CHAPTER 7: Like s*x

2364 Words
TATLONG katok sa pintuan ang pumutol sa malungkot na usapan ni Angela at Torin.  “Tumayo ka muna. Titingnan ko kung ano ang kailangan nila sa atin,” hiling niya rito. Nakahiga pa rin kasi ito sa kanyang hita. Sinunod naman siya nito. Tumayo siya at binuksan ang pintuan, isang kasambahay ang bumungad sa kanya sa labas. “Ano iyon?”  Inabot nito ang mga nakatuping damit.  “M-Ma’am Angela, tuyo na po ‘yung pinalabhan n'yong damit kagabi.” Halata dito na natatakot ito sa kanya. Kinuha niya ang mga iyon saka muling isinara ang silid matapos magpasalamat. Bahagya siyang nagdiwang dahil kahit papaano ay mukhang naalog niya ang bahay na iyon sa katotohanan na sila ni Torin ang amo roon at hindi sila basta kung sino lang. She’ll make sure that everything will be in place. “I need to shop for my personal things,” sabi niya kay Torin.  “We are going outside?” Nakamot niya ang ilong.  “T-the problem is I don’t have money,” nakangiwi niyang sabi.  May trabaho naman si Angela ayon kay Beth ngunit pinag-resign ito ng ama na nakadagdag sa pressure sa babae. Nakaramdam siya ng hiya kay Torin. Kahit papaano ay ayaw naman niyang masabihan na makapal ang mukha at nang-uuto ng isip-bata na tulad nito.  Bigla itong tumayo at yumakap na naman sa kanya. “Don’t worry, wife. My mom said I should support my wife. I will buy anything that you’ll need. I’ll be your hero.”  How cute? Nag-iisip siya kung maaari niyang isama ang lalaki sa mall. Hindi kaya mawala niya ito sa labas habang namimili? At baka mapagalitan din siya ni Mr. Madrigal, ang tatay nito, na pabaya siyang asawa.  Napangiwi siya.  “Wife, I should go with you. We should stick together. Please? Please? Pretty please?” Tila ito batang humihiling sa kanya na dalhin sa Wonderland Park.  Napabuntonghininga na lang siya sa inakto nito. “Sige na nga, isasama na kita. Pero sa isang kundisyon. Hindi ka pwedeng mahiwalay sa akin at kailangan na susunod ka sa sasabihin ko, maliwanag ba ‘yon?” “Yehey!” Bigla siya nitong binuhat at niyakap. Para itong lumangoy sa ligaya nang isinubsob ang mukha sa dibdib niya habang masaya siya nitong pinipisil.  “T-Torin, n-naiipit na ko. I-I need to take a shower. Put me down,” nag-iinit ang mga pisngi na sabi niya rito.  His actions made her blushed. Kahit papaano ay nahihiya siya sa kanyang asawa lalo na at wala siyang bra. He’s still a big man. “Do you want me to help you? As your husband, I must help you clean your body,” parang walang muwang na sabi nito sa kanya. Lalong namula ang mga pisngi ni Angela sa narinig.  “N-no, I-I can manage!” Bitbit ang mga damit ay nagmadali siyang pumasok sa loob ng shower room na nasa katabing silid. Para siyang magkakasakit sa puso kay Torin. Sigurado siya na walang alam ang taong ito sa ginagawa nito sa kanya. His touches on her body were teasing. Hindi niya maipaliwanag, ngunit kakaiba ang mga haplos nito. It’s as if she wanted… more. She wants his big hands to— Pinaypayan muli niya ang sarili gamit ang dalawang palad. Kahit pa kasi parang wala itong alam sa mga ginagawa nito sa kanya, isa pa rin itong lalaki sa kanyang paningin; malaki at guwapong lalaki! Damn it! Hinayaan niya na alisin ng malamig na tubig ang init niya sa katawan. ----- SINUOT niya muli ang damit na suot niya nang nagdaang-araw. Wala naman kasi siyang choice dahil iyon lang ang tanging damit na mayroon siya. Mabuti na nga lang at naisipan niya na palabhan ito sa kasambahay na naghatid sa kanya sa kanilang silid. Namili si Angela ng mga susuutin ni Torin sa wardrobe nito. Wala siyang magustuhan na kahit na ano sa mga damit doon. She was annoyed. Hindi tuloy niya maiwasan na baka si Enzo ang nagbigay at namili ng mga damit na nakahilerang nakasabit sa silid na iyon. Wala naman kasi siyang maisip na iba pa na maaari niyang pagbuntunan ng inis.  Napapailing na lang siya. Siguro ay hinahayaan ni Enzo na magmukhang baduy ang kanyang asawa kaya kung anu-anong mga klase lang ng damit ang naroon. Torin doesn't even have signature clothes.  Sakto naman na nakatapos na siya sa pagpili ng damit nang matapos si Torin sa paliligo. Tulad ng nagdaang hapon, nakatapis lang ito ng tuwalya. Napalunok siya at hindi niya mapigilan na sundan ang tumutulong tubig pababa sa katawan nito. How she wished she could replace the small clear water for the meantime, slides on his firm body. Ngumiti ito sa kanya nang matamis. “Wife, did you find clothes for me?”  Nabigla pa siya nang  magsalita ito. Ramdam niya ang init ng kanyang pisngi. Inabot niya rito ang pantalon, t-shirt at brief nito.  “Y-you can wear these. Lalabas na ako,” saad niya habang nakayuko. Lalapitan sana siyang muli nito para yakapin, ngunit mabilis na nakaiwas na si Angela. She wants to be embraced by those hands, but that was the problem. A big problem! Nakita niya na nalungkot ito, nakanguso at parang maiiyak na naman dahil sa kanyang inakto. “Y-you don’t like me?” Sh*t! This man is torturing her. Alangan namang sabihin niya rito na may namumuong init sa pagkatao niya sa tuwing maglalandas ang kamay nito sa kanyang katawan kaya siya umiiwas. He wouldn’t understand her either. “I’m not angry. B-baka mabasa mo na naman kasi ako, wala na akong ibang susuutin. Hihintayin kita sa ibaba.”  Tuluyan na siyang lumabas ng silid. Unti-unting nawala ang kaba sa kanyang dibdib nang mawala sa kanyang paningin ang asawa. She tapped her chest. Siguro ay may epekto ang may-ari ng katawan niya kaya siya nagkakaganoon. Yes, right! That’s the reason! Habang hinihintay si Torin ay umupo muna siya sa couch at ipinikit ang mga mata. Nanibago siya sa koneksyon nila ng lalaki kahit pa nga hindi pa lumilipas ang beinte-kuwatro oras na kasama niya ito. Kataka-taka kasi na nakuha nito ang loob niya. Noong nabubuhay pa siya bilang Angela Capili, pinaka-ayaw niya sa lahat ang mga taong katulad ni Torin— stupid and idiot.  Mabilis na nag-iinit ang ulo niya sa mga assistant niya noon o mga kasama sa trabaho kapag hindi alam ng mga ito ang gagawin. She doesn’t care to anyone before as long as she wants to do something. Malaking parte si Enzo sa ugali na mayroon siya noon dahil masyado nitong nakuha ang atensyon niya.  Bumahid sa mukha ni Angela ang galit at hindi iyon nakaligtas sa mata ni Torin na nasa bungad ng hagdan ilang hakbang ang layo sa kung saan siya nakaupo.  “Let’s take a breakfast.” Nauna na siyang nagtungo sa dining area. Sumunod sa kanya ang lalaki. Nag-agahan muna si Angela at Torin bago niya mapagdesisyunan na pumunta sa mall para bumili ng personal na gamit. Wala kasing laman ang tiyan niya simula pa noong nagdaang gabi. Kahit pa nga marami siyang nais na gawin, hindi naman niya maaaring kalimutan na alagaan din ang katawan na iyon. "Wife, eat this one." Binigyan siya nito ng isang hiwa ng isda sa plato.  "Wife, eat more." Nilagyan nito ng gulay ang kanyang plato.  "Wife— "  "Torin, stop! I can't take all of it," wika niya. Hindi maiwasan na mapalakas ang kanyang tono. Kinikilala niya pa lang ang kanyang katawan sa unang araw. Ayaw niyang kumain ng kung ano lang. Baka hindi niya alam na may allergy pala ang tunay na Angela sa isda at hipon na nakahain sa mesa. Pwede rin na allergic ito sa kung ano pa. Wala siyang alam sa pagkatao ni Angela Madrigal. Wala siyang alam bukod sa pangalan nito, tatay nito si Mr. Madrigal, asawa si Torin Agassi na isang bano at yaya nito si Beth. Hindi niya rin alam kung may sakit ito sa kung saang parte ng katawan at pinakikiramdaman niya pa lang ang sarili bilang dating doktor. Ramdam niya na hindi na kaya ng kanyang tiyan ang lahat ng pagkain na inilalagay ni Torin sa kanyang plato kaya naman hindi na siya nakatiis na pagalitan ito.  Napaatras ito sa takot saka yumuko. "Wife…"  Napabuga na lang siya ng hangin nang makita na para itong batang pinagalitan. Agad siyang nagsisi sa pagsinghal niya rito. Bigla niyang naisip na naging sweet at mabait lang din ito sa kanya.  "I'm sorry," pagpapaumanhin niya sa mababang boses.  Malungkot si Torin at hindi na siya kinulit. Para bang nagtampo na ito sa kanya nang tuluyan. Gusto niyang mapailing sa inaakto nito. Nakayuko na ito at hindi makatingin sa kanya. Nakita niya na papalapit si Gloria sa mesa. Sumimangot muna ito bago sinabi ang pakay.  "Miss Angela, kailangan daw kayo sa Mansyon ng mga Agassi. Bagong kasal kayo ni Torin kaya tama lang na tumuloy kayo sa iyong biyenan para dalawin si Madam Selena." Hindi niya ito pinansin. Iniikot lang niya ang maliit na kutsara sa kanyang tasa para haluin ang kanyang kape. Wala pa siyang plano na pumunta sa bahay ng mga Agassi. Bakit? Dahil hindi niya kilala ang pamilya nito. Ayaw niya rin na makita ang pagmumukha ni Enzo na dati niyang nobyo— baka hindi siya makapagpigil at gilitan niya agad ito ng patalim sa leeg. Posibleng nakaligtas ang pagkatao niya kay Torin dahil sa isip-bata pa ito, ngunit hindi niya sigurado kung makaliligtas siya sa tatay nitong si Mr. Agassi at sa asawa nitong Madam Selena ang pangalan. Hindi niya alam kung Nakita na ng mga ito ang dating Angela Madrigal. Bahagya pang nakapagpataas ng kilay niya ang isipin na nagmamadali ang pamilya nito na papuntahin siya sa bahay ng mga ito. Duda siya na gusto siyang makilala bilang bagong parte ng pamilya. Mas malakas ang kutob niya na gusto siyang turuan ng leksyon ng ginang o ang madrasta ni Torin. Kung iniisip niya na ako si Cinderella na kayang apihin, mag-isip muli siya. "Miss Angela!" Walang galang na tawag ng may edad na babae sa kanyang pangalan. Inangat niya ang matalim na paningin at sinalubong ito.  "Ate Gloria, tulad ng sinabi ko— ako ang masusunod sa bahay na 'to. Ako ang magdedesisyon kung kailan ko gustong pumunta sa bahay ng mga biyenan ko," iritableng sagot niya rito. "Aba't—!" Hindi siya nagbaba ng tingin. Tila iyon maglalabas ng apoy na nakasusunog ng pagkatao kung sakali na ipipilit nito ang nais sa kanya. Nanggigigil na talaga siya sa may-edad na babae at kaunti na lang ay baka patahimikin na niya ito sa ilalim ng lupa. Hindi siya magdadalawang-isip na itusok ang tinidor sa lalamunan nito. May ideya ba ang may edad na babae kung ilan na ang napatay niya noon? Nakipagtitigan ito sa kanya, ngunit ilang saglit pa ay binawi rin naman nito iyon. Bahagyang tumaas ang gilid ng kanyang labi, kahit sa nakaraang buhay niya ay walang makapalag sa kanya kapag mayroon siyang ninais. "Naku! Humanda ka talaga!" banta nito na halatang nagtitimpi. Umuusok muli ang ilong nito na umalis sa kanyang harapan. Lumamig ang kanyang awra dahil pinainit na naman ng may-edad na babae ang kanyang ulo. Nagulat na lang siya nang hawakan ni Torin ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa. "Wife… M-my Adopted mom, for sure she just wanted to see you. I-ikukulong niya na naman ako kapag hindi ko siya sinunod. P-pumunta na tayo sa kanila, please." Nangangatog ang mga labi ni Torin na halata ang takot sa para sa babae. Hindi ba’t kanina lang ay ayaw nito na magpunta roon? Bahagya siyang nakaramdam ng awa rito. Mukhang nakaranas din ng pagmamalupit ang kanyang asawa sa madrasta nito. Para siyang nahabag nang marinig niya na ikinukulong ng ginang si Torin kapag may hindi ito nagustuhan sa ginawa ng asawa. "Wife…" Nabigla na lang siya nang lumuhod ito sa harap niya at muli siyang niyakap sa baywang. Dikit na dikit muli ang ulo nito sa kanyang dibdib, ngunit wala siyang napansin na kakaiba sa ginawa nito dahil nililipad ang isip niya kay Madam Selena. "Huwag kang mag-alala, tulad ng pangako ko ay hindi mo na mararanasan ang mga pagmamaltrato sa iyo ng kahit na sino. Pupunta rin tayo sa bahay ng daddy mo, pero hindi na muna sa ngayon."   "Why?" tanong nito na itinaas ang mga mata at titig na titig sa kanya "It's because... today we need to shop," naisip niyang idahilan. Ilang saglit bago niya napansin na ikinikiskis nito ang ulo sa kanyang dibdib habang nananatili na nakaluhod. Mabilis na dumaloy ang kakaibang kilabot sa kanyang pagkatao dahil tila nagbibigay iyon ng kakaibang kiliti. "W-what are you doing?"  Nagpatuloy si Torin sa pagkiskis nito sa kanyang dibdib. "Oh! I saw a puppy the other day. He did the same thing to his owner. I think that's what they do when liking someone. I just want you to know that I like my wife so much." Did he just think of himself like a puppy? Tapos ay naaalala niya pa ang sinabi nito na ikinukulong ito nang madalas ng madrasta nito. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkailang lalo at nasa dining area sila. May mga kasambahay na papasok doon para maghatid ng pagkain o kaya naman ay para tingnan kung may kailangan pa sila sa mesa. Pinigilan niya ito sa ginagawa nito. "D-don't do it again. There are things that you cannot do to me in front of everyone," wika niya. "Like what?" Tila inosente na tanong nito. "L-like s*x. Sh*t!" Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa example na ibinigay niya rito. Siguro dahil nang nagdaang gabi pa siya inaakit nito nang palihim kaya iyon ang lumabas sa kanyang bibig. "Like s*x? What is that? You mean, I can do it, but not in front of everyone?" Wala siyang makita na kakaiba sa lalaki at nananatiling inosente ang mga mata nito. F*ck! mura niya sa sarili. Ngunit ang pinakamalala ay sinagot niya ito ng "Yes, because it's a secret between husband and wife."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD