CHAPTER 8: Touches

1247 Words
HINDI alam ni Angela kung matutuwa siya o maiinis kay Torin. Madalas kasi siya nitong yakapin at para bang linta kung makadikit ito sa kanya. Nauubusan siya ng hangin tuwing nasa paligid ang lalaki. Para kasing may kuryente ang balat nito patungo sa bawat himaymay ng kanyang pagkatao. Maybe Torin thought she’s like a fluffy and soft teddy bear. Kung tutuusin ay mas malaki sa kanya ang lalaki kaya naman ramdam niya kapag yumayapos ito sa kanya. Sa tingin nga niya ay nasa anim na talampakan at mahigit ang taas nito samantalang naglalaro lang sa limang talampakan at tatlong pulgada ang taas niya bilang Angela Madrigal. Napansin din niya na panay ang tingin ng driver sa kanila mula sa rear-view mirror. Hindi na lang niya ito pinansin. Baka nawiwirduhan ito sa kanilang mag-asawa. Isang clingy ngunit malaking lalaki, at isang seryoso na babae. Hindi ba’t ang wirdo nila kung titingnan? Isang department store ang napili ni Angela na pasukin. Sa parehas na tindahan siya namimili kahit noong nabubuhay pa siya bilang Angela Capili. “Wait for us here,” wika niya sa driver. Sinabi niya rito na saglit lang sila ni Torin sa loob. Tumango lang ito at pumayag na maghintay sa parking.  "Wife, let me hold you. Baka mawala ako rito." Magaan ngunit parang ayaw nitong bitawan ang kanyang braso habang naglalakad. Ayos lang kay Angela ang set-up nilang dalawa kahit parang linta pa rin ito na nakadikit sa kanya. Mas gugustuhin na niya ang ganoon kaysa mawala ito sa loob ng malaking gusali. “You must behave, alright?” “I’ll follow my wife.” Most of the people were looking at them. Kahit naman sino ay mapapatingin talaga sa dalawang nilalang na magkahawak-kamay na naglalakad. Nagpasalamat si Angela na hindi nangungulit ang kanyang asawa.  Isang department store ang pinuntahan nilang dalawa. Palibhasa ay nakapunta na siya roon noon, alam na niya kung ano ang mga kukuhanin na damit. Mabilis siyang nakapili kung ano ang mga kailangan niyang gamit. Ngunit mabilis din siyang nagkaroon ng problema dahil hindi niya alam kung paano manghihingi ng pera sa kanyang asawa. Mahigpit niyang hawak ang ilang piraso ng damit para magtungo sa kahera nang matigilan siya, wala kasi siyang pambayad!  Sa kanilang dalawa ni Torin, kahit na sintu-sinto ito ay mas marami pa itong salapi sa kanya sa kasalukuyan, kahit singkong duling ay wala siyang hawak. Nilingon niya ang lalaki. Bahagyang namula ang kanyang pisngi at hindi makapagsalita dahil sa kahihiyan. Nakagat niya ang labi at nag-aatubili.  Nakakunot ang noo nito na tumingin sa kanyang gawi. "Why?" Bigla itong nag-isip na baka kulang pa ang kayang mga bitbit na damit-pambabae. "Ah! I think, wala ka pang pantulog. Iyon ba ang problema, wife?" Yumuko siya para suriin ang mga dala. Bigla niyang napagtanto na tama ang sinabi nito, wala pa siyang pantulog na susuutin. "No, it’s because I-I don't have money," sa wakas ay nasabi niya.  Kahit kasi sabihin pa nito nang paulit-ulit na susuportahan nito kung ano ang kanyang mga kailangan bilang asawa nito, hindi pa rin maiiwasan na makaramdam siya ng hiya. Para kasi siyang nang-uuto ng batang lalaki.  "Kiss me, and then I'll pay for all of it," sabi nito. He gave her tantalizing eyes. Inginuso pa nito nang todo ang mga labi patungo sa kanyang direksyon at pumikit. Para itong elementary na humihingi ng kiss sa kanyang nanay. Lalong nakaramdam ng kahihiyan si Angela. Baka kasi isipin ng mga tao roon ay kung ano ang ginagawa nila ng lalaki. She felt sorry for Torin for acting so bizarre, different. Sigurado na kung nasa normal na pag-iisip ito ay hindi ito gagawa ng mga ganoong mga bagay lalo na sa publikong lugar. "If you don't like it, kiss me here." Itinuro nito ang pisngi. Lumingon na muna siya sa kaliwa at kanan bago tumikhim. Pigil ang hininga na inilapit niya ang labi sa pisngi ng lalaki. "Yehey! That was sweet! Wait for me here. I'll pick night dresses for you and then, I’ll pay for all of your things," wika nito sa kanya. "No Torin! Baka mawala ka rito." Nakaramdam siya ng takot nang lumayo ang lalaki. "Ok. Samahan mo na lang ako." Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa asawa. Napalunok na lang si Angela nang makita kung saan sila tumungo ni Torin. Sa isang shop ng mga night gowns. Sigurado siya na litaw na litaw ang kurba ng kanyang katawan sa mga maninipis na tela ng damit na nasa display. "Go, wife, you can choose now. I'll pay for all of them." Matagal na tiningnan niya lang ang mga damit. Para siya napako sa kinatatayuan habang tinititigan ang mga iyon na nakasampay sa hindi kalayuan. "Why?" tanong ni Torin nang mapansin nito na hindi siya kumikilos. "Masyadong… sexy." Sigurado siya na magpapatulo ng laway ang mga kasuotan na nakasabit sa hanger at suot ng body stand bilang display. Nakatingin lang ito at para bang nagtatanong kung ano ang problema. Bigla niyang naisip na malamang ay hindi siya nito naiintindihan.  "Of course, my wife is sexy." Para bang normal lang ang pagkakasabi nito sa bagay na iyon.  Kumunot ang kanyang noo sa sagot nito.  Does that mean he knew the meaning of sexy? She thought. "I saw ladies going here to buy those clothes, and I think the lady with your exact size likes to wear this.” Tinuro pa nito ang ilang kababaihan na nasa paligid.  He acts as if there was no malice in his thoughts. Nakaramdam tuloy siya ng hiya. Mukhang sa kanilang dalawa ni Torin ay para bang siya pa ang nag-iisip ng masama at tila ba normal lang sa lalaki ang lahat. Iginiya siya nito roon dahil nakita nito ang mga babae sa paligid. "If you don't like these, it's okay. You could wear my shirts at home." Naisip ni Angela na mas gugustuhin na niya na suotin ang mga T-shirt nito kaysa naman sa mga sexy na damit na naroon. Sigurado siya na lilitaw ang kalahati ng kanyang dibdib. Hindi tuloy maiwasan na pumasok sa isip niya ang naganap sa kanila nang umagang iyon, nang sakupin ng buo at malaking palad nito ang isa sa kanyang dibdib. Ayaw niyang masabihan muli ni Torin ng “Your balls are bouncing” while holding her bare boob. Isa pa, baka kung ano ang isipin ng mga kasama nila sa bahay kapag nakita na suot niya ang mga damit-pantulog na naroon sa paligid. "I'll wear your shirt instead," sabi niya. "Okay, no problem!"  Muli silang bumalik sa kahera at saka pumila. Inabot nito sa kanya ang ginintuan nitong credit card habang may inaasikaso pa ang kahera sa bungad. "You can sit there, just wait for me." Itinuro niya ang silya na nasa gilid. "No, I should be with my wife," anito na hindi binitawan ang kanyang braso.  Hindi naman nagtagal at naroon na siya sa bungad. Nabigla na lang siya nang muling magkomento si Torin. "I want to go home the soonest."  "Why?" "I want to touch you. You said I must not touch you under everyone's eyes." Iniangat ng kahera ang mukha nito at tiningnan silang dalawa, tila narinig din nito ang sinabi ng kanyang asawa. Ramdam ni Angela ang kanyang mainit na pisngi. Alam niya na nagbigay sila ng kakaibang impresyon dito, gayunman ay patuloy lang din naman ang babae sa pagpunch ng items. She acts as if she doesn’t care at all. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD