Stewart's Family POV Minsan, hindi ko talaga namamalayan kung gaano kabilis lumipas ang panahon. Parang kahapon lang, hawak ko si Matthew. Ngayon, he’s a grown man, responsible and independent. At ang baby girl ko na dati ay hindi kayang lumakad nang walang hawak ko ngayon, nag-aaral na sa kolehiyo at may mga plano para sa sarili niyang kinabukasan. At ako? Nandito pa rin. The same Edward Stewart, pero mas softened version. Hindi ko na maitatanggi iba ang nagagawa ng pamilya sa isang tao. Isang gabi, habang nasa study ako, biglang kumatok si Princess. May hawak siyang makapal na folder. “Dad, can I talk to you?” “Of course, sweetheart. Come in,” sagot ko sabay isinara ang laptop ko. Umupo siya sa harap ko at inilapag ang folder. “Ito ‘yong application ko para sa exchange program.

