Mecca's POV Hindi ako sanay sa ganito. Sa mga mata. Sa mga bulungan. Sa mga titig na parang sinasala ako mula ulo hanggang paa. Simula nang lumabas ang balita tungkol sa "engagement" namin ni Edward Stewart, naging walking headline na kami sa loob ng kumpanya. “Si Mecca daw ‘yung fiancée ni Sir Edward?” “Wala pa ngang one year sa company, engaged na agad?” “Siguro napansin agad ‘yung ganda at talino niya.” “Or... may koneksyon kaya?” Hindi man sabihin nang harapan, rinig ko sila sa pagitan ng mga ngiti, pagbati, at mahihinang tawa. At oo, kahit ang mga mata nila—matatalas. Mapanghusga. Mausisa. Pero ang pinakanakakagulat? Walang pakialam si Edward. Hindi ko alam kung anong mas nakakakaba—yung hawak niya ang kamay ko in public o ‘yung paglalambing ng boses niya sa harap ng mga tao

