Chapter 1

1690 Words
"Congrats mahal, sana naman makauwe ka na agad para ma celebrate natin ang tagumpay mo. Deserve mong sumaya dahil sa masipag ka at sa tiyaga mong magsumikap para maabot mo ang mga pangarap mo sa buhay," bati sa akin ng aking asawa mula sa kabilang linya. Habang tumatagal, mas lalo ko lang siya namimis sapagkat magdadalawang taon na kaming hindi nagkakasama. Naka video call kami ng asawa kong si Ezeckiel. Araw araw at gabi gabi kaming nagtatawagan at walang araw na hindi pumalya ang pag vivideo call namin. Namiss ko na din sobra ang asawa ko kaya after kong icelebrate dito sa America ang tagumpay ko ay uuwe ako agad ng Pilipinas para makasama ko naman at makapiling ang pinakamamahal kong asawa. Nang matapos ang pag uusap naming dalawa at nakapag paalam na din ako sa asawa ko, hinanda ko na ang pag alis. Sa labas ng bahay ko na lang aantayin ang kaibigan kong bakla na si Kiera na siya ang naging kaibigan ko dito sa America. Kinuha ko ang cp sa loob ng bag at dinial ang numero ni Kiera. Nagring ito at agad naman niya itong sinagot. "Maygad Kiera, where are you na?" inis kng sabi. Nanggigil ako sa galit kapag pinag aantay ako ng matagal. "On the way na ko, wait mo na lang ako in just two minutes." Pinatay ko na agad ang tawag dahil tanaw ko na ang paparating na sasakyan ni Kiera. Huminto ito at binuksan ko ang pintuan ng kaniyang sasakyan saka pumasok. Binalibag ko ng malakas ang pinto ng sasakyan. "Ay galit ka teh?" "Hindi ba halata." "Ay taray, traffic kasi kaya ako natagalan." "Ang sabihin mo nakipaglandian ka muna sa fafa mo." "Oo na, ang sarap kasi ng pabaong ahas ni fafa Kali." "Fafa mong Kali-bugan." "Atleast nakatikim eh ikaw, walang tikim wala pang dilig kaya ka na lang palaging inggit." Binatukan ko si Kiera dahil sa walang preno nitong pagsasalita. Nakarating kami agad sa bar na hanggang ngayon ay nagbabangayan pa din kami. "Sobra naman tong makapanakit. Umuwe kana kasi asawa mo para matikman mo na siya." "Babasagin ko yang bungo mo kapag di ka pa tumigil." "Okay quiet na ko boss." Pumasok na kami sa loob ng bar at nandirito na ang lahat ng mga co workers namin. "Hey, congrats!" bati sa akin ni Miles. "Thank you Miles." "Enjoy your night," "You too." at ngumiti ako. Lahat ng madaanan namin ni Kiera ay kino congratulate nila ko. Umupo kaming dalawa sa table habang inaantay ang wine sa table namin. "Dito ka muna friend ha, may titignan lang ako doon." "Ikaw talaga napakalandi mo. May fafa Kali ka na nga dadagdagan mo na naman ng Bugan." "Hahaha siyempre mas yummy na ngayon si Bugan kaysa kay Kali." "Putik," sinakyan niya lang yung sinabi ko. Kahit kailan talaga hindi ako mananalo sa kaibigan kong yun. Masyadong energetic. Ganun ba talaga kapag nakatikim ka na ng buhay na hotdog? Napaisip na lang ako kung bakit hindi ko man lang natikman ang asawa ko bago ako lumipad papuntang America. "Hey, Celestine your here. What are you doing this kind of bar? Alam ba ito ng asawa mo." Nagulat na lang ako dahil hindi ko inaasahang makita rito si Eloisa. "Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Ano ba ang ginagawa mo dito? Saka huwag mo akong pakikialaman dahil buhay ko ito. Lahat ng ginagawa ko ay alam ng asawa ko yun." inis kong turan. "Ohws really... Okay, can I join in your table?" Ayaw ko namang maging bastos kaya pumayag na lang ako. "Okay, you may sit." Umupo na ito sa kabilang upuan at ngayon ay magkaharap na kami ngayon. Kumuha ito ng yosi sa loob ng kaniyang pocket at sinindihan ito. Sanay na itong manigarilyo noon pa man na nag aaral kami ay nakagawian niya na ito. Hindi kami close ng pinsan kong si Eloisa. Dahil naging karibal ko na din siya simula pa noong nasa University kaming dalawa. Una niyang nakilala si Ezeckiel pero ako ang niligawan niya at naging kami agad. Kaya simula noon ay hindi na kami magkasundong dalawa dahil lamang kay Ezeckiel. Inamin niya sa akin noon na mahal niya si Ezeckiel pero mahal ko din siya. Puro paninira ang ginagawa sa akin ni Eloisa para lang siraan ako kay Ezeckiel. Ngunit hindi naniniwala si Ezeckiel sa mga paninira nito sa akin kaya nagpapsalamat ako sa asawa ko na hindi agad siya naniniwala. Mas lalo lang tumindi ang galit sa akin ni Eloisa ng malaman niyang kasal na kami agad ni Ezeckiel. Nagkunwari lang si Eloisa nun na okay lang siya at pinatawad niya din ako. May inabot sa akin na wine ang waiter at nakatingin lang sa akin si Eloisa. "Lets have a drink Celestine." "Ikaw na lang Eloisa." "Why? Hindi ka naman malalasing sa isang wine of glass lang. Right?" "Okay fine Eloisa, pero isang beses ko lang itong gagawin." Nagtoss muna kaming dalawa saka ko nilagok lahat ng laman ng isang wine of glass. Sa una okay lang ang pakiramdam ko pero ng tumagal ay para na kong nahihilo. Hinanap ko pa si Kiera sa paligid ngunit wala ito. Bigla na lang ako nawalan ng malay at hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari. Kinabukasan, ramdam ko pa din ang hilo pagkagising ko habang sapo ang aking ulo. Napatingin ako sa paligid at tila nag iba ang aking kuwarto. Napansin ko din na may katabi akong lalaki na bagong gising din. Guwapo ito at kulay berde ang mga mata nito. "Who are you? Nasaan ako." Nagpanic na ko sa loob ng kuwarto dahil wala akong saplot pero nakasuot pa din ang black lace panty ko. "Good morning sweetie. Have you enjoy last night?" "What hapen last night? Wala akong maalala. May nangyari ba sa atin ha," iyak kong sabi. Tumango lamang ito sa akin. "Hindi maari ito, hindi maari ito." Paulit ulit kong sabi. Pero wala naman akong nararamdamang kakaibang sakit sa gitnang bahagi ko kaya imposible to. Tumayo na ko at kinuha ang isang kumot para ibalot sa katawan kong hubad. Pinulot ko din ang mga nagkalat kong damit sa sahig. Pumasok ako sa loob ng banyo at doon na nag bihis. Gusto ko ng umalis na sa lugar na ito dahil hindi na kaya ng konsensya ko kapag nalaman pa ito ng asawa ko. "Where are you going?" Malamig nitong tanong. "Dont talk to me, stupid!" Inis kong turan. "Im going home okay and dont f*****g questioning me anymore," galit kong sabi sa kan'ya. Bumangon ito at tanging boxer short lang ang suot nito kaya napalunok na lang ako sa mga nakikita ko dahil sa mala adonis nitong katawan. Nadagdagan lang tuloy ang pagkakasala ko sa aking asawa. "Okay you may leave now and sorry for what happen to us." "Ok, just wait and I will leave this hellish place!" Galit kong sigaw sa kaniya. Binuksan ko ang pintuan at pabalibag ko itong sinarado. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko dahil sa nangyari sa akin. Kinontak ko agad ang asawa ko ngunit nakapatay ang phone nito. Tumawag ako sa office niya at ang sabi ng secretary ni Ezeckiel ay busy daw ito. Kinontak ko din ang numero ni Kiera at nagring ito. Sa una hindi niya sinagot pero sa pangalawang ring nito ay sumagot agad ito. "Hoy bruha ka, san ka ba nagpunta kagabi ha. Hanap ako ng hanap sayo pero hindi kita mahanap. Tumawag pa sa akin yung asawa mo at tinanong ako kung bakit naka off yung phone mo. Nag dahilan na lang ako na nalowbat lang yung phone mo. Tinanong niya din kung naka uwe ka na daw," mahabang sabi ni Kiera. "Maygad friend puro kasinungalingan lahat ng mga sinabi ko sa kaniya. Hoy nariyan ka pa bakit ang tahimik mo na diyan. Hello......." mahabang bigkas ni bakla. Umiiyak ako habang pinapakinggan ko lahat ng mga sinasabi sa akin ni Kiera. "Narito pa ako friend at hindi ko alam kung ano ang mga nangyari sa akin kagabi," sambit ko. "What, baliw ka na ba? Wait nasaan ka na at susunduin na lang kita. Antayin mo ko diyan at magbibihis lang ako saglit." Pinatay na nito ang tawag. Tinext ko sa kaniya kung nasaan ako at inantay ko na lang siya sa may coffee shop malapit dito sa hotel na pinagdalhan sa akin ng hindi ko kilalang tao. Habang inaantay ko si Kiera ay sinubukan kong muli na kontakin ang aking asawa ngunit naka off pa din ito. Tumawag din ako sa office niya at ang sabi ng secretary nito ay maaga daw itong umalis pagkatapos ng meeting nito. Naninibago na ngayon si Celestine dahil kahit busy ito ay nagagawa pa din siya nitong kausapin at ni minsan ay hindi naka off ang phone nito. Nag aalala na siya dahil hindi sanay si Celestine na hindi nakakausap ang asawa niya. Isang oras nag antay si Celestine sa coffee shop at halos nakakadalawang tasang kape na ito. Nakita naman agad siya ni Kiera at naupo sa tabi nito. Bigla na lang akong naiyak sa pagdating ni Kiera pag kaupo niya. "Tahan na friend, ano ba ang nangyari sayo at bakit bigla ka na lang nawala kagabi. Bumalik ako sa table natin ngunit wala ka na." Hindi ko kayang mag kwento dahil sa katangahang nangyari sa akin. "Friend may nangyari sa akin kagabi at pag gising ko nasa ibang kuwarto na ko at hindi ko alam kung anong nangyari dahil wala akong maalala kagabi. Ang malala pa pag gising ko kanina ay may lalaki na akong katabi at pareho kaming hubot hubad." "What?! Seryoso ka, maygad Celestine paano na kapag nalaman ito ng asawa mo. Sinong pesteng tao kaya ang may kagagawan nito sayo?" Galit na tanong ni Kiera. "Si Eloisa lang ang kasama ko kagabi. Tapos may nag abot sa akin na isang basong alak at ininom ko yun ng isang lagok lang." "Pagkatapos 'yon tigok ka na dahil hindi mo alam na yung ininom mong alak ay may kasamang gamot yun. "Haisst hindi ka nag iingat. Bwesit talaga yang Eloisa na yan, wala ng ibang ginawa kundi ang lokohin ka at siraan ka" inis na sabi ni Kiera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD