Mecca’s POV Hindi ko alam kung bakit, pero ngayong gabi ramdam ko ang bawat t***k ng puso ko mas malakas, mas mabilis, at tila ba umaayon sa bawat galaw ni Edward habang nakatitig siya sa akin. Nasa silid kami, tahimik, tanging paghinga lang naming dalawa ang maririnig. Ilang araw na rin kaming parehong pagod ako sa pagbubuntis, siya sa kalungkutan dahil sa pagkawala ni Lolo Leopoldo. Pero ngayong magkaharap kami, parang gusto kong alisin lahat ng bigat, kahit sandali lang. “Sweetheart…” bulong niya habang hinaplos ang pisngi ko. Napapikit ako. Ang simpleng dampi ng kamay niya, sapat para magpaalab ng init na matagal nang nakatago sa ilalim ng lahat ng pagod at lungkot. Hinila niya ako palapit, marahan, walang pagmamadali. Hinalikan niya ang noo ko, pababa sa pisngi, at bago pa ak

