Finley
Sa wakas, ngayong nagbalik na ang paningin ko ay talagang matutuloy na ang kasal namin ni Shantal. Hindi na ako makapaghintay pa.
Sobrang saya ko nang makita ko na mismo ang Anak naming si Shan, hindi ko mapigilan ang mapaluha dahil sa saya nang makita ko na ang mag-ina ko. Ang gana ng Anak namin at talagang totoong kamukha ko nga ito, pero kung tititigan ng mabuti ay makikita mo rin naman ang hawig nito kay Shantal..
Sobrang aga pa, alas singko pang ngunit nagising na ako. Masarap at ang himbing ng tulog ni Shantal. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang nasa tabi ko na siya.
Pinagsawa ko ang mga mata ko sa katititig ng maganda niyang mukha. Ayaw kong maistorbo ito sa pagtulog kung kaya't dahan-dahan na akong umalis sa kama.
Gusto ko siyang ipagluto ng almusal.
Nagsuot ako ng robe upang bumaba, paniguradong ako pa lang ang gising ngayon dahil maaga masiyado pang maaga o kung mero'n man ay si manang 'yon.
Pinuntahan ko muna ang Anak namin kung kumusta ang tulog nito, napangiti ako dahil ang cute niya talaga at mahimbing ang tulog tulad ng mommy niya.
Ayaw ko na itong storbohin kaya nakuntento na lamang akong pagmasdan ito. Gusto ko man itong halikan ay hindi ko ginawa dahil baka magising ko lang ito.
Lumabas na ako ng kuwarto upang bumaba ang magtungo sa kitchen at ihanda ang lulutuin kong breakfast para sa mahal ko.
'Tiyak na matutuwa 'yon pagkagising niya!'
Inuna ko na ang garlic fried rice, kasunod no'n ay nag prito na rin ako nang bacon at scrumbled egg at dried danguit. Pagkatapos no'n ay lumabas ako sa garden ni mom at pumitas ako ng ibat-ibang bulaklak do'n para sa mahal ko.
Napangiti pa ako habang ginagawa ang mga 'yon sa sobrang saya ko talaga.
Agad ko nang inayos ang breakfast na hinanta ko kay Shantal tsaka agad na dinala 'yon sa kuwarto namin. Mahimbing pa rin ang tulog nito kaya minabuto ko na munang maligo na.
Nang makapag-bihis ako ay nagpasiya na akong gisingin siya kaya hinalik-halikan ko naman siya mula sa mukha pababa sa panga, leeg at balikat.. umugol naman siya nang maramdaman na niya ako.
Pero sh*t!
Iba ang epekto sa 'kin ni Shantal, mukhang nag-umpisa na ako pang-initan sa simpleng ungol niha na 'yon.