Mecca's POV Akala ko handa na ako. Akala ko kaya ko kahit sino kaya kong humarap sa boss, sa investors, kahit sa CEO ng buong kumpanya. Pero iba ang bigat ng paanyaya ni Edward kaninang umaga: “Come with me. I want you to meet my grandfather.” At ngayon, narito ako. Nakasuot ng simple ngunit eleganteng beige dress. May pearls sa tenga. Bahagyang nilagyan ng gloss ang labi, at pilit pinanatili ang pormal na postura kahit nanginginig ang tuhod ko. Hindi ito simpleng meet the grandparent’ moment. Ito ay literal na pakikipagkita sa isa sa pinakamakapangyarihang lalaki sa bansa Don Gustavo Stewart, ang patriarka ng Stewart Group of Companies. Ang alamat sa mundo ng negosyo. At ang lolo ni Edward. We were led to a private garden hall inside their ancestral estate. Classical music played so

