyang kumanta ay agad na napukaw ang atensiyon ko. Hindi lang pala ako kun 'di ang mga tao na nanunuod pati ang tatlong mokong na kasama ko. Umpisa pa lang ay parang anghel na sa pandinig ko ang boses niya, unti-unti ko itong nilingon para makita kung sino, at makita ang kan'yang mukha. Sa tuwing na aalala ka daig pa rin ang liyab na 'king nararamdaman.. Tila nag Slow motion ang paligid ko ng makita ko kung sino ang may-ari ng magandang boses na 'yon. Damang-dama niya ang pagkanta na parang siya lang ang tao mag-isa. Lalo na nang pumipikit pa ito para damhin ang kanta. O kay sarap sa ilalim ng kalawakan kapag kapiling kapag kang tumitig sa kawalan saksi ang buwan at butuwin Sa pagmamahalan nating dalawa, nating dalawa...haaaaah "It's her," usal ko. "Ha?" tanong ni Seth, "Brow may sinasabi ka?" "It's her, Shantal. 'Yong sinasabi ko sa in'yong babae na nasa mall," saad ko pa. "Ano?! Sabay-sabay nilang tanong sa'kin ulit. "Yeah! She's the girl I told you earlier," ani ko ng nakangiti. "Bad trip ka naman eh! Kami ang unang nakakita kay ganda. Wala ka ngang pakialam d'yan kanina eh!" Maktol ni Seth. "Hahaha!' Tinawanan ko lang siya. "Brow, 'wag kang mag-alala 'di ba galit sa kan'ya 'yang si ganda. Kaya may chance pa din tayo," pangungumbinsi ni Red kay Seth. "Aba! Nagkasundo din ang mga ulol," bulong ko. Napapailing na lang si Giovan sa asal ng mga kaibigan. Nang matapos ang kanta ay, biglang naghiyawan ang mga tao habang pumapalakpak. 'Whoooohhh!' "Ang galing mo Ms. Beautiful!" sigaw pa no'ng isa. "Isa pa!" muli ay may sumigaw ulit. "Wow! Just, wow!" tila walang masabi ang vocalist kay Shantal. ''Sobrang ganda ng boses mo, sumasali ka ba sa mga contest?" tanong pa nito. "Naku! Hindi naman, marunong lang ako ng konti," sagot naman ni Shantal. "Aba! Humble din pala,' usal ko ng mahina. "Best friend ko 'yan!" sigaw naman ng kaibigan ni Shantal. "Ah, p'wede ba naming malaman ang pangalan mo, Ms.? Kasi gusto rin nilang malaman." Turo nito sa audience. "'Di ba, guys?" sigaw pa ng vocalist habang nakatutok ang microphone sa audience, hinihintay siyang sumagot. "Oo!" hiyawang sagot din naman ng mga tao. Bigla naman siyang ngumiti na mas lalo pa siyang gumanda sa paningin ko. "Okay lang naman," sagot nito. "I'm Shantal. Hi! Good evening everyone." Nakangiting bati nito sa lahat. "Whoah! Totoo nga 'tol, Shantal name niya," hindi makapaniwala na sabi ni Giovan. "Shantal, ang ganda naman ng name mo, bagay sa 'yo," ani ng vocalist. "Salamat," sagot naman nito. "Ms. Shantal, p'wede kantahan mo pa kami ng isa?" hiling ng isang lalaki. "Ha? Anu po bang kanta ang gusto niyo?" nahihiya nitong tanong sa nagrequest ng isa pang kanta. "Ikaw na lang bahala Ms. Shantal, I'm sure maganda naman 'yong kakantahin mo. Ikaw Ms. anong gusto mong kantahin?" Napakamot naman si Shantal ng ulo sa mga tanong at sinabi ng lalaki. "Okay, sige. Ako na lang po bahala, sana magustuhan niyo, po," ani ni Shantal. Nag-usap sila ng vocalist, at sumunod ay kumanta na siya. I wish you were here By : Avril Lavigne "Sabayan niyo po ako kung alam niyo 'yong kanta ha!" sabi pa ni Shantal sa lahat. 'Habang tumatagal lalong mo akong pinapabilib, Shantal,' bulong ko sa sarili. Sumabay na ang lahat sa beat ng music habang pumapalakpak ang mga kamay, kaya mas lalo kang gaganahan. "Brow, in love na ako kay ganda," ani ni Seth "Ako din," sabay na ani nina Giovan at Red. "Mga ulol! Hindi p'wede, akin na si Shantal," nang a-angkin kung saad sa kanila. 'Hahaha!' Halakhakan nila. "Tingnan natin mamaya 'tol, kung sa 'yo nga ba siya," mapang-asar na sabi ni Seth. Sinamaan ko lang sila ng tingin. "Whoohhh! Ang galing mo Ms.Shantal, may boy friend ka na ba?" tanong ng lalaki. "Aba! Uunahan pa yata ako ng loko," sambit ko "See? Hindi lang kami ang karibal mo brow, marami kami. Pero madali lang naman kaming kausap eh! Say please..." 'Pinag titripan na naman ako ng mga, 'ulol' "Ito kaya ang e-say please mo Seth?" Pakita ko ng kamao ko. 'Hahahah!' "Talo ang pikon." Hindi na ako sumagot at tinitigan na lang muli si Shantal. 'Napakaganda niya at ang ganda rin ng boses, gagawin ko ang lahat mapaaamo lang kita.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD