"Celestine," tawag sa akin ni Merylle na umiiyak nang magkita kami rito sa may visiting area. Napayakap kami sa isa't-isa. "Anong nangyari sayo at bakit ka pinakulong ni Dad?" alalang sabi ko nang maghiwalay kami ng pagkakayakap sa isa't-isa. Naupo kami at nag-usap. "Si Eloisa, siya ang may kasalanan nito. Paano na 'yung parlor ko kung ipapasarado nila ito. Ang mama ko, ako na lang inaasahan niya. May sakit pa naman si mama at paano na ang pagsuporta ko sa kan'ya kung pati ako ay mabubulok sa bilangguan. Celestine, ikaw na muna sana ang bahala sa mama ko kung wala pang order ng head na makalabas pa ako dito," mangiyak-ngiyak na sabi nito. "Sorry Merylle," malungkot na sabi ko. "Anong sorry ang sinasabi mo?" Bakit ka nagsosorry?" "I'm sorry Merylle kung pati ikaw ay nadamay dahil sa a

