Pagkahatid ni Red sa 'min sa bahay ay iniwan ko na sila ni Jaica. Nagtungo ako agad sa kuwarto. Nakakapanghina ang mga nalaman ko.
'Finley! Bakit kong kailan na handa na 'ko at mahal na rin niya ay saka naman nakaganito? Bumalik ka agad. Please..'
Nahiga ako sa ka kama, hindi ko mapigilan ang mga luha kong nagsibagsakan. Nasasaktan ako sa mga nakita ko kanina, ang paghaharapin niya kay Bianca at ang pagbalik nito sa kan'ya.
Parang gusto ko itong kaladkarin kanina palabas, pero wala naman akong karapatan na gawin 'yon! Simula no'ng gabing magkasama kami no'ng huli ay mas naging malapit ako sa kan'ya. Umpisa no'n ay hinahanapa-hanap ko na ang prisensiya ni Finley.
'God! Nasa huli nga talaga ang pagsi-sisi.'
Ang tanga-tanga ko dahil hindi ko 'yon agad pinahalagahan, sa tatlong buwan na panunuyo niya sa 'kin ay mapalapit na rin talaga siya sa 'kin.
Sa ilang araw na hindi ko siya nakikita, nakasama ay mamimiss ko na siya.
Nakakamiss 'yong mga banat niya kahit seryoso ang usapan ay may isisingit talaga siya.
Kailan kaya siya babalik sa 'kin?
Kailan niya ulit ako maalala?
Hindi na ako ang mahal niya ngayon.
Kaya pala pakiramdam ko no'ng gabing 'yon ay magpapaalam siya, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.
Basta, gusto niya lang raw akong yakapin.
'Yon pala ay ganito ang manyayari.
'Finley mahala kita! Mahala na kita! Bumalik ka na!'
Walang humpay ang luha ko, sising-sisi ako ngayon.
Anong dapat kong gawin para lang maalala niya ako?
Hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang pag-iyak.
Nang magising ako ay alas tres na ng hapon.
Hinanap ko si Jaica at nando'n siya sa labas kaya lumabas na rin ako.
"Oh best! Gising ka na pala, nagugutom ka na ba? Kumain ka na," bungad ni Jaica sa 'kin pero wala akong gana.
"Hindi pa ako nagugutom, anong oras umuwi si Red? Pasensiya, nakatulog kasi ako, Hindi na tuloy ako nakapag-paalam sa kan'ya," sabi ko naman.
"Ano ka ba! Okay lang, understand stood na best!
'Wag kang mag-alala, kahit araw-arawin pa nating puntahan si Finley maalala ka lang," aniya.
"Sira! Paano nangyayari 'yon? Kung si Bianca ang girlfriend niya sa pagkakaalam niya, panigurado hindi 'yon aalis sa tabi niya ni Finley gayong dati ay siya pa nga ang naghahabol no'n kay Finley," saad ko.
"Oww.. So it means, ay susuko ka na lang? Magpapatalo ka na lang, gano'n ba 'yon?"
Hindi ko alam ang sasagot ko.
"Si Finley na ay hindi ka sunukuan, tingnan mo! Mahal mo na 'di ba?" Napaiwas naman ako nng tingin
'Grabe naman 'tong babait na 'to!'
"Best, kahit hindi mo sabihin ay alam ko. Mahal mo na si Finley, kaya kahit nakalimutan ka nang isip niya, ay alam kong nakikilala ka nang puso niya.
Basta iparamdam mo rin sa kan'ya na mahal mo siya," sa sinabi ni Jaica ay nabuhayan ko nang loob.
Tama siya, ako naman ang magpaparamdam kay Finley na mahal ko siya.
"Best, samahan mo 'ko bukas kay Finley, puwede ba?
Gusto ko siyang bisitahin," ani ko.
Tama! Uumpisahan ko na bukas.
"Sige ba! Sabihan ko si Red para samahan niya tayo at para hindi magtaka si Finley kung bakit ikaw lang ang nando'n." Napangiti naman ako dahil do'n.
Kinagabihan habang naghahapunan ay nag-usap kaming tatlo nina tita at Jaica.
"Shantal, kumusta? Ikinalulungkot ko ang nangyari kay Finley.
Sana ay gumaling na siya agad, gusto ko rin siyang bisitahin at dalhan nang mga luto," ani ni tita Janice. Nagkatinginan naman kami ni Jaica na parang Iisa lang ang iniisip namin.
"Alam mo 'Nay, tama ka! Sumama ka sa 'min bukas para may back up kami ni Shantal.
Baka kasi magtaka si Finley kapag palagi kaming nado'n." Tumango naman si tita Janice.
"Sige, akong bahala. Baka sakaling makaalala agad si Finley kapag natikman ulit ang niluto ko." Napangiwi naman kami ni Jaica at palihim na natawa.
Kinabukasan ay maaga pa kaming umalis para puntahan si Finley, ang sabi ni Jaica ay nando'n raw si Red hinihintay kami. Kasama namin si tita Janice at may dala nga siyang nilutong pagkain para kay Finley.
"Hi Tita, good morning po," bati naman ni Red.
"Good morning din sa 'yo, Red. Nasaan na si Finley?" Kinuha naman ni Red ang Dala ni Tita at ito na ang nagbitbit.
Nang makarating kami sa tapat ng room ni Finley ay nauna na si Red.
"Brow! May bisita ka," anito.
"Really? Who?" Pumasok naman agad sina Jaica at tita, nagpahuli ako.
"Ijo, kumusta ka na?" Napakunot naman ang noo ni Finley kung sino si tita Janice.
"Ahmn.. I'm sorry, hindi ko po kayo kilala," sagot naman ni Finley na nagtataka.
"Ako si Tita Janice, Nanay ako ni Jaica. Marahil ay nakalimutan mo pero malapit ka sa 'kin, ayon dinalhan kita ng mga paborito mong pagkain na niluluto ko," saad pa ni tita Janice.
Parang nagulat naman si Finley.
"Talaga po ba? Pasensiya na po at hindi ko matandaan.
Hayaan niyo po kakainin ko kapag nagutom ako." Nakangiting sabi naman ni Finley.
"Ahmmn… Hi! Kumusta na ang pakiramdam mo?" ako naman ang nagtanong.
"Okay naman na! Mga ilang araw na lang ay makakauwi na rin ako sabi ng Doctor ko." Tipid siyang ngumiti sa 'kin.
"Mabuti naman kung gano'n. Sana nga ay gumaling ka na agad," ani ko sa kan'ya. Alam kong nagtataka siya kung bakit nandito na naman kami.
"Thank you!"
Ilang saglit pa ay lumabas sina Red at Jaica, naiwan naman si tita at ako. Maya-maya ay nagpa-alam narin si tita Janice.
"Ah! Hindi na ako magtatagal pa Finley dahil may gagawin pa ako.
Babalik na lamang si Tita ulit at dadalhan kita ulit ng gusto mong ulam," paalam na ni tita.
Nang kami na lang dalawa ay bigla siyang nagtanong
"Ah… Shantal! Sa susunod ay 'wag kang magpapaiwan nang mag-isa kasama ko, ha!" pakiusap niya kaya nagtaka naman ako.
"Bakit?" tanong ko.
"Baka kasi magselos ang girlfriend ko. ayaw kong mangyari 'yon! Pasensiya na!"
'Ang sakit!'
Parang kutsilyong tumarak 'yon sapol sa puso ko!
Hindi ako agad nakagalaw at nakasagot sa kan'ya.
Parang gusto ko na lang bumuka ang lupa at mahulog do'n.