Finley's Pov
"Masaya ka na ba?" biglang tanong ni Shantal sa akin pagkatapos ko angkinin ang labi niya. Nagulat ako nang makitang umiiyak na pala ito, inangat niya ang tingin sa akin at sibaning.
"Wala akong natandaan na naging kasalanan ko sa 'yo para lapastanganin mo ako, Finley!
Gan'yan ka ba sa lahat ng mga babae mo! Dinadaan mo sa dahas?" dinig kong aniya, parang bigla naman ako binuhusan ng malamig na tubig.
'f**k! Anong ginawa mo Finley? Ang gag* mo!'
"Shantal," ani ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kan'ya, binigla ko siya.
'f**k! Natakot ko ba siya?'
"Im sorry hindi ko sinasadya." Napangiti naman ito ng mapakla, hindi ko talaga alam ang sasabihin, ginalit ko na naman siya.
'Ang tanga-tanga mo Finley!' paninisi ng utak ko.
"Wow! Tapos ngayon mag so-sorry ka! Para ano? Para okay na?
Ito lang ang masasabi ko sa 'yo Finley, wala kang kuwenta!" aniya at bigla kumawala sa pagkakayapos ko sa kan'yang baywang.
Hindi ko na siya nagawang piligan pa, na gi-guilty ako.
Tanaw ko pa siya na tumatakbo patungo pabalik sa hotel.
Ang mga mokong naman ay alam kung nagtataka na rin, pati ang best friend niyang si Jaica.
Dali-dali akong umahon sa tubig, kailangan ko siyang makausap.
Kaya ko lang naman nagawa 'yon dahil sa ingay niya at katarayan.
Sabihan ba naman ako mukhang adik at tumira ng rugby.
Narindi lng talaga ako pero hindi ako nagsisisi na hinalikan ko siya, ang lambot ng labi niya at ako raw ang first kiss. 'Hahah!'
"Brow, what happened? Bakit tumatakbo si Shantal?" agad na tanong ni Seth nang makabalik ako sa kubo. Dinampot ko ang tuwalya at nagpunas ng sarili.
"Ah.. Jaica, puwede ba, na, paki sundan mo muna si Shantal?" Hindi ko sinagot ang tanong ni Seth, pinakiusapan ko muna si Jaica na sundan si Shantal dahil nag-aalala ako sa kan'ya.
"Bakit Finley?
Anong nangyari kay Shantal?" tanong pa nito.
"Please, check her if she's okay?" hindi na ito sumagot at umalis na kaya ang mga mokong naman ang hinarap ko.
"Finn, ano 'yon? Bakit, ano ba ang ginawa mo kay Shantal?" ang may diing boses ni Red.
"I'll kiss her," ani ko at natigilan naman sila.
"Ano? Pumayag ba or hindi?" tanong naman ni Seth.
"No! Hindi siya pumayag, binigla ko siya, eh!" sabi ko pa.
"Paano kasi naririndi na ako sa ingay niya at pinaghahampas pa ako, tinanong ko lang naman siya kung bakit ang sungit niya sa 'kin at bakit sa in'yo ay hindi naman siya gano'n!
Ang matindi pa!
Sabihan ba naman ako tumira raw ng rugby, kaya ayon hinalikan ko nang manahinik," mahabang paliwanag ko sa kanila.
"Brow, hindi mo dapat ginawa 'yon! Ano ka ba naman, iba si Shantal sa mga ibang babaeng ka-fling mo lang at naghahabol sa 'yo.
Paano na ngayon 'yan?" tanong naman ni Giovan. Nailing-iling naman si Seth at Red.
"Alam mo namang hindi maganda ang unang impression niya sa 'yo no'ng una kayong magkita 'di ba?
So, ngayon pinatunayan mo lang talaga sa kan'ya na tama nga siya," sabi pa ni Seth.
"At 'di ba, never pa raw sila nagka-boyfriend ni Jaica?
Talagang magagalit 'yon kasi importante raw sa mga babae ang first kiss nila. Para sa kanila, sa lalaking mahal lang nila unang ibinibigay 'yon," dagdag pang sabi ni Red.
Napangiti naman ako bigla sa isiping ako nga talaga ang first kiss niya.
Dahil ng hinalikan ko siya, talagang hindi siya marunong kung paano humalik.
'Haha! Pero sorry, hindi talaga ako nagsisi na hinalikan ko siya ang tamis ng labi ni'ya. Haha!'
"Bakit, karapat-dapat naman ako sa kaniya, ah!
Sinabi ko nga sa kan'ya na gusto kong ma meet ang mga future in laws ko, eh!" ani ko pa sa kanilang tatlo.
"Tsk, tsk, tsk.." Pailing-iling ni Red. "Brow, ang mga tipo ni Shantal, hindi mo madadala sa gan'yan.
Dapat sinusuyo mo, hindi 'yong dinadaan mo sa mabilisan, ligawan mo muna kasi," payo naman ni Red sa akin kaya binalingan ko siya.
"Talaga? Paano ba manligaw?" tanong ko pa, hindi kasi ako nanliligaw eh! Babae na mismo nagsasabing girl friend ko na sila, ako na lang ang sasagot kung okay ba sa akin or hindi.
Si Bianca lang talaga ang ayaw akong tantanan kaya pinagbigyan ko tapos malalaman kong nakikipaglandian pa sa iba, hindi puwede sa akin 'yon.
Kaya sorry na lang siya.
'Hahaha!' "Gag* ka! Ayan tuloy mukhang mahihirapan ka kay Shantal, brow.
Ikaw kasi, kaya ngayon pag-isipan mo kung paano," ani naman ni Giovan kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Sige, pero tulungan niyo muna ako. Hindi ko talaga alam kung paano manligaw, eh!" bigla naman silang nagtinginang tatlo na sila lang ang nagkakaintindi, kaya nangunot ang noo ko.
"Hoy! Anong tinginan 'yan? Baka mamaya pinagkakaisahan niyo na ako. Pag uupakan ko talaga kayo!" sita ko sa kanilang tatlo.
"Hindi ah! Tutulungan ka nga namin, sasabin at ituturo namin kung ano ang gagawin mo," sabi pa ni Seth na kina ngiti ko naman.
"Sige, ano? Tang*na sabihin niyo na! Excited na ako!" ani ko pa.
"Ano? Kailangan ko na ba ng reservation para sa restaurant?
Kung saan kami magdi-date? Flower, chocolates, anything na kailangan. Sabihin niyo, para ipahanda ko, na." Umiling naman silang tatlo kaya nangunot na naman ang noo ko.
"Opps! None of the above. Hindi 'yan ang ipapagawa namin sa 'yo!
Tingin mo ba makukuha mo si Shantal sa gan'yan?
Hindi 'yan brow. Makinig ka muna sa aming tatlo," wala naman akong nagawa kung 'di ang makinig sa mga mokong na 'to!
Sinabi na nga nila sa akin kung anong dapat kong gawin at napatitig naman ako sakilang tatlo.
"Sigurado ba kayo? Pinagti-tripan niyo lang yata ako, eh!" ani ko sa kanila.
"Bakit naman namin gagawin 'yon?
Look!
Tinutulungan ka lang namin pero kung ayaw mo ay mabilis naman kaming kausap, dahil may mga negosiyo rin kaming dapat pagtuunan nang pansin," ani naman ni Seth kaya parang nakumbinsi naman ako sa sinabi nito.
"Sige, ka! Sa ganda ni Shantal at napaka talented, naku!
Baka maunahan ka pa, remember galit 'yon sa 'yo.
Dapat talaga suyuin mo na siya dahil malay natin biglang may manligaw sa kaniya. Ikaw din," dagdag sabi naman ni Giovan kaya napapayag na ako.
"No! Walang puwedeng umagaw sa akin kay Shantal. Lulunurin ko sa dagat!"
'Haha haha!' Sabay-sabay silang humalakhak.
'Mga ulol 'to!'
"Ina-angkin mo na, hindi pa nga sa 'yo. Suyuin mo muna." nakangising ani ni Red kaya sinamaan ko siya agad nang tingin.
'Akin lang talaga!'