HER POV
Pagkababa ng pagkababa ko ng sasakyan sa harap mismo ng simbahan ay siyang pagtunog ng kampana. Mag- isa lang ako sa sasakyan dahil si Nanay Fely ay sumama lang raw sa mga nag-ayos sa akin.
Nalula ako sa laki ng simbahan sa harap ko. Mas lalo akong nagpakurap- kurap ng aking mga mata sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha kahit pa may manipis na belo nakatabing sa aking mukha.
Sinalubong ako ng dalawang may edad na babae na sa tingin ko ay mga tagapaglingkod ng simbahan. Inayos nila ang mahabang belo ko at pati na rin ang laylayan ng gown ko sa likod.
“Mam dito po kayo tumayo, hintayin mo lang ang pagbukas ng pinto at dahan- dahan ka ng maglakad papunta sa dulo ng altar,” mahinang turo sa akin ng isang ginang.
Bilib naman talaga ako dito kay Mr. Fuentebella kahit na pilit at kontrata lang itong kasal na ito ay talagang pinaghandaan niya. Puwede naman sanang sa huwes lang o garden wedding o sa bahay na lang namin. Pero gumasta pa ng ganito ka bongga.
Kaya lang kahit gaano pa ka gara o bongga ang kasal kung wala namang pag-ibig sa isa’t isa ay kulang at hungkag pa rin ang kasayahan sa puso at isipan. Pero sa isang banda, tulad nga ng sabi nina daddy at mommy, maybe, there is a great purpose why I am here.
Siguro napakalungkot ng naging buhay ni Mr. Fuentebella, mayaman nga ito ngunit salat naman sa pisikal na hitsura at ang mas malala pa may sakit na. Siguro ay sinubsob nito ang sarili ng maige sa pagtratrabaho kaya’t napabayaan nito ang sarili. Marahil din dahil pangit ito kaya’t walang pumapatol rito kaya’t ginamit na lang nito ang kapangyarihan upang makabili ng mapangangasawa.
Ang masaklap pa ay sa dinaramj- rami ng babae sa mundo ay ako pa talaga ang nakatadhanang makatuluyan nito. Kahit tatlong buwan lang iyon ay tila napakatagal na iyon para sa akin. Hindi ko alam kong makakayanan ko bang umarte at magpanggap na si Bianca.
Kahit pa parehong-pareho ang aming wangis ni Bianca ay hindi kami magkatulad ng pag-uugali. Sana naman ay hanggang pangalan lang ang pagkakakilala ni Mr. Fuentebella kay Bianca kasi kung marami na itong alam tungkol sa ugali at katangian ng kapatid ay talagang magtataka ito kapag ibang Bianca ang makakasama nito.
Okay lang sa akin na alagaan ko si Mr. Fuentebella pero sana hindi ito tulad ng ibang may sakit na bugnutin at iritable. Ipinagdarasal ko na bigyan ako ng Diyos ng mahabang pasensiya na pakisamahan ang pangit at maysakit kong mapapangasawa.
Bilang pagtanaw ko na rin sa kanya ng malaking utang na loob sa pagsalba sa aming pamilya sa kabagsakan at kasawian. Mabuti pa rin ang Panginoon dahil may isang tulad ni Mr. Fuentebella. Kung iisipin, it is a win- win situation na pareho silang magbebenipisyo sa forced marriage na ito.
Bumukas na ang malapad na pinto ng simbahan at sumenyas na ang ginang na mag-umpisa na akong humakbang ng dahan-dahan. Nalula ako sa mahaba at malapad na pasilyo papunta sa dulo ng altar.
Nabighani ako sa napakagrandiyosong pagkakaayos ng mga puti at preskong rosas sa magkabilang gilid ng pasilyong daraanan ko. The design is intricately divine and melodramatic. Pati ang palamuti at dekorasyon ng grand entourage ko ay talagang pinagkagastusan ng lubos.
Okay lang naman sa akin ang pinakasimpleng kasal total hindi naman kami nagmamahalan ng groom ko. Hindi na kailangan pa ng ganitong set-up sa loob- loob ko. Pero sa ibang banda, naisip ko hindi nga pala simpleng mahirap ang pakakasalan ko.
Baka naisip ni Mr. Fuentebella, total mamamatay na rin siya ay lulubos- lubusin na lang niya ang pagasta ng bilyones niya. Bago nga ako nagtungo sa aking silid lagabi ay pinakita at sinabi nga ni daddy na bayad na ang utang nila sa bangko.
Binayaran na nga ni Mr. Fuentebella ang utang nila sa bangko na nagkakahalaga ng limang milyon. Hindi ito maliit na halaga para sa taong naghihikahos pero sa groom to be ko ay tila bumili lamang ito ng kendi sa tindahan. Ganoon ito magtapon ng salapi.
Kagabi ko rin nakita ang agreement documents na may lagda ng aking mga magulang, Mr. Fuentebella at ni Bianca. Ang kasulatang kailangan kong gampanan ngayong araw. Maging si Bianca Cruz mula ngayon hanggang tatlong buwan ng pagsasama namin ni Mr. Fuentebella.
Habang dahan- dahan na naglalakad sa pasilyo ay wala ring humpay sa pagkabog at tahip ng aking dibdib. This is really is it. No turning back. Para sa aking mahal na mga magulang at para sa pag-ibig.na ipinaglaban at mas pinili ni Bianca ay gagawin ko ito.
Ilang hakbang palang nga ang nagagawa ko ay parang kay bigat bigat na ng pakiramdam.
As though, I am walking through my death sentence. Ngayon ang aking sentensiya. Pakiramdam ko ay pagbabayaran ko ang pagkakasalang hindi ko naman ginawa.
Hindi ko maggawang ngumiti. Dapat nga parang lumulutang sa alapaap ang dapat kung maramdam tulad ng ibang babaeng kinakasal. Napakasuwerte ko nga dahil pinagpala pa rin akong makasal kahit isa lamang itong pilit at parte ng kontrata.
Lahat ng dalagang kababaihan ay pangarap na mabigyan ng ganitong pagkakataon na engrandeng makasal. Naalala ko ang mga kaklase ko sa high school at college na maagang nakapag-asawa at hindi man lang nakasal ng maayos kung baga kasal na lang agad sa banig.
Naniniwala pa rin kasi ako sa sanctity ng marriage. Kasal muna bago s*x. Pero sa mga kaklase ko sa noon, normal na lang sa kanila ang pre- marital s*x. Hence, kahit pa we are living in a modern society, hindi pa rin nawala sa sistema ko ang tinuro sa akin ng aking abuela at abuelo na pahalagahan ko ang aking pagkakababae.
I am proud and loud virgin at my age of 22, ni halik o hawak sa kamay ng isang lalake ay hindi ko pa naranasan. Hala! Mali pala, dahil noong isang gabi ay hindi na nga pala ako birhen dahil sa aking panaginip.
Tila kasi totoong- totoo ang pag-angkin sa akin ng lalake sa aking panaginip. Kung siguro iyong estranghero sa aking panaginip ay si Mr. Fuentebella ay pihadong mauubusan ako ng lakas at katas sa taas ng libido nito sa pakikipagtalik.
Ngunit kabaliktaran ang lahat. Imposibleng may lakas pa si Mr. Fuentebella na angkinin ako dahil malapit na nga mamatay at malubha na ang sakit. Pihadong papakasalan lang ako nito upang may mag-alaga rito. Iba naman kasi ang pag-aalaga ng asawa kaysa sa katulong.
But I am not the typical wife to be na mahal ang aking magiging asawa. Kakayanin ko bang mag-alaga ng taong may sakit lalo na ang isang unusual groom to be? But for the sake of love of family ay lulunukin ko na ang lahat, bahala na ang Diyos sa akin.
Hindi ko pa natatanaw ang aking mga magulang pati ang mga bisita na dumalo sa kasalang ito. Walang katao- tao akong natatanaw. A romantic wedding song flaunts the air inside the church pero hindi ko ito ramdam ang romantikong kahulugan nito.
My eyes bewildered with the flashes of flickering lights na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Wala naman akong natatanaw na videographer or cameraman na nakatutok sa aking wangis. Hinigpitan ko na lang ang paghawak ko sa aking fresh white roses boquet na tila doon ako kumukuha ng lakas upang ipagpatuloy ang paglalakad ko.
“And all along I believed I would find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more,” the wedding song played echoed in my mind and heart.
Napakamadamdamin ng awitin para sa dalawang nilalang na ikakasal pero sa amin ni Mr. Fuentebella ay kabaligtaran ito. Pareho kaming estranghero sa isa’t isa. The song is void of meaning. Kung ako ang pipiliin ay dapat wedding march na lang ang pinagtugtog hindi itong may liriko pang patungkol sa pag-ibig.
Naiinis ako sa loob- loob ko. Ang dami pang seremonyas at paganito pang drama. Anyways, pagbibigyan na lang kita Mr. Fuentebella sa ano ang trip mo sa buhay. Ganito siguro kapag malapit ng mamatay lahat ay gagawin para sa ikakasaya sa natitirang araw na lang dito sa mundo.
It seems as though, Mr. Fuentebella is a romantic guy kung hindi lang ito may taning na ang buhay. Iisipin kung perpektong- perpekto na ang wangis nito sa aking isipan. Planning and making this kind of wedding is truly a dream come true.
Dapat namnamin ko na lang itong pagkakataon. Minsan lang itong mangyari sa buhay ko. After three months this would be over. Mr. Fuentebella will left me a beautiful memory —- of this kind of wedding. He would be gone and I will be left as the widower of him. Hindi pa nga ako nakakaabot sa altar at wala pa nga ang seremonyas ng kasal ay pinapatay ko na kaagad sa aking isipan ang aking groom.
Nangangalahati na ako sa paglalakad nang matanaw ko sa dulong unahan ko ang aking mga magulang. They were both dress- up so perfectly. Si mommy ay nakasuot ng Maria Clara gown na kulay krema at si daddy naman ay nakabarong na kakulay rin sa kasuotan ni mommy.
Nakapaskil ang malapad nilang mga ngiti at nagniningning ang kanilang mga mata habang nakatunghay at naghihintay sa akin sa magkabilaang- gilid ko. Napatango ako sa kagalakan na makita ko ang kasayahan sa pagmumukha nila.
Nang makarating ako sa tapat nila ay pareho ko silang niyakap. Nag-usal ako ng pasasalamat sa kanila.Ganun din sila sa akin. Naiiyak ako pero pinigilan ko ang aking sarili. Bagkus matapos naming magyakapan ay hinalikan ko ang bawat isa sa kanila. I love my parents so dearly.
Matapos ang sandaling pagpapaalam ko sa kanila bago ako tuluyang makasal kay Fuentebella ay pinagitnaan na ako ni mommy at daddy at sabay na nila akong hinatid sa altar ngunit tila malayo pa pala iyon sa kinalalagyan namin.
Hindi ko pa rin maaninag ang groom ko. Baka lang siguro dahil parang lumalabo na aking paningin dahil sa umuulap na ang paligid ng aking talukap dahil sa mamasa- masa kong mga mata.
“Haist… Bernadette… kaya mo iyan, nandito ka na, wala ng sukuan ha?,” sabi ko sa aking sarili.
“Relax… Bern, ang lamig lamig ng kamay mo… be happy, hija… ,” mahinang saad ni daddy sa tabi ko.
“Oo nga dy… hija… okay ka lang ba?,” nag-alalang turan naman ni mommy sa kabilang side ko.
“Dy… My… don’t worry okay lang po ako, don’t worry about me, kaya ko to!,” rason ko naman.
Malayo-layo na rin ang nalakad namin ni mommy at daddy nang matanaw ko ang isang lalakeng makisig nakasuot ng tuxedo. Bigla akong kinabahan. Ito na nga ba si Mr. Fuentebella. Mukha namang walang sakit.
Hindi ko masyadong naaaninag pa ang kanyang buong mukha dahil nakaside-view ito. Mukhang maskulado ang naturang lalake. Matangkad at may balbas ang ibabaw ng bibig. Maya-maya ay humarap ito at tumingin ng direkta sa amin.
Ngumiti ito ng napakalapad sa amin at tila may sinasabi na hindi ko maintindihan. Akala ko ay bata pa ito pero ng makita ko ang buong mukha nito ay halatang may edad na rin mukhang nasa late forties na ito. ito na nga na ba si Mr. Fuentebella? Haist… hindi naman ito pangit, hindi naman kagwapuhan pero hindi ko pa rin type ang hitsura nito para maging asawa ko ng tatlong buwan.
He is just a typical middle- aged man. Maybe, he looks okay from his outside look pero may sakit nga raw ito. Hindi ko inaasahan na malakas pa pala ito sa kalabaw mukhang mapapalaban pa ito sa akin. I can’t imagine myself, giving up my virginity with this man in front of me.
“Oh my gosh!No!!! It can’t be!,” dabog
ko sa loob loob ko, saklap naman talaga ng buhay ko, ito pang mukhang tatay ko na ang makakauna sa aking kiffy na alagang- alaga ko.
Mas nawindang ako ng biglang umatras patalikod ang inaakala kong si Mr. Fuentebella at bumungad sa akin ang isang lalakeng nakaupo sa wheel chair. Ang puso kong malalaglag na sobrang disappointment ay biglang nasalo ko muli. Hindi pa pala iyon ang groom ko.
The ugly and dying Mr. Fuentebella is there. sitting in a wheel chair. Nakatalikod at nakaduko ito na tila nahihiya sa hitsura o di kaya’t hinang-hina na. Pansamantala akong napakalma. At least, safe at ligtas ang aking kiffy dahil wala ng lakas itong makipagtalik pa sa akin.
My groom is really unusual but it was really what I expected to see. Hindi iyong kanina. Diyos ko…!!! Aatakihin ako ng asthma kong iyong lalakeng iyon si Mr. Fuentebella. Handa na akong magpakasal kay Mr. Fuentebella lalo na ngayong nakita ko na ang tunay niyang kalagayan. Imbes inis ay naawa tuloy ako sa kanya. Baka nga talaga, plinano ng Diyos na mapangasawa ko siya upang kahit maikling panahon ay mapasaya ko siya sa aking presensiya.
I glanced side by side to my parents to bid good bye and blessings one last time bago tinuon ko na ang aking tingin sa aking groom. But I was shocked to see my groom stand up straight from his wheel chair. He has a broad shoulder and perfect back physique.
Mas lalo pa akong nawindang nang humarap ito sa amin at humakbang papalapit sa akin. The man in front of me is super duper hunk na tila nililok sa pagkaperpekto. Is this for real? Is this the real Mr. Fuentebella? Napakurap- kurap ako ng aking mga mata, baka sakaling namamalik-mata lang ako.
Hindi pa ako nakuntento kaya’t ipinikit ko ang aking mga mata ng matagal bago binuksan muli kasi baka nanaginip lang ako. Pero pagbukas ko ay halos ilang pulgada na lang ang layo ng aming mga mukha sa isa’t isa.
“No one else sees me personally except you my lovely bride… Please to see you, Bianca Cruz… I am Benedict Fuentebella, your groom… now, let’s get married!,” baritonong boses ng lalakeng nakangiting nakatunghay sa akin tila amuse na amuse itong nakatitig sa akin.
“Of course, Mr. Fuentebella, my daughter here will marry you, please take good care of her,” narinig kong wika ni daddy sa aking tabi dahil tila na star struck ako sa kakisigan ng lalakeng nasa harapan ko.
“I will… thank you!,” tipid na anas nito sa aking mga magulang at kinabig nito ang aking isang kamay upang akayin na ako sa harap ng altar.
“Close your mouth, my lovely bride or else I might not control myself I will kiss you right now!,” mahinang usal nito sa gilid ng aking taenga na naghatid agad ng kakaibang kiliti sa aking kaibuturan.
Agad akong napatikom ng bibig. Napahiya ako sa kanya. Baka isipin ng lalakeng ito na hangang- hanga ako sa kagwapuhan niya. Oo naman talaga kasi!!! Sinong mag-aakalang ang Mr. Fuentebella na pangit at mamatay na dahil sa malubhang sakit ay heto katabi ko malakas na malakas at pihadong agaw pansin kaninuman dahil sa taglay nitong kagwapuhan na tila mala-prinsipe ang datingan.