Mecca's POV Ilang araw lang ang lumipas mula nang pumayag ako sa kasunduang iyon kay Edward Stewart, pero ang epekto parang isang batong inihagis sa tahimik na lawa. Ang tahimik kong mundo, bigla na lang naging tampulan ng bulungan, tinginan, at hindi mapigilang chismis. Pagkapasok ko pa lang ng Stewart Group main lobby, lahat ng mata, tila na-magnet sa akin. Ang mga receptionist, na dati'y abala sa pagche-check ng appointments, bigla na lang natigilan. Ang isang intern na naglalakad papunta sa elevator, muntik nang madapa kakalingon. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon. At lalo na’t hindi ako sanay sa ganitong biglaang "identity shift" mula sa simpleng empleyado, sa babaeng napapabalitang fiancée ng CEO. Yes. Fiancé. As in, nakikipag-fiancé-an sa pinakamisteryosong lalaki sa kumpany

