TWO- THE UNUSUAL WEDDING

2802 Words
HER POV Hindi ako makatulog. Bukas na ang aking kasal. Bukas magiging isang substitute bride na ako. Bukas ay magiging isa na akong asawa ng isang pangit at may taning na ang buhay. Kahit tatlong buwan lang ang itatagal ng pagsasama namin ay may halong takot pa rin ang nanalalaytay sa aking dibdib. Deep in my heart and mind, ayaw ko talagang makasal. Ni minsan hindi ko naisip na magpakasal kahit nasa hustong edad naman din ako. Wala akong naging kasintahan simula’t sapul ng aking pagdadalaga. Manliligaw marami pero hindi ko sila binibigyan ng pagkakataon na makalapit sa akin. Iwas ako sa mga lalake. Para sa akin sagabal lang sila sa aking pag-aaral at lalong- lalo na sa aking health issues. Hindi ko pinagtuonan ang pakikipagsyota o pangongolekta ng mga manliligaw. Bahay at eskwela lang talaga ako at kahit dalawang taon na mula nang makapagtapos ako ng pag-aaral. Mas pinili ko ang mamuhay ng payak sa loob ng aking healing home. Kaya siguro madali na lang ang pagsang- ayon ko kina mommy at daddy na magpakasal kay Mr. Fuentebella dahil sa loob loob ko makabayad man lang ng utang na loob sa kanila sa lahat ng sakripisyo nila sa akin mula noon hanggang ngayon. Mahal na mahal ko ang aking mga magulang. Ayaw ko silang masaktan at kaligayahan lang nila ang aking iniisip. Pero isang bagay lang talaga ang nagpakumbinsi sa akin upang pumayag na maging substitute bride ni Mr. Fuentebella iyon ay maisalba ang aming ancestral home na nagsisilbing healing therapy ko sa tuwina. Simula kasi ng mamatay ang aking abuelo at abuela ay para na rin akong nawalan ng masasandalan. Sila kasi talaga ang may malaking ambag sa aking kamusmusan. Si Lala Nena o aking mahal na abuela ay mahilig akong kuwentuhan at basahan ng mga fairy tales samantalang si Lolo Nestor naman ay madalas na nakikipaglaro sa akin. Sa tuwing nagkakasakit ako o masama ang pakiramdam, tanging malamyos nilang awitin ay laging nagpapakalma sa akin. Pareho sila kasing mahilig kumanta at sa kanila ko rin natutunan ang pagtipa ng piano na buhay na buhay pa rin nakalagak sa sala ng ancestral home. That old house has a lot of sentimental memories from the inner child of me that I don’t want to let go. Isa nga siguro akong makaluma at emosyal ang pagkatao dahil hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako sa pagkawala ng aking abuelo at abuela. It was a tragic day that was supposed to be my 9th birthday party that ended in the loss of the lives of my grandparents. Nadisgrasya ang sinasakyan nilang bus papunta ng lungsod upang makadalo sa aking party. Isa sila sa mga pasaherong nasawi sa nasabing aksidente. Napakurap- kurap ako ng maagaw ang atensiyon ko sa pagbabalik- tanaw sa mahinang katok sa labas ng pintuan. Dagli kong pinunasan ang aking pisngi na nabasa na pala ng aking mga luha. “Tuloy po…,” mungkahi ko pa sa taong nasa labas. “Hija… Bern… bakit gising ka pa? hindi ka ba makatulog nak?,” pumasok agad sa silid ko si Mommy at naupo sa aking tabi sa ibabaw ng kama. “Uhmn… eyyyy… o—po,” tango ko pa. “Heto uminom ka muna ng gatas ng mainitan iyang sikmura mo,” inabot niya sa akin ang baso at sinunod ko nga ang sabi ni mommy. Totoo nga at umipekto naman ng bahagya sa aking sikmura ang mainit na gatas ngunit hindi pa rin nito naggagamot ang mga pag-aalinlangan at mga bumabagabag sa aking puso at isipan. “Good… Bern, anak… alam kong nabibigla at hindi ka pa rin makapaniwala na ikakasal ka na bukas… salamat anak sa pagsasakripisyo… mahal na mahal ka namin anak… lage mo sanang tandaan iyan at huwag mong isipin na ginusto din namin na mangyari ito sa iyo,”pahayag pa ni mommy ng maluhaluha at hinawakan ang isang kamay ko na may hawak ng basong wala ng laman. Napayakap ako ng mahigpit kay mommy. Hindi ko napigilang humikbi. Kahit anong pilit kong magpakatatag ay nilulukob pa rin ako ng takot at pangamba.Makakayanan ko kayang makisama sa isang tulad ni Mr. Fuentebella? Makakayanan ko kayang ang pagpapanggap bilang si Bianca? “Shhhh… tahan na Bern… everything will be fine… alam mo bang ganitong- ganito rin ako tulad mo noong gabi bago ang kasal namin ng daddy mo… I was crying in pain and in turmoil!,” pang-aalo ni mommy sa akin. “Iba naman kasi ang sa inyo ni daddy my… eh!!! You love him kaya and you were lovers before you got married!,” turan ko pa na humiwalay sa pagyakap ko kay mommy. “Correction… we were not lovers, we were forced to marry each other … pareho kaming may mga kasintahan dati pero dahil sa bata pa kami ay pinagkasundo na kami ng mga magulang namin… eh, wala kaming naggawa but to obey for our parent’s happiness,” pahayag pa ni mommy sa akin kaya’t nawindang ako sa mga rebelasyon niya sa akin. “That is so selfish of them, what about your own happiness, dad’s happiness?,” himutok ko pa. “Iba kasi ang mga pananaw ng mga nakakatanda sa noon anak, ang mga salita nila ang batas kaya’t tulad mo ay nagsakripisyo din kami ng daddy mo alang- alang sa nakakarami!,” dagdag niya pa. “Paano mo naggawang mahalin si daddy my? eh pilit lamang ang kasal ninyo?,” usisa ko pa. “We started the wrong way but we both worked it out and see where we are right now… we have two beautiful daughters, kung hindi kami ang nagkatuluyan eh wala kayo hindi bah?, what I mean Bern… look at the bright side and not the negative side upang mas madali mong matanggap ang katotohanan,” masinsinang mungkahi ni mommy sa akin. “Iba naman kasi sitwasyon ninyo ni daddy… kilala na ninyo ang isa’t isa bago pa kayo pinilit magpakasal at isa pa gwapo kaya si daddy at higit sa lahat hindi pa mamamatay,” hirit ko pa. “Iyon na nga Bern.. that’s the exciting and challenging part of your sacrifice, God has a greater purpose why things happen not the way we like it. Maybe you are destined by God to be of help to your dying husband to be. Malay mo ikaw ang kanyang dinarasal sa Diyos na magbibigay sa kanya ng kasayahan bago man lang siya mamaalam dito sa mundong ibabaw,” mahabang parangal sa akin ni mommy. “My… hindi ko alam psychologist ka na pala at pastora pa? ayieeh… maybe that’s the biggest reason why dad fell madly in love with you… you have a positive thoughts about life… sana katulad mo rin ako my,” pagbibiro ko pa but in the end, seryoso akong napatitig kay mommy. “Alright… shhh…tama na nga ang usapan natin… matulog ka na para blooming at may lakas ka bukas huwag na magpuyat at mag-isip pa ng kung ano- ano, okay?,” paalala pa ni mommy. “Good night my… mahal na mahal din kita kayo ni daddy!,” humalik ako sa pisngi ni mommy bago siya tumayo at nagpaalam at tuloy- tuloy ng lumabas ng silid ko. Tahimik na naman muli ang silid ko tanging panaka- nakang pagbuntong- hininga ko lamang ang aking naririnig. Humiga na ako sa kama at sinikap na makatulog ngunit hindi talaga ako dalawin ng antok. Kahit pa nagpabaling- baling na ako ng posisyon sa pagtulog hindi pa rin ako inaantok. Sa nahuli ay napabangon at napasipat ako sa telepono ko na nakapatong sa bedside table. Kanina pa ay may gusto akong gawin kaya lamang ay nagdadalawang-isip ako kung dapat pa ba. Pero hindi talaga ako mapalagay, may nakikita pa akong munting pag-asang matatakasan ko itong sinasadlakan ko ngayon. Dali- dali kong kinuha ang aking telepono at tinipa ang numero ng aking kapatid. It is now or never, ito na ang huling pagkakataon ko upang mapilit si Bianca na umuwi na at siya na ang magpakasal kay Mr. Fuentebella dahil siya naman talaga ang tunay na fiancee nito na ayon na rin sa napirmahang dokumentong napagkasunduan. Lagda ni Bianca ang naroroon. So, ibig sabihin lang nun ay alam ni Mr. Fuentebella na si Bianca ang pakakasalan nito. Hindi ko alam kung hanggang sa pangalan lang ba ang pagkikilala ni Mr. Fuentebella sa kapatid ko o higit pa roon. Natatakot ako na mabuking ako sa aking pagpapaganggap bilang si Bianca. Sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nagsisinungaling o nag-iinarte. What you see in me is what you get. Kahit hindi ako palakaibigan. Ni minsan wala ako naging kaaway o nakatampuhan. Marunong kasi akong ilagay ang aking sarili sa tama at sanay akong magpakumbaba para wala na lang gulo. Hindi kasi ako pabida- bida at madalas nonchalant lang ako. Mas iwas hustle at mas panatag ang buhay. Ayaw na ayaw ko ang komplikasyon sa buhay o alalahanin pa. Nasanay akong nasa comfort zone lang palagi kaya’t naliligalig talaga akong isipin na paasukin at susuongin ko ng mag-isa ang napakakomplikadong sitwasyon na pag-aasawa lalo pa at magpapanggap ako ng ibang katauhan. I hurriedly dialed Bianca’s number on my phone hoping she would answer my call. Nabuhayan ako ng tumunog ang kanyang telepono. Pero ilang ring na ng kanyang telepono ay hindi pa rin nito sinasagot hanggang na call ended na lang. Hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa at tinawagan ko muli si Bianca. Makailang ring pa rin at nagcall ended na lang ay hindi pa rin sumasagot si Bianca. Until my last call, she answered it but hindi ako marinig ang boses ni Bianca bagkus loud background music na sa hula ko ay nanggagaling sa loob ng bar. “Hello… Bia… he—-llo Bia—-,” as I usually call her by her nickname. But the other line was deaf to hear me out. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang malakas at lumalagubog na tugtugin. Hindi pa man ako nakakapasok ng isang bar pero nakikinita ko na ang sarili ko na hindi matatagalan ang ganoong lugar. I am sure I am gonna pass out with that smoky, congested, noisy and dark place. “Alam kong nakikinig ka sa akin. Bia…please umuwi ka na at ikaw na ang sumipot sa kasal mo bukas… maawa ka sa akin bunso…alam mo naman na hindi ako sanay umarte at makiharap sa tao… hindi ko talaga kayang magpakasal kay Mr. Fuentebella…please sana umuwi ka na, maawa ka naman kina mommy at daddy,” mahabang paliwanag ko sa kanya ngunit wala talaga akong narinig na sagot maya- maya ay biglang pinatay nito ang linya kaya napamaang na lang ako sa kawalan. Ilang sandali lang ay biglang tumunog ang text message tone ng aking telepono. Agad kong binuksan at binasa ang mensahe. Sigurado akong kay Bianca nagmula ito pero nanlumo ako sa nilalaman ng kanyang text message. “Bern… I am sorry but I will not marry that ugly dying man, I will not go home for that shitty forced wedding at isa pa I am with my boyfriend, I am enjoying my life with him and I will not let any one ruin my happiness I have now, not even that wedding. Ikaw na lang ang magpakasal sa kanya dahil wala ka namang kasintahan and no one ever love you like I do. Sorry but not sorry, but babawi ako sa iyo ate… just please give this once and lifetime chance with me… to be with my man. Good luck and bye!,” ayon pa sa pinadalang mensahe sa akin ni Bianca. Gumuho agad ang maliit na pag-asang makakatakas pa sa kasalan bukas. Who am I not to understand Bianca who might be deeply in love with her boyfriend. Hindi ko siya mahuhusgahan kung bakit mas pinili niya ang kasintahan kaysa sa amin dahil kahit kailan hindi pa ako sumugal sa pag-ibig. Susugal ako sa kasalan bukas dahil sa isang kasunduhan. An agreement devoid of love. Hindi ko namalayan kung paano at kailan ako nakatulog basta’t naggising na lang ako sa tapik sa aking balikat ni Nanay Fely. “Hija, gising na, naku… mahuhuli ka na sa kasal mo… napasarap yata ang tulog mo akala ko ay nakaligo ka na. Bumangon ka na riyan, hinanda ko na ang mainit mong pampaligo. Nasa baba na at nag-aalmusal pa ang mga beauticians mo. Mamaya lang at aakyat na iyon dito,” yakag sa akin ni nanay Fely papunta sa banyo. “Nay, anong oras na ba? Si mommy at daddy nasaan na po?,” sabi ko pa habang palakad papasok ng banyo. “Aba’y alas siyete y medya na ng umaga… isang oras na lang at kasal muna, sige na hija dalian muna!,” napukaw ang ulirat ko sa sabi ng aking tagapag-alaga, napasarap pala ang tulog ko balak ko pa sanang magswimming sa pool ng maaga pero mukhang malabo ng mangyari kaya’t mabilis na akong nagshower at hinayaan na si nanay Fely na mag-ayos ng mga kakailanganin ko. Paglabas ko ng banyo na nakasuot lang ng puting roba ay siya ring pagpasok ng mga mag-aayos sa akin. Nakangiti silang lahat sa akin na tila ba’y nakakita sila ng isang angel mula sa langit. "Such a goddess beauty... pak na pak... check na check ka talaga Madam Drey... saan ka ba nanggaling na planeta ganda? bakit ngayon lang kita nakita?.. sus bagay na bagay kang modelo pero sayang take home ka na ni Mr. Fuentebella. Big no no na talaga...haist!!!," tili ng baklava ring kasama ni tita Drey. Napangiti na lang din ako sa kanila. Hindi na rin nagtagal ang palitan nila ng komento tungkol sa akin. Inakay na nila ako sa dala nila ng vanity seat patalikod sa salamin. Ayon pa sa kanila bawal daw muna makita ang finish look kaya't sumang-ayon na lang ako sa kanila at hinayaan na sila sa kanilang beauty magic touch na mula rin sa kanilang bansag. Tatlo sila kaya't siguradong mapabibilis ang pag-aayos sa akin. May nagmake-up sa mukha, ang isa naman sa buhok ko at si tita Drey ang nagpasuot ng aking trahe de boda. Hindi umabot ng isang oras ay tapos na sila sa pag- aayos sa akin. Ayon pa nga sa kanila puwede nga hindi na ako lagyan ng kolorote sa aking mukhang dahil mas bagay daw sa akin ang natural lang na look dahil mas lumulutang daw ang tunay kong kagandahan. Timing naman ng matapos sila ay siyang pagpasok muli sa aking silid ni nanay Fely na may dalang breakfast ko. Inabot ko lang ang banana smoothie na ginawa niya at iyon na lang ang aking inubos na inumin. Hindi naman ako gutom kaya lang kailangan ko ng sapat na lakas upang magampanan ko ng maayos ang aking pag-aarte bilang substitute bride. "Nasaan po sila daddy at mommy, nay?," tanong ko kay nanay Fely na napansin ko ring nakaposturang-ayos din. "Nauna na simbahan hija...wow, napaganda mo talaga Bern...!!," hangang turan ni nanay Fely. "Salamat nay... mga titas puwede ko na bang makita ang mukha ko," tanong ko sa tatlong nag-ayos sa akin. Inuwestra na ako patayo at paharap sa vanity mirror. Napaawang ang labi ko sa napakagandang babaeng nasa harapan ko, She looks divine in her white gown. Her face speaks of simplicity and perfection. Kahit ako ay napahanga talaga sa aking make-up transformation. "Thanks my beauty fairies!! Ako ba talaga ito, hindi ako makapaniwala..heheheh," nasisiyahan king turan. "Your most welcome ganda... siya.. siya.. halika na at mahuhuli ka na sa kasal mo... bawal paghintayin ang groom..hehehe," inakay na ako ng tatlo pababa ng mansion dahil naghihintay na daw ang bridal car sa baba. Sa isip- isip ko ano ba naman itong si Mr. Fuentebella, may lahing insik? Ang daming pagpipilian na oras para sa aming kasal bakit naman napakaaga? Wala ba itong karomantiko- romantiko. Kadalasan kasi sa mga kinakasal mas pinipili ang dapit hapon ikasal kasi daw ang romantic ng ambience just like sunset wedding. Pero hindi pala kami typical na couple. We were strangers and about to engage in a force wedding. Hindi pala para sa amin ang ganoong kasal. Sa bagay baka mas pinili ni Mr. Fuentebella ang maagang oras kasi nga may sakit ito. “The best of luck, ganda… cross your fingers, kaya mo iyan… aja!!,” pampalakas loob na sabi sa akin ni tita Drey bago pa pinatakbo ng driver ng magarang bridal white car na sa hula ko ay pag-aari rin ni Mr. Fuentebella. This wedding seems so ununsual. Kakaiba sa lahat ni wala man lang abay o hindi ko alam ang miyembro ng entourage. Wala ring wedding invitation. This is my own wedding but I feel so estranged about it. Samu’t saring emosyong naghalo- halo na sa aking puso at isipan. Sa huli, isa lang ang dahilan ko upang panindigan na lang ng pagbabalat-kayo ay dahil sa walang katumbas na pagmamahal ko para sa aking pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD