"Ah… Shantal! Sa susunod ay 'wag kang magpapaiwan nang mag-isa kasama ko, ha!" pakiusap niya kaya nagtaka naman ako.
"Bakit?" tanong ko.
"Baka kasi magselos ang girlfriend ko. Ayaw kong mangyari 'yon! Pasensiya na!"
'Ang sakit!'
Para ng may bombong sumabog sa mukha ko nang sabihin niya 'yon sa 'kin.
Ano pa nga ba ang ginagawa ko dito?
Walang kami!
Ang sakit kasi nasasaktan ako nang wala naman akong habol.
Nasasaktan akong siya ang dahilan pero wala akong laban.
Nasasaktan ako para sa sarili ko dahil umaasa pa ako nang wala namang pinanghahawakan.
Dahil walang kami!
Napalunok ako at nag-iwas nang tingin. Dahil baka makita niyang nakinig bigla ang mga mata ko, nagbabad'yang lumuha.
"Ay! P-pasensiya ka na Finley, hayaan mo! Lalabas na lang ako." Akmang aalis na 'ko nang magalit siya't pigilan ako.
"No! It's fine! Wala naman si Bianca at hindi naman siya makakapunta ngayon. Maybe next time?" Tipid na lamang akong ngumiti.
Pero sa loob ko ay parang kinuha ang puso ko.
'Ang hirap ng ganito! Sana ay malalaman ko 'tong ginagawa ko.'
Hindi siya nagsasalita at hindi rin ako kumikibo.
Wala akong alam nang loob upang mag-open ng pag-uusapan dahil nahiya na 'ko sa nangyari kanina.
Hihintayin ko na lamang sina Red ang Jaica na makabalik.
Ngunit bigla siyang nagsalita at Nagtanong.
"Ah, Shantal. Sa'n pala tayo nagkakilala?
'Sasabihin ko ba?'
"Ah! Sa mall tayo nagkakilala, dito lang din sa city," simula ko.
"Oh! Tapos?" hndi ko alam kung sasabihin ko ba sa kan'ya baka magalit siya, Isipin na gumagawa lang ako nang kuwento.
"Ano kasi…ah–" Biglang bumukas ang pinto at dumating si Bianca.
Pinakatitigan pa ako nito at sinamaan nang tingin nang makilala niya ako.
"Anong ginagawa mo dito?! galit na tanong nito sa 'kin.
"Ana kaalaman nang mukha mong pumunta pa dito!" Nagtaka at napakunkot naman ang noo ko.
'Anong pinagsasabi nito?'
"Wait! Magkakilala kayo?" Anh palipat-lipat na tingin sa amin ni Bianca
"O–"
"Yes Love!" hindi ko na naman natuloy dahil sumingit si Bianca sa kin anong sasabihin ko.
"Magkakilala kaming dalawa dahil mag-aagaw 'yan!
Gold digger!" nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Anong pinagsasabi mo diyan?! galit ko rin tanong kay Bianca.
"Bakit? Totoo naman ah! Inagaw ko sa 'kin si Finley, pero buti na lang at hindi ka nagtagumpay, isa ka kasing gold digger," pag-uulit niyamg sabihan ako ng gold digger kaya manikin ang paningin ko sa kan'ya.
"Sandali nga! Ako ba ang nangyayari? Ha?! Nalilitong na sa'ming dalawa ni Bianca si Finley.
"Siya kasi Love, eh! Inagaw ko niya sa 'kin tapos nalaman kong piniperahan ka, lang niya!" Hindi na ako nakakapagpigil at Nasampalko ko nang malakas si Bianca dahil hindi k talaga gusto ang pinagsasabi niya tungkol sa 'kin.
"Hoy! Babae! Hindi ko alam kung sa'n mo natulot 'yang asawang pinagsasabi mo!
Pero hinding-hindi k natatanggal na sabihan mo 'ko ng GOLD DIGGER dahil baka isampal at ibaon kita sa kayamanan ko!"
Sapo nito ang kan'yang mukha dahil sa wakas ang sampal ko sa kan'ya.
Dinaluhan naman ito ni Finley agad.
"Shantal! How dare you slap her?! galit na baling sa 'kin ni Finley pero wala akong pakialam.
Hindi ako papayag na pagsalitaan lang ako nang gano'n.
'No way!'
"Get out! Ayokong makita kapang muli dito!" sigaw sa 'kin ni Finley kaya nagulat talaga ako kasabay no'n nang pagbukas ng pinto.
"Out!" ulit niya.
"Anong nangyari dito?! Lumapit agad Red sa 'kin at si Jaica.
"Sinampal niya si Bianca! Wala siyang karapatan gawin 'yon sa girlfriend ko," anito.
"Oh Yes! Kaya siya may karapatang pagsabihan ako nang kasinungalinan niya! Gan'on ba? Ha!" Nanginginig talaga ako sa galit.
"Teka! Teka! Isa-isa lang, okay? Anong ba kasing nangyari?"
Kaya ako na ang sumagot, Hindi ako magpapatalo sa ipokritang 'to!
"Pinagbintanhan akong inagaw ko raw si Finley sa kan'ya at may lalong hindi ako makakapayag na sabihan ni'ya akong gold digger.
Dahil baka magsunugan pa kami ng pera!"
Namilog naman ang mga mata ni Bianca sa narinig.
Anong akala niya! Basta lang akong papayag nang gano'n! Never!
"Ow! Kaya naman pala! Tsk..tsk..tsk.." Iiling-iling pa si Jaica.
"Maling-mali ka girl!" Hindi na ko nakipag-diskusiyon kaya inaya ko na si Jaica na umuwi.
"Halika na Jaica! Baka hindi ako makapagpigil at masampal ko pa siya sa kabilang pisngi niya!" Nauna na akong lumabas.
'Buwisit na 'yon! Mang-aagaw, gold digger, ako? Kulang pasa kan'ya 'yong Sampal ko.
Dapat kasi sinabunutan ko na eh!'
"Best! Okay ka lang?" tanong sa 'kin ni Jaica nang makalaba na ito.
"Oo naman! Ako pa ba? Anong nangyari do'n pag-alis ko?" tanong ko.
"Ayon nag-inarte si Bianca, umiyak pa! Papasukan ko na nga rin sina kaso pinigilan ako ni Red dahil baka makasama Kay Finley.
Baka kasi mag-isip Masiyado, alam mo namang wala siyang maalala 'di ba?"
Oo nga pala nakalimutan kong may Amnesia si Finley dahil sa galit ko kay Bianca.
"Naku! Humanda talaga 'yang si Finley sa 'kin kapag bumalik na ang alaala niyan eh!" sabi ko pa.
"Hay naku best! I'm sure takot lang sa 'yo ni Finley." Nagtawanan naman kaming dalawa habang naglalakad palabas ng ospital.
Hahayaan ko na muna siya ngayon. Magsama na muna silang dalawa nang Bianca'ng 'yon!
Kung wala lang Amnesia si Finley ay kakaltukan ko na rin sana eh!
Sarap nilang pag-untuging dalawa.
Agad naman kaming nakauwi ni Jaica, agad naman kami nilapitan ni tita Janice.
"Oh, kumusta nakapag-usap na ba kayo ni Finley?" Umiling naman ako.
"Naku 'Nay! Dumating 'yong acting girlfriend ni Finley, at pinagsalitaan si Shantal ng kung anu-ano. Mang-aagaw pa raw si Shantal!" Tinabihan naman ako ni tita.
"Talaga ba? O, eh, anong sabi ni Finley? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong pa nito sa 'kin.
"Opo Tita! Okay lang ako. Hindi naman po ako papayag na Basta niya na lang ako kainin, kaya ayon! Nasampal ko siya sa harap ni Finley," saad ko.
"Bongga 'di ba, 'Na?" Pumapalakpak pang-aalo ni Jaica. Tuwang-tuwa ang loka!
"Eh, anong sabi ni Finley nang sinampal mo 'yong Bianca?" Bumuntong-hininga ako. Dahil galit siya kanina sa 'kin.
"Nagalit siya sa. 'kin, sinigawan ako at pinagtabuyan palabas.
Pinagtanggol niya si Bianca, ano pa nga ba!
Eh, sa isip niya ay girlfriend niya pa rin 'to!"
Ngayon ay hindi ko alam ang gagawin kung paano ako mapapalapit kay Finley. Galit siya sa 'kin, paniguradong naniwala na siya kay Bianca kanina.
Kung anu-ano pa ang maraming sabihin no'n na kasinungalingan tungkol sa 'kin.
Basta ba 'wag ko lang siyang marinig, walang problema.
Dahil kapag maakruhan ko siya ay baka hindi lang sampal ang abutin niya sa 'kin.
- Not edited
Merry Christmas