Edward’s POV Mabilis ang paglipas ng mga buwan. Para bang kahapon lang, hawak ko ang pregnancy test na nagpabago na naman ng buhay namin. Ngayon, narito na kami, nasa huling yugto ng pagbubuntis ni Mecca. Anytime soon, darating na ang ikalawa naming anak. Alam naming pareho na babae siya at sa tuwing naiisip ko ‘yon, parang bigla akong kinukurot sa puso ng excitement. Magiging daddy na ako ng isang prinsesa. Si Matthew, may little sister na. At si Mecca… siya pa rin ang pinakamagandang tanawing hindi ko kayang ipagpalit kahit kanino. “Love, tingnan mo o, para akong lobo,” biro niya minsan habang nakatayo sa harap ng salamin, hinahaplos ang malaking tiyan niya. Nakangiti akong lumapit at niyakap siya mula sa likod, marahan kong nilapat ang kamay ko sa tiyan niya. “You’re beautiful

