Kinabukasan ay sumama ako na pumunta sa ostipal para sa check up muli ni Finley, ngayon na rin umano pag-uusapan ang tungkol sa operasyon niya na
sana nga ay mangyari na sa lalong madaling panahon, gusto ko na siyang makakita at bumalik sa normal.
Gusto kong makita niya ang mukha ng anak namin at ayaw ko na rin siyang nahihirapan sa tuwing may gustong kuhanin, puntahan man at kumain.
Alam kong nahihiya siya minsan pero pinipilit kong hindi niya maramdaman 'yon,
ayaw kong maramdaman niyang kinakaawan ko siya. Nang makarating kami sa ospital ay ilang saglit lang ay dumating na ang doctor niya, ang parents na lamang ni Finley ang kumausap dito dahil mukhang kakilala naman nila ang doctor na titingin sa kan'ya.
"Sweetie, dito ka lang muna ha! Kailangan ko lang pumunta do'n,'' paalam ko nito sandali sa akin.
"Sure, sige! Hihintayin kita dito," tugon ko. Hinalikan ko na muna siya sa labi bago sila magtungo do'n sa loob at hinatid ko siya sa pintuan.
Prente lang akong nakaupo at tahimik na naghihintay sa kanila, matapos ang kalahating oras ay lumabas na rin naman ang mga ito at lahat sila ay nakangiti.
"Sweetie," tawag sa 'kin ni Finley kung kaya't tumayo ako upang lapitan siya. "Yes, Sweetie, anong balita?" Siya naman din ay hindi nawawala ang mga ngiti sa labi.
"Good news Sweetie. Mukhang mapapaaga ang operation ko, sana nga ay magkatotoo para makita ko na kayo agad," masayang balita nito sa akin agadkaya pati ako ay napangiti na rin sa nalaman.
"Tagala?! Good news nga iyan, don't worry dahil ipagdarasal ko lalo na magkatotoo iyan, sweetie." Yumakap ako sa kan'ya ng mahigpit. Kausap pa ng parents niya ang ang doctor at naririnig kong masaya ang mga itong nag-uusap.
Ilang sandali lang ay lumabas na rin ang mga ito at nagpaalam na sa doctor ni Finley, umalis na rin kami ng ospital. Magkahawak kamay kami patungong sasakyan at kita kong hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya. Nararamdaman ko rin ang pagpisil niya sa palad ko, naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kan'ya kaya bigla siyang nagsalita.
"Alam kong guwapo ako, sweetie. 'Wag kang mag-alala, hindi naman ako titingin sa iba kasi hindi ako makakita." Naningkit ang mga mata ko sa kan'ya kung biro ba iyon o ano?
"Hoy! Anong pinagsasabi mo diyan? Hindi naman ako nakatingin sa 'yo, ah," maang-maangan ko. Ngunit hindi nakaligtas ang ngisi niya sa akin.
'Abnormal talaga!'
Pagdating ng bahay ay pinuntahan na agad namin ang anak naming si Shan. "Hi anak, nandito na ang mommy at daddy," masayang bungad ko pagpasok sa nursery room. Kalong-kalong ito ni manang at tawa naman ito nang tawa.
"Naku! Sakto lang ang dating nin'yo dahil kagiging lamang ni Shan," tugon naman ni mang. Inalalayan ko naman si Finley na makaupo na muna bago ko lapitan ang anak namin. Ako na po rito manang, salamat."
"O siya, sige. Kumusta naman ang pagpunta nin'yo sa ospital?" Ngumiti ako ko rito bago ko sinagot .
"Good news po, malapit na raw po ma-operahan si Finley. Makakakita na siya ulit. Nakita ko naman na natuwa si manang sa ibinalita ko.
"Talaga ba? Magandang balita nga kung gano'n! Salamat sa at dininig ang mga panalangin ko. Masaya ako para sa iyo, Ijo." Binaligan naman ni manang si Finley na nakangiting nakikinig sa amin.
"Thank you po," tugon naman ni Finley.
"Sige na't maiwan ko na kayo, magluluto ako ng masarap na hapunan." Natawa naman ako dahil sobrang saya talaga ni manang, karga ko na ngayon si Shan kaya lumapit ako kay Finley upang dalhin sa kan'ya.
"Daddy, ito na po si Baby Shan. Mukhang very good din naman ang baby na iyan habang wala ang mommy at daddy, 'di ba?" kausap ko sa anak ko.
"Daddy...daddy..." dalawang beses na sambit ni Shan at tumalon-talon pa sa kama. Lumapit din ito kay Finley at nagpakalong, mukhang gustong-gusto talaga sa daddy niya kaya napapangiti na lamang ako.
"Yes, honey? Miss mo si Daddy? I miss you too." Hinalik-halikan naman ito ni Finley. Habang abala silang dalawa ay nagpaalam akong lalabas na muna upang magbihis.
"Sweetie, magbibihis na muna ako ha? Okay lang ba na iwan ko saglit si Shan?"
"Ah yeah! Ako na ang bahala sa anak natin Sweetie, don't worry." Lumapit ako upang halikan silang dalawa
"Okay, baby 'wag malikot. Sandali lang si Mommy." Iniwan ko na silang dalawa.
Nang makapagbihis ay agad na akong lumabas para balikan ang mag-ama ko, habang naglalakad na ako pabalik ay nag-ring naman ang cellphone ko. Si Jaica ang tumatawag kaya agad ko na itong sinagot.
"Hello?"
"Hi Bestfriend, kumusta ka na? Kumusta ang loving-loving? Ayieeehhh...." Napailing na lamang ako sa panunukso nito.
"Ano pa nga ba? Eh 'di happy," tugon ko naman. Mas lalo pa ako nitong aasarin kapag kumontra pa ako kaya sasakyan ko na lang.
"Ay wow! Mukhang maganda nga ang dilig, mukhang may sisibol na niyan dahil masipag ang taga dilig mo bestfriend!"
'Loka talaga ang isang 'to!'
"T'se! Ikaw na buntis ka napaka-pilya mo! Baka ikaw nga diyan ang palaging may dilig para mabuo na ang mga kamay at paa niyang inaanak ko eh!" pang-aasar ko rin sa kan'ya. Bigla namang humalakhak ng napakalakas ang loka.
"Ssshh... Ano ka ba! Hindi lang dilig, binubuhos pa talaga bestfriend!" Hindi ko na rin napigilan ang tumawa ng malakas dahil sa kalokohan nitong babaeng 'to!
"Hoy! Maghunusdili ka at baka masobrahan, mapirat si baby," sabi ko pa.
"Uy! Hindi mangyayari iyan bestfriend. Ako naman nasa taas–"
"Tama na!" saway ko agad sa kan'ya.
"Sus ko, Jaica! Iyang bunganga mo talagang babae ka. Panay lang ang tawa nito sa kabilang linya at ako naman ay papasok na ng nursery room.
"Maiba tayo! Kumusta na si Finley? Kailan na siya puwedeng magpa-opera?" tanong niya.
"Okay naman, kagagaling lang namin kanina sa ospital para sa check-up niya at nakausap na rin ng parents niya ang doctor. Puwede na raw siyang magpa-opera soon as possible."
"Hala totoo? Salamat naman kung gano'n, ibabalita ko iyan kay nanay agad, tiyak na matutuwa iyon!"
"Oo nga eh, kayo ni Red kumusta na? Wala ka na ba'ng topak?" Inaaway kasi nito si Red nang huling pagsasama namin dito.
"Okay naman, palagi niya akong pinapakain at alagang-alaga niya rin naman ako." Napangiti naman ako, alam kong responsable naman si Red at mahal niya naman ang kaibigan ko kaya hindi ako nag-aalala. Si Red ang inaalala ko dahil kapag may toyo ang isang ito ay kawawa.
"Sweetie, kausap ko si Jaica. Tumawag, nangumusta," ani ko nang tumabi ako rito.
"Okay, kumusta mo na lang ako sa kanila ni Red. Mukhang busy ang isang 'yon!" Tumango naman ako. Naramdaman kong pumulupot ang braso ni Finley sa bewang ko, habang si Shan ay abala sa paglalaro.
"Sige na bestfriend, maliligo na muna ako dahil pauwi na ang love ko. Mapapalaban na naman kami mamaya kaya alam mo na,'' sabi pa niya.
"Loka! Okay, ingat ka uy! Baka mamaya niyan pango ang ilong ng inaanak ko!" Natatawang sabi ko.
"Hindi ah, grabe ka naman. Sige babye na!"