Stewart's Family POV Sadyang napakabilis ng panahon. Kahit medyo nagkakaedad na kami ng asawa kong si Edward, wala pa ring pagbabago sa kanya pagdating sa pagiging responsable bilang ama at asawa. Si Matthew, ang panganay naming anak, ay patuloy na nagpapatunay na hindi lang siya mabuting anak kundi isa ring taong may sariling paninindigan. May nililigawan na siya ngayon, at nakikita ko kung paano unti-unti siyang nagiging seryoso sa buhay. Habang ang bunso naman naming si Princess, mas pinili ang mag-aral sa ibang bansa. Noong una, tutol talaga ako. Ang hirap kasi para sa isang ina na hayaan ang anak niyang lumayo nang ganoon katagal. Pero habang iniisip ko, kung para naman sa ikakabuti nila at ikauunlad nila bilang tao, bakit ko pa hahadlangan? Kaya noong magpaalam sa akin si P

