Edward’s POV Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam habang hawak ko si Mecca. Parang ilang taon akong uhaw, at ngayong nasa mga bisig ko siya, natatakot akong bumitaw, natatakot akong magising at malaman na panaginip lang ang lahat. Ramdam ko ang bawat hinga niya, ang bawat panginginig ng katawan niya sa ilalim ng katawan ko. At sa unang pagkakataon matapos ang limang taon… hindi siya tumatanggi. “Mecca…” mahina kong bulong habang dinadama ko ang init ng kanyang balat. Wala na akong pakialam kung ilang ulit niya akong tinulak palayo nitong mga nakaraang araw. Wala na akong pakialam kung galit pa rin siya sa akin. Ang mahalaga ngayon… narito siya. Sa piling ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong halikan siya nang halikan, parang gusto kong kabisaduhin ulit ang bawat bahagi ng mukha ni

