Chapter 68 - Paningin

1033 Words
Makalipas ang isang linggo ay ngayon araw na malalaman kung nabalik na nga ba ang paningin ni Finley ng tuluyan, sobrang excited na ako, pinaghalo ang kaba at pagkasabik kung makakita nang muli si Finley at makita sa unang pagkakatao ang anak namin. Hindi ako umalis sa tabi ni Finley, ako ang nagbantay dito sa ospital dahil nando'n naman si mommy upang pansamantalang alagaan si Shan. Umuuwi naman ako upang bisitahin ang anak namin. Hinihintay na lamang ang doctor para tuluyan nang maalis ang benda ni Finley sa mga mata. "Sweetie, kinakabahan ako. Paano kung hindi pa rin ako makakita?" "'Wag ka ngang mag-isip nang gan'yan! Makakakita ka, kung hindi man ngayon, eh, 'di susubok tayo ulit. Puwede naman 'yon 'di ba?" pagpapalakas ko sa loob nito pero ang totoo ay kabado din ako. Biglang dumating na ang doctor at lumapit na ito kay Finley. "Good morning Mr. Monterde, are you ready?" tanong ni doc. "Yes po Doc," tipid na tugon ni Finley dahil sa kaba ay 'yon lang ang tanging naisagot niya. "'Wag kang kabahan, just relax. Tatanggalin ko na ang benda sa mga mata mo," ani ni Doc. Ang parents naman ni Finley ay nakatunghay lang rin at nahihintay. Nasa tabi lang ako ni Finley at hindi nito binibitawan ang kamay ko. sinimulan na nitong tanggaling ang benda sa mga mata ni Finley, dahan-dahan kaya bawat kilos nito ay tila pigil din ang paghinga ko. Nang sa wakas ang natanggal na nito ang benda ni Finley ay unti-unti niya na itong pinamulat. "Okay, Mr. Monterde. Open your eyes slowly." Sinunod naman ni Finley ang sinabi nito at unti-unting iminulat ang mga mata. Kumurap-kurap pa si Finley nang tuluyan na niya mamulat ang mga mata at tila sinasay ang mga mata sa liwanag. Ngumiti si Finley at lumingo sa 'kin, naluha ako nang nakipagtitigan siya sa 'kin. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko na agad. Muling bumaling ito kay doc at lumingon sa parents niya nang nakangiti. "Mom, Dad. Nakakakita na po ako," masayang aniya. Lumingon ito sa 'kin muli at malapad ang ngiti sa labi. Yumakap ako sa kan'ya. "Congrastulations, Sweetie. I'm happy for you, sa wakas," bati ko sa kan'ya at kinintalan ko siya ng magaan na halik sa labi. "Thank's god dahil naging successful ang operation mo at masisilayan mo na rin ang anak nating si Shan," ani ko. Kuminang ang mga mata nito sa saya. Maging ako ay lubos ang galak dahil ito na ang panibagong simula namin ni Finley. Kung dati ay naiinis ako sa lalaking 'to, ngayon ay handa ako ibigay ang lahat at pareho naming babawiin ang mga panahong nagkalayo kaming dalawa. Hindi man maibalik ang mga panahong lumipas, ang importante ay ang kasalukuyan kasama ang bunga ng pagmamahalan naming dalawa. Ang anak naming si Shan. "Sweetie, are you okay? Natahimik ka yata." Masiyado na pala akong nadala sa pagbalik tanaw kung kaya't saglit akong natigilan. "Hah? Oo naman, may naalala lang ako. Hmmn...nagugutom ka na ba?" Umiling naman ito ka-agad. "Hindi pa, I'm just overwhelmed. Hindi ako makapaniwalang nakikita na kita at nakakasama ngayon. Sobrang na-miss kita Shantal, 'wag ka nang mawawala ulit ah," parang hinaplos naman ang puso ko sa sinabi nito sa akin. Maalala palang ang pinagdaan niya nang lumayo ako sa kan'ya ay nasasaktan ako at hindi ko mapigilang sisihin ang sarili. Yumakap ako sa kan'ya ng napakahigpit. "I'm sorry, Finn. Sorry ulit sa pag-iwan ko sa iyo noon. Kung binigyan sana talaga kita ng pagkakataong magpaliwanag ay hindi saan nangyari–" "Shhh... 'Wag mo nang isipin iyon Sweetie. Ang mahala ay magkasama na tayo ulit, mahal na mahal kita, kayo ni Shan," pag-aalo niya sa akin. Nanatili lang kaming magkayakap ng ilang minuto. "Ehemm... Nandito pa kami, naku! mikhang magkakaroon ka na agad ng kasunod si Shan." Nag-init naman bigla ang pisngi ko dahil nandito pala ang mha parents namin. Humalakhak naman si Finley king kaya't sa hiya ko ay sumubsob na lamang ako sa dibdib nito. Kinabig naman ako nito payakap. "Ugh! Nakakahiya!" maktol ko. Nahpatuloy lang sila sa pagtawanan. Naramdaman ko naman hinalokan ako ni Finley sa noo. "Sweetie, 'wag ka nang mahiya. Totoo naman ang sinabi nila dahil hindi kita titigilan," bulong pa nito sa tenga ko. Napapaang naman ako agad kaya nahampas ko ang dibdib niya. "Loko ka talaga! Ayaw ko pa sundan si Shan, no! Gusto kong sulitin ang mga araw na magkasama na muna tayong tatlo at masiyado pa siyang bata para magkaroon ng kapatid. Gusto ko na maalagaan ko soya ng mabuti." "Okay, relax! But we can do that, I'm here to care of you and our children. Kahit ilan pa ang magiging anak natin kaya ko kayong alagaan," parang lalong tataba ang puso ko dahil sa sinabi ni Finley. Alam ko naman na kaya niya kaming alagaan, at kaya ko rin naman kumg tutuusin. 'Bahala na nga! Masiyado na naman akong nag-o-over think.' "I Love you," bulong pa ni Finley sa akin haabng nakahilig ako sa dibdib niya. Tiningala ko siya matamis na nginitiin, ako na ang humalik sa kan'ya. "I love you too, Sweetie." Kausap ng parents ang doctor ni Finley habang kaming dalawa ay parang hindi mapaghiwalay. "Sana makauwo na ako agad, gusto ko nang makita si Shan. Gusto ko na siyang ipasyal kahit saan," masayang aabi pa nito. Makikita mo talaga ang excitement sa mga mata niya. Napangiti naman ako. "Matutuwa iyon, gusto niya iyong lagi siyang nilalabas. Nasasanay sa mga ninong niya, lalong ini-spoil si Shan," ani ko pa. Natawa naman si Finley, hayaan mo na. Natutuwa lang ang mga iyon sa inaanak nila. Hayaan mo, sasabihan kong gumawa na rin sila para hindi na sila mag-agawan. kay Shan, o 'di kaya ay gumawa na talaga tayo ng kasunod kambal agad para tig-isa silang tatlo ng hihiramin. Hindi naman ako makapaniwala sa lokong ito sa pinagsasabi niya. "Hoy! Anong akala mo sa akin?! Ang salit kaya manganak! Kung maka-request ka ng kambal akala mo naman basta ko lang sila ilalabas sa bulsa ko!" Inirapan ko siya. "I'm just kidding, sorry kung wala ako sa tabi mo no'ng ipinanganak mo si Shan, hmm? Pangako, hindi na iton mangyayari sa kasunod ni Shan," sabi pa nito sabay kindat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD