HER POV
TRIGGER WARNING!!!
SEXINESS AND KILIG OVERLOAD!!!
BAKA MABASA ANG KIFFY MO, READ AT YOUR OWN RISK!!!
“You… Benedict Fuentebella… do you take Bianca Cruz here, as your lawful
wedded wife?,” anas ng pari sa groom ko.
“Yes I do!,” malakas at walang pag- alinlangang sagot ni Mr. Fuentebella.
“For richer or poorer?,” dagdag ng pari.
“Yes I do!,” sagot agad nito.
“In sickness and in health?,” muling usisa ng pari.
“Definitely yes I do!,” walang humpay na ngiti at pagpapacute ng groom ko sa harapan ko at kumindat pa ito ng nakakaloko.
“Till death do you part?,” huling tanong ng pari sa lalakeng kulang na lang ay lapain ako sa mga malalagkit nitong titig sa akin.
Tila naman walang himpis sa pagkabog ng puso ko sa bawat maikling katagang sinasagot nito sa pari. Kahit pa pangalan ni Bianca ang tinutukoy ng pari kung tinatanggap ba ni Benedict na maging kabiyak pero dahil ako ang naririto sa harapan niya kaya’t para akong lumulutang sa alapaap.
This is unbelievable. Gusto ko man sampalin ang aking pisngi upang maggising sa aking magandang panaginip ay hindi ko na gusto pang maputol pa dahil gustong- gusto ko na ang nagaganap ngayon sa aking buhay.
“Wifey… your answer… father is waiting for your answer… don’t stare at me like you want to be laid… later we will do that…
tssk…don’t rush… say it I want to hear it my lovely bride!,” mahinang bulong sa akin ni Mr. Fuentebella na hindi ko narinig na turn ko na palang sumagot dahil nga ay napatulala na naman ako sa napakagwapong nilalang na nakita ko sa tanang buhay ko.
“Ahmnnn… of course..!!,” yakag ko ng sapuin niya ang dalawang kamay ko at dalhin sa gitna namin dalawa kaya’t magkahugpong na ang mga kamay namin sa isa’t isa.
“Ah…inuulit ko… Bianca Cruz… do you take Benedict Fuentebella here as your lawful wedded husband?,” mariing turan ng pari sa akin.
“Ahmmm…yieeeh… ssssh…I… do..,” may kung ano kuryente akong nadama sa paglapat ng mga balat namin ni Mr. Fuentebella.
“Umayos ka Bernadette!!! Haist!!! Ano na lang ang iisipin niya sa iyo… huwag kang padadala… haist!!,” kutas ko sa aking sarili dahil kahit mga kamay lamang ang magkahugpong ay tila sinasaniban na ang aking katawang lupang maharot.
“For richer or for poorer?,” dagdag pa ng pari.
“Uhmn.. ah.. yes!!,” he made a circling movement of his fingers inside my palm that sent tremors and electrifying sensation inside me,haist ano ba itong si Mr. Fuentebella may lahi pa yatang masahista natumbok nito ang sensual spot ko.
“Please stop it!!!,” mahina kong bulong.
“Hmp… I am just testing how sensitive you are my lovely bride, I know you are oozing wet down there!,” mahina nitong bulong sa aking taenga na ikinapantig ng aking pandinig.
Gusto ko man sumalungat sa sinabi niya ay napipilan ako dahil sa totoo naman ay tila namasa ang undies ko na katerno pa ng brassiere ko na pinasuot pa ni tita Drey sa akin kanina inaayusan nila.
Kasali daw ito sa package ng wedding gown ko. Hindi ko naman binusisi pa ang mga undergarments na pinasuot ng bakla sa akin. Basta alam ko lang na kasyang- kasya ang panty at bra sa akin na tila alam na alam ni Mr. Fuentebella ang sukat ko.
“Mr. Fuentebella… maari bang tapusin muna natin ang seremonya.. mamaya munang papakin iyang bride mo!,” madiin at sarkastikong turan ng pari.
Agad ding dumeretso ng tindig si Mr. Fuentebella na parang wala lang siyang maharot na sinabi sa akin. Mabuti nga ang pari na ang sumaway sa kanya kasi parang hindi ko na kayang pahintuin ito sa kanyang panghaharot sa akin.
“I do!,” marahan kong sagot sa huling tanong ng pari sa akin.
Pahapway akong napabuntong-hininga. Sa wakas ay natawid ko ang palitan namin ng “I do” ni Mr. Fuentebella. Mabuti na lang at nagbehave na ito kaya’t nakontrol ko na rin ang aking nagreregodong dibdib.
“Bueno… ngayon naman ay pakikinggan natin sa harap ng Diyos ang palitan ng panata ninyo sa isa’t isa… Benedict ikaw muna ang maauna,” nagtaka ako sinabi ng pari bigla ako nataranta dahil kailangan pa ba iyon sa amin, hindi naman kami totoong couple o nagmamahalan.
Tumikhim si Mr.Fuentebella na tila humugot ng lakas upang makabuelo sa dapat nitong sasabihin kung mayroon nga pa itong inihandang personal na mensahe para sa akjn.
“My dear lovely bride… Bianca Cruz, it must have been love when I first saw you because finally, I have brought you here now with me. This wedding is a fulfillment of my ultimate desire to have you alone with me. From this day forward, I would never let you go because you are mine now. Chasing after you is over, now starts our new bond of love … you and me, my love… mio amor, Bia… I have love you from afar before and still I love you still more and more that we are united in marriage today,” madamdaming saad pa ni Benedict sa aking harapan na pati mga mata nito ay nangungusap ng buong pagmamahal at katapatan.
Hindi ko mapigilang mapaluha sa pagtatapat ng pag-ibig ni Benedict na saksi ang aking mga magulang at ang paring nagkakasal sa amin. Naiiyak ako dahil ang sweet at sinsero pala si Mr. Fuentebella. Hindi niya deserve na lokohin. Nanlulumo ako sa aking sarili sa pagiging sinungaling ko sa harap pa naman ng Diyos.
Pero narito na ito gusto ko mang umatras ay hindi na puwede. Masisira ang reputasyon naming magpamilya at mawawala ang lahat sa amin pati na rin ang aming dignidad. Napahikbi ako sa sitwasyong kinasasadlakan ko. Hindi na ako puwedeng tumakbo, heto na ito ako na si Bianca Cruz ngayon at ako na ang asawa ni Mr. Fuentebella.
Hindi na ako nakapaglahad ng aking panata kay Mr. Fuentebella dahil hindi na nga ako matigil sa pagluha. Ang akala ng aking groom ay luha ng kasayahan pero sa loob- loob ko ay luha iyon ng konsensiya. Hindi ko matiim sa aking sarili ang manloko ng tao.
Kailangang may gawin ako upang maayos ko itong gusot na napasukan ko. Hindi puwedeng habang- buhay na lang akong impostora at magtago sa anino ng aking kapatid. Naisip ko pagkatapos ng kasalang ito ay ipagtatapat ko rin kay Mr. Fuentebella ang katotohanan. He deserves to know the truth.
“By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife… now, Mr.
Fuentebella, you may now kiss your bride!,” nangingiting wika pa ng pari.
Nangininginig ang mga kalamnan ko habang dahan- dahang binubuksan ni Mr. Fuentebella ang belo ko. Hindi ko maggawang iangat ang aking mukha at takot. Nang mailagay niya na ang belo sa likod ng aking ulo ay naramdaman ko na lang ang isang kamay niya na hawak na aking baba at iniangat ito kaya’t agad nagtama ang aming mga mata.
His eyes were enigmatic. Hindi ko matukoy kung ano ang ipinapahiwatig ng bawat titig niya sa buo kong mukha. Pero hindi rin naglaon ay sumilay ang kislap at tuwa kasabay ng paglapad ng kanyang ngiti sa akin.
“You are much beautiful my wife today, so fresh just I had imagined you to be,” wika pa nito at kinuha ang isa kong kamay na nanginginig at hinagkan ang harap nito.
“Relax, my wife… Oh… Bianca… my lovely bride!, I am yours forever and so you are with me,” biglang lapit ng kanyang mukha sa akin na halos naaamoy ko na ang kanyang mabangong hininga.
This is it really is it. Mamahalikan niya na ako. He will be my first kiss at sana siya na ang huli pero imposibe dahil si Bianca naman talaga ang pinakasalan nito. I am just a substitute bride. No more. No less. Alam kong hindi ako mapapatawad ni Benedict kapag nalaman niya ang totoo.
Kaya’t nanamnamin ko na lang itong pagpapanggap ko. And it will start with this first kiss. Ako na ngayon si Bianca Cruz. Susubukan kong magpanggap hangga’t kaya ko pa. Bahala na bukas. Bahala na!
Heto na talaga iyon maglalapat na ang aming labi sa isa’t isa. Nanginginig man ay may kilig na sumingaw sa kaibuturan ko. Magkaroon ba naman ako ng instant husband na kasing kisig nitong nasa harapan ko.
Kahit sinong babae ay talagang mapapatili. Hindi rin ako epokrita para hindi amining nastarstruck talaga ako sa kagwapuhan ni Benedict Fuentebella. Napapikit na lang ako ar hinintay ang sandaling ilalapat na ni Benedict sa aking labi ang kanya ngunit naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang kamay sa magkabilaang pisngi.
He is brushing off my tears there. I just let him do that and I just let myself feel the soothing and breathtaking sensation envelops me. Napakagaan ng pakiramdam na tila natutunaw agad ang aking nerbiyos at kaba.
His hands partly calmed my being. He cupped my face matapos niyang punasan ang mga luha sa pisngi. Hindi ko maggawang imulat ang aking mga mata. Kung panaginip lang talaga ito ay ayaw ko ng magising pa. Malapit na talaga niya akong mahagkan just what I dreamt of with the stranger man.
Mamahalikan na talaga ako. Seconds passed yet as if I am waiting in eternity. Tulad rin ng estranghero sa aking panaginip ay hindi rin ako hinagkan ni Mr. Fuentebella sa aking labi kung hindi sa aking noo. It was a sweet endearing kiss.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung maiinis o magtatalon sa tuwa dahil birhen pa rin ang aking labi. Ang inaasam ko ay hindi natuloy bagkus halik lang sa noo ang natanggap ko ky Mr. Fuentebella. Haler! Asawa niya na ako dapat kiss sa labi hindi sa noo.
Maybe, he respected me with what he said in his vows. Asawa niya na ako ngayon at magsasama kami habang buhay at hindi na daw niya ako pakakawalan. Baka inisip ni Mr. Fuentebella na hindi muna ako biglain. Hindi nga naman kami tipikal na magrelasyon bago ang kasal.
Baka naramdaman din ni Mr. Fuentebella ang pagkailang ko sa kanya kaya baka sa noo na lang niya ako hinagkan. Kinutasan ko ang aking sarili kung bakit naghihinayang na hindi ako nahalikan ng groom sa labo. Dapat alalahanin ko na nagpapanggap lang ako.
Ang panata nito ng walang hanggang pag-ibig ay hindi talaga para sa akin kung hindi para kay Bianca. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, pilit na iwinawaksi sa isipan ang paghihinayang. Pagdilat ko ay nakangising mukha ni Benedict ang bumungad sa akin.
Binaling ko ang aking tingin sa harap namin upang pagtakpan ang pamumula ng aking pisngi sa kahihiyan. Batid kong naramdaman niya rin ang aking pagkadismaya. Nakangiti at nagpalakpakan ang aking mga magulang. At gaya ng pagmartsa ko papunta ng altar kanina ay nagkikislapang flashes ng camera ang aking nakikita ngunit wala naman akong nakikitang cameraman sa loob ng simbahan.
Lumapit ang isang middle-aged na babae sa amin na hindi ko alam saan nanggaling. Ito ang nagturo sa amin ng iba- ibang posisyon para daw sa pictorials. May kuha rin na kasama ang aking mga magulang.
Naramdaman ko na lang ang marahang paglapat ng isang braso ni Benedict sa aking baywang. He seems so possessive na tila natatakot na mawala ako sa kanyang paningin. Ang isang kamay niya ay hawak pa rin ang mga kamay ko hawak ang bouquet. Mga ilang posisyon iyon bago sinabi ng babae na okay na.
“Let’s go my wife,” bulong sa akin ni Mr. Fuentebella na ikinasinghap ko bakit ba tila nawawala ako sa tamang wisyo sa boses at pagdidikit lang ng aming balat.
“Where are we going?,” takang saad ko ng maipasok niya na ako sa puting bridal car.
“Don’t rush up… my wife… we will get there but by now, let’s have a private celebration with your parents,” malambing nitong anas ng magkatabi na kami sa backseat.
“Nasaan na nga pala sila mommy at daddy?,” balik kong tanong kahit pa medyo naiilang pa rin ako sa kanya.
Kinuha niya ang dalawang kamay ko at hinaplos haplos ito. Ni hindi ko maggawang iwaksi ito dahil parang nagugustuhan ko na rin ang kanyang pagkamalambing kahit sa totoo naman ay para kay Bianca ang lahat ng ipinapakita niyang kabutihan sa akin.
“They were following us, see?,” inuwestra niya ako sa likurang salamin ng sasakyan.
Una siyang tumingin sa harap at narinig kong sumenyas ito sa drayber ng kotse na umabante na. Napabuntong- hininga ako ng malalim. Ano ba itong napasok ko.Akala ko lang talaga ay magpapakasal ako sa isang pangit at may taning na ang buhay. Bakit naman kasi ubod ng gwapo at super yummy nitong katabi ko?
Sinikap kong kalmahin ang aking sarili at hindi na tumingin sa gawi niya. Pero pagkuway napapatingin pa rin ako sa kanya. Sino ba ang hindi kung ganito kagwapong nilalang ang katabi mo at nakahawak pa rin sa mga kamay mo?
Laking gulat ko ng mapalingon ako sa kanya ay halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa akin. Konti na lang talaga at maglalapat na ang aming mga labi. Halos amoy na amoy na namin ang bawat hininga ng bawat isa sa amin.
“There is something strange about you, my wife but I kinda like it,” pinisil nito ang aking ilong na lalong ikinamula ng aking pisngi akala ko ay hahagkan na talaga ako nito pero agad din binaling nito ang tingin sa bintana ng kotse sa gilid niya.
“Bokya ka na naman, Bern! Hayun na sana eh!,” maktol ko sa aking sarili at iniwas rin ang tingin sa bintanang nasa gilid ko.
Talagang pulang- pula ako sa hiya. Umasa na naman akong mamahalikan niya pero hindi pa rin nangyari. Siguro ako na lang ang magkukusa total legal na naman kaming mag-asawa. Pero baka isipin nitong si Mr. Fuentebella na atat na atat ako sa kanya. Haist!
Isa pa ay tila naramdaman nitong may kakaiba sa akin. Baka may napansin itong kakaiba sa Bianca na inaasahan niya. Pero hindi pa rin maalis sa isipan ko na si Bianca pa rin talaga ang mahal nito kaya’t gumawa ito ng paraan upang makasal sa kapatid ko.
Napakasuwerte pa rin ni Bianca dahil may isang Benedict Fuentebella na totoo pa lang umiibig dito. Hindi ko lang mawari at paano ni Mr. Fuentebella nakilala si Bianca. Kung iniibig nito si Bianca bakit hindi na lang ito nanligaw ng pormal at hindi dinaan sa kontrata? Sigurado naman ako na imay pag-asa ito kay Bianca. Ang daming katanungang naglalaro sa aking isipan na gusto kong malaman ang kasagutan. Pero kahit malaman ko pa hindi na mababago pa na naikasal si Benedict Fuentebella sa akin na isang impostora lang pala.