Chapter 2

1520 Words
Inuwe ako ni Kiera sa bahay niya at doon muna ako mananatili sa poder niya. Mabuti na lang at walang pasok nitong araw na ito because its sunday. How I wish na makausap ko na agad si Ezeckiel and I miss him so much. Pero paano na lang siya kakausapin kung nakapatay palagi ang phone nito. Halong kaba at inis ang nararamdaman ko ngayon dahil hindi man lang ako maalalang kausapin ng asawa ko. I called him many times but the same thing still happens. I cannot contact him. Ezeckiel, ano na ang nangyayari sayo bakit hindi na kita makontak. Hapon na pero ganoon pa din ang nangyari. Wala na siyang ibang makontak na kakilala at tanging magulang na lang ni Ezeckiel ang pag asa ko. Mabait naman ang mommy niya na si Leonora Sandoval at naging malapit na din sila sa isa't-isa. Nabuhayan ako ng pag asa ng marinig kong magring ang telepono sa kanilang mansion. Agad naman sinagot ng katulong ang tawag at ang sabi ay huwag na daw akong tumawag pa kahit na kailan dahil wala daw silang kilalang Celestine ngayon. Alam niya sa isip niya na hindi yung katulong ang huling nagsalita kundi ang mommy ni Ezeckiel. Tila nabuhusan ako ng malamig na yelo ng marinig ki ang salitang iyon na nagmumula sa mommy niya. "Hoy Celestine ano ba ang nangyari sayo?" Bungad ni Kiera sa may pintuan at may dala dala itong pagkain sa tray. Inilapag niya ito sa side table at ngayon pa lang ito kakain dahil kakagising pa lamang niya simula pa kninang umaga pagkasundo sa kaniya sa cafeteria. "Naku babaha na naman itong silid ko. Huwag ka ng umiyak, hindi mo pa naman alam ang dahilan kung bakit hindi mo makontak ang asawa mo." "Iba ang kutob ko Kiera, mukhang may alam na sila sa nangyari sa akin kaya ganun na lang ako pagsabihan ng mommy ni Ezeckiel. Ano na ang gagawin ko. Hindi ko kayang mawala sa akin ang asawa ko." Tumulo ng tumulo ang masagana kong luha habang inaalo naman ako ni Kiera sa pagiyak ko. "Wala kang kasalanan Celestine, sabi mo wala ka namang nararamdaman ng anumang sakit sa monay mo. Kaya may pagkakataon ka pang ipaliwanag ang lahat sa asawa mo. Hindi pa huli ang lahat." "Hindi ko na siya makontak Kiera. Alam kong nakarating na din sa asawa ko ang nangyari sa akin dahil diyan kay Eloisa. Kailangan kong umuwe Kiera sa lalong madaling panahon. Hindi ko kayang mawala sa akin ang asawa ko. Mahal na mahal ko siya." "Pero sa isang buwan ka pa puwedeng umalis." "No, I want to quit my job. Mas kakayanin ko pang mawalan ng trabaho kaysa mawala sa akin si Ezeckiel." "Okay, hindi basta basta yang gagawin mo Celestine dahil may pinirmahan kang kontrata at sa isang buwan pa iyon matatapos." "Kiera, kailangan ko ang tulong mo. Puwedeng ikaw na muna ang umasikaso ng lahat ng ito. Please I need to go back in the Philippines." "Okay, just give me one week. Tutulungan kita, huwag ka ng umiyak diyan pati ako naiiyak na din eh. Parang inagawan lang din ng jowa." "Shunga, hindi mo na kailangan pang umiyak diyan. Hindi ka naman kasal ha." "Nagbibiro lang baka sakaling mapatawa kita. Itry mo kaya siyang kontakin baka sakaling makontak mo na siya." "Sinubukan ko na kaso wala pa din." "Kumain ka na muna at ang pangit mo na, ano ba iyan. Pati ako nai stress na din sayo at hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo eh." Agad namang nilantakan ni Celestine ang mga pagkaing nakalagay sa may tray at halos maubos niya na ito. "Ang takaw ha, akala ko pati plato kakainin mo na." "Sira, ano ako baliw," pagmamaldita ko. "Oo malapit ka ng mabaliw. Ituloy mo na ulit ang tulog mo at para bukas makapasok ka na sa trabaho mo." "Kiera hindi ko kayang pumasok lalo na at may pinagdadaanan ako." "I want to quit now as soon as possible. Hindi ako mapakali hanggat hindi ko nakakausap si Ezeckiel." "Okay pumasok ka muna bukas kahit isang linggo lang makakaya mo ba iyon?" "Parang hindi ko kaya." "Pilitin mo ang sarili mo okay at nextweek puwede ka ng makauwe sa Pilipinas." "Sige, titignan ko." "Huwag mong tignan, gawin mo." Matapos ang pag uusap naming dalawa ni Kiera ay nakatulog na din ako agad at kailangan kong ihanda ang sarili ko para sa pagpasok sa trabaho bukas. Pipilitin kong maging okay at kalimutan muna sandali ang asawa ko sa oras na ng trabaho. Kinabukasan maaga kami ni Kiera pumasok sa pinagtatrabahuan namin. Sa pagpasok naming dalawa ay masama ang tingin ng iba sa akin at hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa mga oras na ito. Yung iba ay may nagbubulung bulungan sa paligid namin. Hindi ko na pinansin bagkus ay dumiretso na lang ako sa may opisina ko. Habang binubuksan ko ang pintuan ng opisina ko ay lumapit ang secretary ko at sinabi niyang dumiretso daw muna ako sa CEO office. "Why Nadia?" Tanong ko ng makalapit na ito sa akin. "Ma'am you have a meeting in the office of Mr. Del Fuego. Right now Ma'am." "Okay, I'll go ahead." Kinabahan akong bigla dahil ngayon man lang nagpatawag ang CEO ng kompanyang ito. Nasa may tapat na ko ng pintuan at kinabahan ako dahil sobrang aga pa para sa meeting naming dalawa. Kumatok muna ako at dahan dahang binuksan ang pinto. Nakaupo lamang ang matandang CEO at tila mas maaga pa itong pumasok sa akin. "Good morning po sir." "You may take your sit Miss Ellison." Naupo ako sa may kanang upuan at nag umpisa na itong magsalita. Napatulala na lang ako sa mga tinuran niya sa akin at pati din sa kaniya ay nakarating na din yung nangyari sa akin noong isang gabi. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil makakauwe na ako agad agad sa Pilipinas. Ngunit malaki daw ang babayaran ko dahil sa hindi na masusunod ang kontratang nilagdaan ko. Isang malaking problema na naman ito. Yung pinaghirapan kong makuha ay mawawala din bigla. "Im sorry Miss Ellison," ito ang mga huli niyang sinabi. Nakayuko lang ako at parang hindi ko kayang harapin siya dahil sa mga nalaman niya. Hindi ako maruming babae, mali sila ng iniisip sa akin. Wala na akong nagawa pa kundi tanggapin na lang ang mga paratang nila sa akin dahil magulo pa ang isip ko sa ngayon lalo na at hindi ko pa makontak ang asawa ko sa Pilipinas. Naging maayos na din ang pamamaalam ko sa CEO at tuluyan ng nilisan kung saan ako nag umpisang mangarap. Lahat ng sakripisyo at pawis ko ay mawawala na sa akin dahil lamang sa isang gabing pagkakamali. Sinubukan kong muli na kontakin ang aking asawa ngunit naka off pa din ang ang kaniyang cp. Nasa may parking area ako ng may bigla akong nakabungguang tao. Halos tumaas ang dugo ko ng makita ko siya dahil siya iyong lalaking nakasama ko sa hotel. "You again?!" Madiin kong sabi. "Yeah its me, small world right at dito pa tayo nagkita sa may parking lot." Hindi ko siya gustong makausp sa ngayon dahil halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon at baka mapatay ko pa siya dahil siya ang sumira sa akin at lahat ng pangarap ko ay biglang nawala. Lalo na ang asawa ko siya ang pinaka importante sa buhay ko at baka pati siya ay mawala sa akin. Lumayo ako sa kaniya dahil wala akong balak na makipag usap pa sa ngayon kaya ng makalayo na ko ay agad kong natunton ang aking sasakyan at agad na sumakay. Ngunit hindi ko namalayan na nakasunod pala ito sa akin. Kinalampag niya ang pintuan ng aking sasakyan at tila ayaw niyang tumigil kaya dahil sa inis ko ay agad kong binuksan ang pinto. "Can you please stop this non sense thing!" Inis kong sabi. "Can we talk first about what happen to us." Bumaba ako ng sasakyan at sinuntok ko ang mukha niya. Naningkit ang kaniyang dalawang mata dahil sa pagsuntok ko sa kaniya. Ngumisi siya na may nakakalokong ngiti. "Ang tapang mo ha, I really like the way you move." Hinawakan niya ang nananakit na panga nito saka nameywang na humarap ito sa akin. "Pasalamat ka hindi ako nananakit ng babae. Mag uusap lang tayong dalawa. Wala akong gagawing iba sayo, okay." "Puwede bang huwag na tayong mag usap kasi sinira mo na lahat ng pagkatao ko, pati career ko sinira mo na din!" Galit kong sabi. "Why? Anong nangyari sayo?" "So may balak ka pang malaman ha." Nag umpisa ng tumulo ang mga luha ko dahil sa hinayupak ng lalaking ito. "Hey, huwag kang umiyak dito baka sabihin nilang pinapaiyak kita." "Aalis na ko at huwag mo na kong susundan." "Wait, kunin mo itong calling card ko baka sakaling gusto mong magtanong about sa nangyari sa atin." Napahinto na lang ako sa pagpasok ng kotse ko nang marinig ko ang mga sinabi niya. Ngunit wala na akong tiwala sa mga tao ngayon. Agad ko siyang nilingon at kinuha sa kaniya ang calling card saka padabog na sumakay sa aking sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD