Mecca’s POV Mabilis lumipas ang mga araw matapos naming maiuwi ang bagong miyembro ng pamilya. Para bang saglit lang ang bawat segundo, at lahat ay umiikot ngayon sa maliit naming prinsesa. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko sa tuwing tinititigan ko siya. Ang liit-liit niya, ang lambot ng balat, at bawat iyak niya ay parang musika sa puso ko. Nakakapanibago rin, dahil muli akong bumabalik sa pagiging hands-on mommy gising sa madaling-araw para magpadede, magpalit ng lampin, at maghele. Pero sa kabila ng pagod, may kakaibang kasiyahan akong nararamdaman. Kasi sa bawat gabing may yakap akong sanggol, naroon din si Edward, gising, handang tumulong kahit pa abala siya sa negosyo. “Sweetheart, ako na. Get some rest,” lagi niyang sinasabi kapag umiiyak si baby sa dis-oras ng gabi. Pero sye

