Nakiusap si senyora sa akin na manatili ako sa poder nila. Nakakahiya sa kanila pero wala akong magagawa kung gusto nila akong patirahin dito sa kanilang mansion. Bibigyan nila ako ng sekuridad laban sa kanila. Sa mga taong gustong manakit sa akin lalo na kay Eloisa. Galit ang naramdaman ni senyora para sa mga magulang ko dahil sa pagtakwil nila sa akin. Madalas na talaga ang pagmumura ni senyora na minsan ay natakot din ako sa kan'ya. "Magulang din ako Efren, bakit hindi man lang nila magawang tulungan ang kanilang anak. Maygad! I can't believe this na may magulang pa pala ngayon na kayang itakwil ang kanilang anak. Paano nila natitiis ang kanilang anak? Halos kamuntikan ng mamatay si Celestine hindi man lang nila magawang lapitan ang kanilang anak," dinig kong sabi na galit na si senyo

