
Taglay ni Flame ang peklat na anyong ibon na nasa kanyang dibdib, na simbolo umano ng masamang pangitain para sa kaharian ng SAHC. At ang tanging paraan upang maputol ang sumpa ay ang paslangin ang nagtatagalay nito.
Sinuway ni Alliah ang utos ng kanyang amang hari at pinili ang kaligtasan ng kanyang anak. Sa tulong ng isang mabuting kaibigan, nagbukas ito ng lagusan patungo sa Earth. At doon, pinili nilang mamuhay nang normal.
Makalipas ang labing walong taon, nagkaroon ng kaguluhan sa SAHC, at si Flame ang natitirang daan upang maisalba ang Kaharian. Na ang noo'y inaakalang magdadala ng kaguluhan sa SAHC ay siya palang nagtataglay ng pinakamalakas na kapangyarihan, ang nagtataglay ng Stone of Stones.
Makakayanan niya kayang paslangin at talunin ang nagbigay sa kanya ng kanyang buhay para iligtas ang Kaharian, at ang mga muntikan ng pumatay sa kanya?
