Mecca’s POV Pagkatapos ng lunch na 'yon with Edward, hindi na ako muling tumingin sa paligid. Naglakad ako sa hallways ng Stewart Group of Companies na parang may invisibility cloak kahit alam kong mas lalong naging visible ang presensya ko sa lahat. May mga ngiting pakunwari. May mga sulyap na nagtatanong. At meron ding mga tingin na parang gusto akong durugin. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit yung hindi nila sinasabi nang harap-harapan, o yung alam mong hinuhusgahan ka sa likod mo. Pagbalik ko sa work area, nakita kong naka-forward na sa akin ang memo mula sa HR. “Ms. Mecca Castro’s engagement with CEO Edward Stewart has been officially acknowledged. Kindly exercise utmost professionalism and respect in dealing with both parties.” Hindi ko na binasa ang buong detalye. I clos

