HER POV
“We are here, my wife!,” turan pa ni Benedict ng huminto na ang kotse sa harap ng matayog na steel gate.
Mamaya- maya lang bumukas ang gate kaya’t umabante na ang kotse papasok sa napakalawak na lupain na napupuno ng bermuda grass. Mga ilang metros din ang tinakbo ng kotse bago muli itong huminto sa harap mismo ng entrance hall ng matayog na gusali na hula ko ay mas malaki pa sa mansiyon namin.
Hindi na naghintay si Benedict na pagbuksan siya ng pinto ng drayber. Nauna na itong bumaba. Akala ko ay tutuloy na ito sa loob ngunit umikot pala ito upang pagbuksan ako ng pinto.
Inilahad nito ang isang kamay sa harap ko na tinanggap ko naman. Inalalayan niya ako palabas ng kotse at inilagay nito ang isang kamay sa baywang ko tulad kanina paglabas namin ng simbahan na halos dikit na dikit na ako sa kanya.
Namangha ako sa aking nakikita sa harapan ko. Hindi ordinaryong villa house ang tumambad sa akin. Kung may kalabisang salitang maglalarawan ay iyon na iyon. As if I am in a superstar or in a royalty house. Mas nagulat pa ako ng sumalubong sa amin ang mga kasambahay na naghilera ng linya sa magkaibilang gilid namin.
Habang papalapit kami sa mga ito ay isa isa itong yumukbo at nagbigay galang sa amin. Talaga ngang hindi ordinaryong tao ang napakasalan ko. Higit sa labing dalawang kasambahay ang sumalubong at nagbigay pugay sa amin.
Kami sa mansiyon ay dadalawang kasambahay lang ang mayroon at si Nanay Fely naman sa ancestral home na kasama-kasama ko sa tuwina at para ko na ring ikalawang- ina. Ngunit para sa isang Mr. Fuentebella ay kalabisan naman na mayroon siyang ganito kadaming tauhan sa villa niya.
Baka naman kasi marami kasama o pamilya si Mr. Fuentebella sa loob ng villa nito. Imposible naman siya lang ang pinaglilingkuran ng mga kasambahay niya. Puwede naman siguro iba- iba ang taga-gawa at asikaso sa pangangailangan nito.
Pero sa likod ng mapaglaro kong isip ay baka bukod sa akin ay may iba pang mga asawa si Mr. Fuentebella kaya maraming mga kasambahay. Posibleng mangyari iyon, sa gwapo ba naman itong napakasalan ko ay pihadong nagkakarandapa ang mga babae rito o hindi kaya womanizer itong napangasawa ko.
Pero sa ibang parte naman ng matuwid kong utak ay baka talagang magara at extrabagante, siyempre bilyonaryo ito. Ganoon naman talaga sa mga nababasa at nakikita kong mga teleseryes at mga nobela kaya nga hindi ako makapaniwala na nakikita ko nga talaga ang ganito sa totoong buhay ko ngayon.
“Aa—-ray!,” napahiyaw ako ng biglang pinisil ni Mr. Fuentebella ang ilong ko.
“Wake up, wifey… daydreaming,
huh? C’mon let’s get inside,” inuwestra niya ako papasok sa loob ng isang pinto.
I felt a pang of excitement as I entered a grand hall. I expected visitors and guests to be inside the room already pero nadismaya ako ng makita ko ang malapad na dining table na halos singkwenta katao ang puwedeng umukupa ngunit wala kasing taong nakaupo roon.
Nang makalapit kami ay pinaghila niya ako ng upuan at tumabi siya sa akin sa punong ulo ng lamesa.Nang naupo na ako ay doon ko lang napansin ang maayos na pagkakaayos ng lamesa. Gold and brown ang motif ng kubyertos at mga kagamitang maayos na nakalapag sa mesa.
Apat lamang na sets ng kubyertos na nakaayos. Ang ibig sabihin pala ay maliban sa aming dalawa ay dadalawa lang ang panauhin sa aming reception. Naalala ko sina mommy at daddy.
“They are here!,” wika pa ni Mr.
Fuentebella kaya’t iniangat ko ang aking ulo at sinundan kung saan siya nakatingin.
“Have a seat Sir…Mam..,” may galang na saad ni Mr. Fuentebella na tumayo pa at inuwestra ang aking mga magulang sa kanilang mga upuan.
“Thanks Mr. Fuentebella… there is no need for formality… maari ka ba naming tawaging anak… hijo…,” si mommy ang unang bumasag sa katahimikan ng pareho na kaming settled sa aning kinauupuan.
“It is my pleasure… please call me by my first name, mom!,” nakangiting sagot ni Benedict kay mommy.
“Welcome to our family, son.. we are so grateful for your kindness and help,” dagdag pa ni daddy.
“It is small thing, dad compare to what you gave me, your cherished and loved daughter is finally mine!,” pahayag pa ni Benedict na inabot ang aking kamay at hinagkan ito kaya muli na naman akong namula sa kilig at hiya.
“Haist, ano ka ba Mr. Fuentebella, huwag namang sobrang sweet baka matunaw ako niyan!,” usal ko sa aking isip na kahit hilain ko na paalis ang hawak niyang kamay ko ay hindi niya pa rin ito binibitawan.
Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa ganitong klaseng lalake, complete package na nga, wala ka ng hahanapin pa. Pero kailangang pigilan ko ang aking sarili dahil hindi naman talaga ako ang tunay nitong pinakasalan at iniibig. Sana lang talaga mapanindigan ko ang aking pagpapanggap at ang hindi magkagusto sa kanya dahil pag-aari talaga siya ni Bianca.
“Oh, by the way, son, where are your parents or families? Bakit kami lang ang naririto? Hindi ba nila alam na kasal mo ngayon?,” usisa pa ni mommy na parang na intriga din sa unusual reception na kinalalagyan namin ngayon.
“I am afraid they can’t come. They are very busy and private persons so do I. I intended this solemn and intimate lunch with only the four of us and nobody else,” his jaw clenched in determined mood.
“Ah I see…!,” pagtugon ni daddy na tumango na rin.
Mamaya-maya ay inabot ni Mr. Fuentebella ang isang bagay sa mesa na isa pa lang maliit na kampana. Pinatunog niya ito at agad naman nagsilabasan ang mga kasambahay na parepareho ang uniporme na bitbit ang mga pagkain.
“Bon Appetit!,” sinerve na ang unang course ng meal.
Hindi man ako sanay sa ganitong klaseng kainan dahil hindi naman ako lumalabas at umaaten ng mga pagdiriwang ay sinubukan kong makiuyon na lang din. Kung may palitan naman ng salita ay mula iyon kina mommy at daddy at paminsan- naman nakikisali si Mr.Fuentebella sa kanila.
Ako naman ay kinakain lang pakonti-konti ang inalalagay nito sa aking plato. Hindi man lang ako nakaramdam ng gutom at takam kahit pa smoothie lang ang ininum ko kanina. Kasi naman paano kakain ng maayos kung bawat subo ko ay titig na titig sa akin ang katabi.
Bumitaw man ito sa paghawak sa kamay ko ay hindi naman nito pinalagpas ang pagmasid sa akin habang kumakain ako. Tuloy hiyang-hiya akong ibuka ang aking bibig upang makakain ng maayos. Ano ba naman kasi ito makakatitig parang hinihigop na nito ang buong lakas ko.
“Wifey, why aren’t you eating much? we have a long fight later,” bumulong ito sa akin kaya’t nabilaukan at nasamid ako sa aking kinakain.
Dali- dali naman nitong inabot ang isang basong tubig na ininum ko kaagad. Haist, sinasabi ba nitong masasabak na kiffy ko sa bembangan mamaya! Haist…!!! Sunod- sunod akong napalunok sa kaisipang iyon.
“Uhmn… I am quite okay.. busog pa kasi ako!,” alibi ko pa ng hindi pa rin binibitawan ang baso at panakanakang sumisimsim dito.
“Hija… kumain ka ng maayos para may lakas ka anak, talagang mapapagod ka nitong asawa mo,” pagbibiro pa ni daddy.
“Dad… naman!!,” bigla kong simangot.
“Kidding aside, hijo… pinagkakatiwala na namin sa iyo ang aming anak… ikaw na bahala sa kanya, huwag mo sana siyang sasaktan!,” seryosong sabi pa ni daddy na natapos na rin sa kanyang pagkain.
“She is safe here with me. Ako na bahala sa kanya. I will take care of her. Makakaasa kayo sa akin!,” determinadong balik tugon ni Benedict na umakbay pa sa akin.
Maya-maya ay sinerve na ang wine matapos kaming kumain. Halos konti lang talaga ang nakain ko. Pinilit pa ako ni Benedict na ubusin ang pagkain ko pero tumanggi na ako. Nakipagkuwentuhan na si daddy at Benedict tungkol sa negosyo. Kami naman ni mommy ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.
“Well, we are family now, anything I can help I will give for my wife’s happiness!,” inuwestra ni Benedict ang kopita na may wine sa ere.
“For both of your happiness, cheers!,” sumangyon din si daddy na nakipagtoss.
Kami ni mommy ay itinaas lang ang aming kopita sa ere at nakipagsabayan din sa mga kalalakehan sa pag-inum ng wine. Konti lang ang sinimsim ko dahil hindi talaga ako sanay sa alak.
Madali lang natapos ang kuwentuhan at palitan ng kuro-kuro namin. The next thing I knew is nagpapaalam na ang aking mga magulang kay Benedict. Bigla akong naalarma. Ibig sabihin ay iiwan na nila kaagad sa napangasawa ko. Ganoon lang kadali. Wala bang break or recess muna?
“Hija… huwag kang mag-alala mabait naman pala ang napangasawa mo at isa pa gwapo at hindi pa mamatay malay mo siya na ang nilaan ng Diyos para sa iyo!,” sabi pa ni mommy ng magkasarilinan na kami ni mommy sa grand showroom ng villa kung saan kani dinala ng isang kasambahay dahil nag-usap pa ng sarilinan si daddy at Mr. Fuentebella sa pribadong opisina nito.
“My… alam mo namang nagpapanggap lang ako at alam naman natin si Bianca ang gusto nito at hindi ako!,” mariin kong saad.
“Shhh… watch your mouth.. Bee… Bia..!,” hindi na nito naituloy pa ang sasabihin dahil sinalungat ko na kaagad.
“Sasabihin ko sa kanya ang totoo my, he deserves to know the know the truth!,” kumbinsi ko sa kanya.
“Iyan ang huwag na huwag mong gagawin hija. Baka pagsisihan mo. Sayang naman ang nasimulan na natin. Hangga’t hindi pa rin nagpapakita ang kapatid mo ay mananatili ka sa puder ng asawa mo. Sana tuparin mo ang pangako mo sa pagtulong sa amin!,” pangungunsensiya pa ni mommy.
“Paano kung biglang magpakita si Bianca paano ako? Saan ko pupilitin ang sarili kung maibigay ko na ang aking sarili sa kanya? Hindi ko naman akalain na kabaligtaran pala ang inaakala natin kay Mr. Fuentebella,” himutok ko pa.
“Saka na lang natin iisipin kung ano ang susunod nating hakbang kung nariyan na ang kapatid mo, kung maaari hija huwag mo munang isuko ang bataan mo, gumawa ka ng paraan na hindi kayo magtatabi sa pagtulog,” mungkahi pa ni mommy sa akin.
“Puwede ba iyon? Sa lagkit ng titig nun sa akin halos gusto na nga akong lapain, mukhang baliw na baliw talaga kay Bianca si Mr. Fuentebella!,” naguguluhan kong sabi.
“Aminin mo nga sa akin ang totoo.. Bern, gusto muna ba ang napangasawa mo ngayon?,” mas inilapit pa ni mommy ang kanyang sarili sa akin kaya’t wala na talaga akong kawala dahil kilalang- kilala ako ni mommy kapag ako hindi nagsasabi ng totoo.
“Hmp… my naman oh, huwag naman kayo makatitig ng ganyan sa akin!!! Epokrita ako kapag sabihin ko na hindi… My gosh, ang gwapo kaya my! Yummylicious as in super duper kaya sinong hindi hahanga dun pero my, hanga pa lang hindi naman umabot sa mataas na level,” depensa ko sa aking sarilu dahil totoo naman.
“Mabuti hija dahil mas komplikado ang sitwasyon mo kung mahuhulog ang loob mo kay Mr. Fuentebella. Kami rin nga ng daddy mo ay nabigla sa totoong katauhan ni Mr. Fuentebella. Pakisamahan mo lang siya ng mabuti anak at gampanan mo ang pagiging asawa sa kanya pero huwag na huwag mong ibibigay mo ang sarili sa kanya, umisip ka ng matibay na rason bakit ayaw mo pang magtalik kayo!,” prangkang mungkahi ni mommy sa akin.
Marami pa kaming pinag-usapan ni mommy. Mga paalala at paano alagaan ang asawa ar maging mabuting may bahay. Hindi rin nagtagal ay lumabas na si daddy at Benedict sa pribadong opisina nito na hindi ko alam saang parte ng villa dahil bigla na lang silang lumitaw sa harap namin ni monmy. Mabuti na lang ay iba na ang topic na pinag-uusapan namin.
“Sige hijo.. hija… mauuna na kami. Pagpalain nawa inyong pagsasama. Fuentebella, tulad ng bilin ko,huh!,” muling balik ni daddy kay Benedict at nagman hug ang mga ito.
Kung sana ay nag-umpisa kami sa maayos ni Mr. Fuentebella. Walang pagkukunwari at walang pag-iimbot ay sana ay kami na ang pinakaperpektong bagong kasal. Pero hindi. Tama nga ang sabi at paalala ni mommy sa akin na dapat idistansiya ko ang aking sarili kay Benedict dahil nagpapanggap lang ako.
Darating ang tamang panahon na babalik ang tunay nitong minamahal. Hindi biro ang sakripisyong ginawa nito upang makuha nito ang babaeng pinakainiibig nito at iyon ay si Bianca at hindi ako. Dapat ngayon pa lang ay alam ko na ang kinalalagyan sa buhay ni Benedict iyon ay isang substitute wife but not a real wife.
“Bye dy.. bye my..,” nagbeso- beso ako sa kanila, kahit gusto kong maiyak ay pinigilan ko na dahil tapos na ang drama at iyakan namin dapat ko ng gawin ang aking trabaho ang magpanggap sa katauhan ni Bianca.
Hinatid pa namin sina mommy at daddy palabas ng villa. Tanaw namin ang papalayo ng kotseng lulan nila. Masakit ang mapalayo sa kanila pero dahil nasanay na ako sa set- up namin ay hindi na masyado akong nag-alala pa.
Mas nag-alala ako sa aking puso at isipan na hindi sana masasaktan sa huli. Magagawa ko lang protektahan ang aking puso at isipan kung maglalagay ako ng harang at limitasyon sa pakikipaglapit sa asawa ko na ngayon. Pero paano, napakaimposible naman kasi!
“Wifey, go change your outfit! We will be late with our destination!,” wika pa sa akin ni Mr. Fuentebella ng makaalis na ng tuluyan ang kotse nila mommy at daddy.
Maya-maya lang ay bunungad sa akin ang may edad ng kasambahay at inilahad ang sarili na samahan akong magpalit ng damit. Sumama naman ng wala ng tanong tanong pa.
“Ang daming pasabog ng asawa ko. Saan kaya kami pupunta?,” tanong ko sa aking sarili habang papasok sa isang silid.
“Weew… hello ganda… pak na pak ang ganda na baby girl namin oh! Kumusta ano hitsura ni Mr. Fuentebella, pangit ba talaga kaya walang puwedeng bisitang makakita rito?,” curious na tanong ni tita Drey na nagulat rin ako bakit narito sila sa villa.
“Uhmnn..!,” bigla akong napaisip kung sasabihin ko ba ang totoong katauhan ng asawa ko sa huli ay huwag na lang.
“Ano uhmnn ?,” ganti nito.
“Siyempre pangit nuh!,” sabat naman ng isang bakla.
“Shhhh… dalian na natin.. ten minutes lang ang binigay sa atin para magchange outfit itong baby girl natin! Hala kilos na!,” ungat naman ng isa pang bakla.
Pinabihis na nila ako ng bagong outfit na naman. Naghihinayang ako sa wedding gown ko na napakamahal tapos hindi ko man nairampa ng maayos sa maraming tao. Parang for his eyes only talaga ang kagandahan ko. Naks naman ang sabihin ni Benedict ay baliw na baliw talaga ito sa kapatid ko.
“Wow… kahit saang anggulo girl, perfect pa rin as in perfect 10!,” tili ni tita Drey ng makalabas ako sa fitting room suot ang tailored cut na two- piece suit white slacks and sleeveless top.
“Para ka talagang modelo day!,” komento naman ng isa.
Inayos lang nila ng ponytail ang mahaba kong buhok at konting retouch ng make-up. Tenernohan naman ng white wedge ang kasuotan ko at may pa luxury bag pa na Hermes na kulay puti rin.
“Beautiful!,” mapanuring titig sa akin ni Mr.
Fuentebella mula ulo hanggang paa ng makaharap ko na siya ng dalhin ako ng kasambahay sa top floor ng villa.
“Kalma lang, Bern, bawal kang mafall sa asawa mo!,” paalala ko sa aking sarili kahit deep inside kilig na kilig na ako sa papuri sa akin Mr. Fuentebella.