Edward’s POV Pinagmasdan ko lang si Mecca habang nakaupo siya sa harap ko, nakangiti habang tinutulungan ang waiter na ayusin ang pagkain sa mesa. Ang liwanag ng mga artificial na kandila at ang tunog ng alon sa di kalayuan ay parang ginawa para sa gabing ito. Napakaganda niya sa simpleng puting dress na suot niya. Hindi ko maiwasang isipin kung paano ko siya unang nakilala mahinhin, parang laging nag-iingat sa bawat hakbang niya. Pero ngayon, iba na siya. She was glowing. At para bang ako ang dahilan kung bakit siya ganito. “Your so beautiful tonight,” bulong ko sa kanya Napatigil siya sa paglagay ng wine sa baso ko at napatingin sa akin. “Flattery won’t get you out of trouble, Mr. Stewart,” biro niya, pero halata sa pula ng pisngi niya na tinamaan siya sa sinabi k

