NAGPATULONG si Angela sa kanyang asawa na bitbitin ang kanyang mga gamit papasok sa bahay nito. Ngunit hindi niya inaasahan na mayroon siyang buwisita sa unang araw nang pagtira niya sa bahay na iyon ni Torin— si Evelyn.
Kasama nito si Beth na naunang sumalubong sa kanya pagbaba nila ng sasakyan ni Torin.
"M-Miss Angela." Hindi nakalusot sa kanya na kinakabahan ito.
"Beth, bakit narito ka?" nakakunot ang noo na tanong niya rito.
Lumingon pa muna ito sa pintuan bago nagpatuloy, "S-si Miss Evelyn ay kasama ko. Nag-aalala ako sa'yo baka kung ano ang gawin niya rito."
Bahagya lang na nagtaas ang kanyang kilay. She doesn’t even know who this Evelyn is, aside from the thoughts that she’s Angela Madrigal’s sister. Ramdam niya ang takot ni Beth at para bang gusto siya nitong itago laban sa kanyang kapatid. Hindi niya alam kung ano ang istorya ng mga ito. Ganito ba talaga ang epekto ni Evelyn sa dating Angela Madrigal?
Malamang ay nagtungo na sa likuran ng bahay ang tunay na Angela Madrigal para itago ang sarili.
"Help me, Torin." Inabot niya sa lalaki ang ilang mga paper bags.
Halatang kinakabahan pa rin si Beth sa kanyang pagbabalewala sa banta nito at sa mga susunod na magaganap. Mas gusto niya na pumasok sa loob ng bahay at harapin ang babae kaya siya humakbang patungo roon.
"Wife, wait!" Humabol sa kanya si Torin hanggang sa makapasok sila sa bungad ng tahanan nito.
Hindi na niya nagawang lumingon kay Torin. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa isang seksing babae na naka-de-kuwatro sa malambot na couch, nakataas ang noo. Kung umasta ito ay para bang ito ang may-ari sa bahay na iyon.
Evelyn has a slight makeup, glamorous. May kakulutan ang ginintuan nitong kulay ng buhok na umaabot sa baywang. Humahapit din ang pula nitong bestida. Sa unang tingin at alam niya agad na si Evelyn ang tipo ng babae na madalas na gumanap bilang kontrabida sa mga pelikula. Sa kabuuan ay maganda ito at may hawig sa kanya, ngunit iba ang dating ng ganda sa kanya ni Angela Madrigal. Mas nalalapit bilang anghel na ibinaba sa lupa ang huli.
Hinarap nito ang kanyang mapanuring mata.
"It’s good that you’re here. Hindi ako masyadong naghintay nang matagal," saad nito.
Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa kanyang gawi. Inilapag nito ang magazine na binabasa, tumayo at saka humakbang papalapit sa kanya. Kumapit nang mahigpit sa kanyang braso si Torin. Yumuko ito at nagtago sa kanyang likuran laban sa babae. Ramdam niya ang pangangatog at kaba ng asawa kay Evelyn.
Tahimik lang si Angela na pinag-aralan ang babae. Pinasadahan din nito ng tingin ang kanyang kasuotan.
"Hindi ko akalain na magaling ka nang mang-uto ngayon," wika nito. Hinawakan nito ang dulong bahagi ng manggas ng kanyang suot na bestida, sinuri ang tela nito. "I heard what you did to Gloria. Matapang ka na ngayon?"
Tinawagan ni Evelyn si Gloria kaya ito napasugod sa bahay na iyon. Gusto nito na makasiguro na kahit wala na si Angela sa bahay ng mga Madrigal, mananatili siya na maghihirap kahit naroon na siya sa kamay ng iba. Nabalitaan nito ang pagsampal na ginawa niya noong nagdaang-gabi mula sa may-edad na babae.
Gusto nitong subukin kung gaano katotoo na ibang Angela ang nagbalik sa tahanan na iyon. Napasinghap na lang si Beth nang hilahin nito at sirain ang manggas ng kanyang suot na bestida.
"Kahit anong klase ng damit pa ang suotin mo, hindi ka na magbabago, Angela! Isa ka pa rin dugyutin na babae! Akala mo ba ay nakatakas ka na sa akin nang dahil lang sa nag-asawa ka na? Mananatili ka na lumuluhod sa harapan ko hangga't nabubuhay ang isa sa ‘ting dalawa!"
Mabilis na dumaloy ang init sa ulo ni Angela. Lalo na at sinira nito ang bagong biling bestida ni Torin. Bago sila lumabas ng department store ay ipinasuot nito ang isa sa mga bestida na kanilang pinamili, ngunit hindi pa lumilipas ang kalahating araw ay tanggal na ang isang parte nito. Nagtaas ang kanyang kilay.
"Tapos ka na?" nanghahamon na tanong niya rito, nakataas ang noo.
Bahagya itong nagulat sa kanyang reaksyon, ngunit nakabawi rin naman at sumilay ang kakaibang ngiti sa labi. "I'm not!"
Sinira nito ang kabilang manggas na lalong nagpainit sa kanyang ulo. Marahas niya itong sinampal hindi pa man lumilipas ang segundo na napunit nito iyon. Mabilis na sumakit ang kanyang kamay mula sa malutong na pagtama ng kanyang palad sa pisngi nito—tulad ng nangyari nang sampalin niya si Gloria.
F*ck! Why do you have a delicate hand, Angela? tanong niya sa sarili.
"How dare you?!" singhal nito.
Iniangat nito ang kamay para sabunutan siya, ngunit mabilis na nahawakan ni Angela ang neckline ng suot nitong bestida. Marahas niyang sinira ang kasuotan nito. Nawarak ang pula nitong bestida at nahati sa dalawa. Diretso na gumuhit ang pagkasira ng tela hanggang sa ibabang bahagi. Lumitaw ang hubad na dibdib nito at ang kulay pula nitong panty sa kanilang paningin.
Punyetang babae! Hindi pa nagsuot ng bra!
"Ahh!" tili nito, agad na pinag-ekis ang mga braso para takpan ang sarili. Hindi nito alam kung paano itatago ang katawan. Hapit ang suot nitong bestida kaya naman wala itong nagawa kung hindi ang yakapin ang sarili. Nagkikiskis ang mga ngipin na nagmura. "You, b***h!"
Umismid si Angela bilang sagot. She's proud of being a cunning and devious woman! Nilingon niya si Torin na nakakunot ang noo at nakatingin sa babae. He has a confused facial expression. Bahagyang nagtaas ang kanyang kilay at saka niya ito pinagalitan.
"Torin, close your eyes! Hindi ka dapat tumitingin sa katawan ng iba!"
"Oh! Okay! I’m sorry, wife!" Bigla itong nagtakip ng mukha gamit ang dalawang palad.
"Go upstairs!"
Para itong isang batang napagalitan. Bitbit ang lahat ng mga pinamili nila ay umakyat na lang ito ng hagdan. Binalewala na silang magkapatid na nag-aaway sa bungad ng tahanan nito.
Nagkikiskis ang mga ngipin ni Evelyn habang puno ng galit ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. "How dare you?!"
"Tsk! Naiwan ba ang pinag-aralan mo sa bahay? How dare you come here?!" marahas na tanong niya rito kasabay ng pagtaas ng noo. Hinawakan niya sa braso nito si Evelyn at saka itinulak palabas ng bahay na iyon. Dumausdos ito at halos humalik ang mukha nito sa lupa. "Hindi kami tumatanggap dito ng mga nakawalang halimaw sa kung saan! Bumalik ka sa zoo kung saan ka galing! Guard!"
"Angela! Just you wait!" banta nito saka lumakad palayo. Nakita niya na parang nakaramdam ito ng awa sa sarili nito dahil sa sira nitong kasuotan.
Humugot siya ng hangin, kinalma ang sarili. "Evelyn!"
Napahinto ito sa paglakad nang marinig ang tawag niya. "I don't want to see your face here anymore. Sa susunod na magkikita tayong dalawa, sigurado ako na hindi lang ganito ang aabutin mo," banta niya rito.
Umismid ito. "Ha! Ang galing mo naman magbanta sa akin. Sa loob ng ilang taon, inaapak-apakan lang kita, Angela. Hindi ako naniniwala na bigla kang mababago sa isang araw lang! Hindi lang ako makakilos dahil sa suot ko ngayon!" Tumalikod muli ito at nagmadali na tumungo sa sasakyan habang pinipilit na hilahin ang pulang bestida. "Beth!"
Ramdam niya ang tensiyon ng babaeng tinawag nito na naroon sa kanyang tabi. Halos ayaw sumunod kay Evelyn. Kita niya ang pagkislap ng mata nito at tila nanghihingi sa kanya ng saklolo.
"Go, Beth. Dadalaw ako sa bahay at kukunin kita," pangako niya rito.
Bago siya pumasok sa loob ng bahay ay nagtagpo pa ang mga mata nila ni Gloria na may dalang roba para sa babae. Wala siyang emosyon na binigay rito. Diretso lang siya na pumasok sa loob ng bahay. Bahala ito kung gusto nitong tulungan si Evelyn. She doesn’t care! Huwag lang nitong sasaktan ang kanyang asawa.
Naisip niya tuloy si Torin at kung paano nito tingnan si Evelyn. Hindi pa man ay nais niyang pabendisyunan ang malinis nitong isipan na nakakita ng hubad na dibdib ng babae.