Tahimik ang gabi sa Montenegro Mansion, pero bawat ilaw sa chandelier ay parang nakatutok kay Amber. Nakatayo siya sa paanan ng grand staircase, suot ang simpleng puting dress na siya mismo ang pumili — walang designer label, walang signature logo. Gusto niyang maging ordinaryo kahit isang gabi lang. Sa loob ng dining hall, kumikislap ang mga kubyertos at kumakalansing ang mga baso ng alak. Para silang nasa pelikula, pero alam ni Amber — hindi ito fairy tale; ito ang trial. --- THE CALM BEFORE THE STORM Pagpasok niya, bumungad ang tatlong pares ng matang nakatingin sa kanya. Si Don Rafael, tahimik ngunit halatang naglalagablab sa loob. Si Desiree, may pilit na ngiti pero puno ng pangungutya. At si Hanna, nakayuko, parang gustong tumulong pero natatakot. “Amber, anak,” mahinahong

