SEVEN- THE UNUSUAL HONEYMOON

2655 Words
HER POV "Saan ba tayo pupunta ang sakit na ng paa ko sa kakalakad, sana pinagsuot mo na lang ako ng tsinelas o flat shoes!," reklamo ko pa kay Benedict nang ilang minuto na rin naming binabaybay ang makipot na daan na hindi ko alam kung saan patutungo. “Eh, kung kasi pumayag ka ng buhatin kita ay hindi ka na sana nahihirapan pa, Bia,” pinagdiinan pa nito ang pangalan ng kapatid ko. Ang sakit pala talaga kahit sandali pa pang kaming nagkasama. Ako kasama niya pero pangalan ng kapatid ko ang tinatawag niya. Siguro kailangan ko talagang sanayin ang aking sarili. Akala ko ay tatlong buwan lang ang pagtitiis ko. Mukhang matatagalan pa siguro hanggang hindi pa bumabalik si Bianca. Mabuti na rin ang ganitong naramdaman ni Benedict na takot at nabibigla pa rin ako sa biglaang pagpapakasal at paglalapit. Hahayaan kong isipin niya iyon. At least kahit papaano ay may gap pa rin kami sa isa’t isa. Bahala siya kung totohanin niyang liligawan at paamuhin niya ako. At least may dahilan ako na hindi pa dapat mangyari ang dapat mangyari sa amin bilang mag- asawa. “Eh, sa ayaw ko nga!,” sabat ko. “Don’t be silly wifey! I knew you are tired already so please let me carry you!,” anas pa nito na huminto na tangka na naman akong buhatin. “Don’t you dare! Hindi ba’t nangako ka kanina na hindi mo na ipipilit pa ang gusto mo sa akin na handa kang maghintay kung kailan gusto ko ng makipaglapit sa iyo,” agad akong bumalikwas paatras sa kanya. My eyes were dead shot at him para ipakita sa kanya na seryoso ako sa gusto kong mangyari. Sa huli siya rin ang sumuko at itinaas ang dalawang kamay sa ere tanda ng pagsuko. “Alright now, Bianca… you win!!! Sige… sige kung iyan ang talagang gusto mo. I can’t force you with what I like. Naalala ko palang, napilitan ka lang makasal sa akin,” paawa pa nito. “Pero hayaan mo naman akong alagaan ka at ipakita ko sa iyo na nag-alala ako sa iyo, my dear wifey!,” pagpapatuloy pa nito. Hindi ako kumibo at tumingin lang sa ibaba dahil kapag nakita niya ang mukha ko ay baka mabasa niya ang kagustuhan at kasabikan kong pagdulutan niya ng pag-aalaga at pag-aalala. Kaya lang kailangan kong dumestansiya at magpakakitang hindi ako interesado dahil hindi puwede. Kasal lang kami hindi ang puso at kaluluwa namin ang pinag-isa. Kasal na kami pero si Bianca talaga ang mahal niya. “May mga paa naman ako para makapaglakad, kaya ko naman alagaan ang sarili ko atsaka hindi talaga ako sanay sa mga ipinapakita mo—-hayaan mo muna ako kung puwede…!,” “Even if it is impossible for me not to show you my care and love, I will try kung iyan ang talagang gusto mo. I respect your decision!,” malungkot nitong sabi at nagpatuloy na sa paglalakad. Alam kong na- upset ito sa akin pero ano ang magagawa ko. Ito lang ang paraan na alam ko sa ngayon upang maprotektahan ang aking sarili upang hindi tuluyang mahulog sa kanya at hindi na humantong sa sitwasyon na pagsisihan ko maisuko ko ang sarili ko sa kanya na sa asawa ko na. Sumunod na lang din ako sa kanya sa paglalakad. Bagsak ang balikat nito habang nauna na ito sa paglalakad sa akin pero hindi maitatanggi ang makisig nitong pangangatawan. Those muscular arms and broad shoulders na pinakananabikan ng mga kababaihan. Dumako ang paningin ko sa kanyang matambok na pang-upo. Hindi rin maitatanggi ang kisig ng pang-ibaba nitong pangangatawan. Matikas nitong biyas na tila isang atleta sa bawat hakbang ng paa nito lalo pang kaakit- akit na pagmasdan sa masikip nitong jeans. Haist! Walang tigil ang maharot na kaisipan sa paglalaro sa aking utak. Kinastigo ko ang aking sarili. Mali ang ginagawa ko. Pumikit ako at guminhawa ako ng malalim. Sa lupa ko na lang itinuon ang aking tingin upang hindi na ako makapag- isip pa ng masama. “We are here!,” deklara ni Benedict kaya’t napaangat ang tingin ko. I was captivated by the romantic and breathtaking site in front of me. It was a mixture of crimson red and orange sky above and blue ocean waves below and a green mountain in between. Nag-aagaw na pala ang dilim at araw na hindi ko napansin. Abala ako sa pagtago ng aking tunay na nararamdaman at pag-iwas kay Benedict na makalapit sa akin kaya’t nakaligtaan ko eenjoy ang napakagandang tanawin sa harap ko. Gusto ko pa sanang pumitas ng mga rosas at lumapit sa hardin kahit man lang sana makakuha ng mga larawan ng mga ito pero hindi ko na ginawa. Minsan lang ako makarating dito sana nilubos- lubos ko na. “Do you like it?!,” kuryoso nitong tanong nito sa akin. “Yes!,” hindi ko mapigilang sabihin dahil talagang mangha- mangha ako sa aking nakikita. Wala kasing ganitong tanawin sa probinsiya. Madalang lang din kami nagkakaroon ng beach outing ng pamilya. Madalas lang din ang oras ko ay ginugugol ko sa loob ng ancestral home. Sabi pa nga ng mga kaklase ko sa kolehiyo ay para daw akong mongha. “Come, let us have dinner, I am sure you are exhausted and want to relax!,” aya niya sa akin. Napalinga-linga pa ako sa aking paligid. Saan naman kami kakain at magpapahinga eh, bukod sa araw at dagat ay wala ng iba pang bukod tangi akong nakikita. “Let’s go there!,” turo pa nito sa akin na mukhang nahulaan yata nito ang aking isipan. Isang puting yate ang bukod tanging naroroon at may nakasulat pa na pangalan ni Bianca. Ang sakit hindi pala para sa akin. Sa bagay ako nga pala si Bianca iyon ang akala ni Benedict. Ilang oras pa lang nga kami nagkakasama pero sa tuwing tinatawag niya ako sa pangalan ng kapatid ko o may binibigay siyang bagay na nakapangalan talaga kay Bianca ay tila nasasaktan ako ng sobra. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito na lang ako kaapektado. Maling- mali itong nararamdaman kong selos. Pagpapanggap lang naman ang trabaho ko rito bakit sinasamahan ko na ng emosyon. Mahirap pala maging artista o sadyang hindi lang ako marunong umarte. Inakay na ako ni Benedict at hindi ko na rin iwinaksi pa ang aking kamay. Nakakapagod din ang makipagmatigasan dahil ang totoo ay gustong-gusto ko naman talaga ang binibigay niyang atensiyon para sa akin. “Good wifey, at least hindi ka na tumanggi, hayaan mo at masasanay ka na rin sa pagiging malambing ko!,” kindat pa nito sa akin ng pareho na kaming nakasampa sa ibabaw ng yate. “Puwede ba pagod ako huwag mo nga akong dalhin diyan sa pangalan cute cute mo, hindi iyan bumebenta sa akin. Give me some space!,” pagmamaldita ko. Ramdam ko ang pagkabigla niya. Alam ko nasaktan so siya ko pero saglit lang siyang natigilan at ngumiti muli sa akin. Talaga ngang mahaba ang pasensiya nito. Napakasuwerte naman talaga ng kapatid ko nabiyayaan ng asawang kay guwapo at kay bait. “Alright Bia… you want space I will give it to you for the meantime I will prepare our dinner, you can freshen up inside the cabin or you can take a nap, go now bago pa magbago ang isipan ko!,” tudyo pa nito sa akin hindi ko alam na marunong din pala itong gumanti. Dali- dali akong humakbang papunta sa sinasabi niyang cabin.Takot ko lang magbago pa ang isipan niya. Dama ko na ang lamig ng simoy ng hangin sa karagatan. Mabilis akong nakapasok sa loob at nilock ko ito kaagad bago bumuntong-hininga at kumuha ng unan at doon ibinaon ang aking mukha at nagtitili sa kilig. Mahirap na baka marinig niya pa ako. Pagkatapos kong mailabas lahat ng aking tili ay doon ko pa napansin ang pagkakaayos ng higaan na may kobreng kamang puti. Sa ibabaw ng higaan ay maraming red rose petals nakapormang puso pati rin ang dalawang kumot ay nakaayos din sa korteng puso. Sa magkabilaang kumot ay may nakapatong na roba na may pangalang Ben and Bia. Bigla na namang sumikdo ang puso ko. Bakit ba kasi nasasaktan ako sa tuwing pangalan ng kapatid ko ang laging nakalathala. Bakit ba talagang ipinagmumukha ng pagkakataon na narito ako hindi bilang tunay na asawa ni Benedict kung hindi isa lamang impostora. Umupo ako sa gilid ng kama at tinanggal ang wedge sandals na suot ko sa paa. Pinatong ko ang aking mga paa sa ibabaw ng kama at namaluktot at nahiga sa bahaging walang mga rose petals. Sa unang pagkakataon, nakadama ako ng lubusang kalungkutan. Namiss ko kaagad ang aking silid sa ancestral home. Everything in here is estranged. Kailan kaya ako masasanay sa malaking pagbabagong ito sa aking buhay. Matatagalan ko kayang makisama kay Benedict? Hanggang kailan ko matatago ang lahat sa kanya? Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako kung hindi lang dahil sa katok mula sa labas ng cabin ay maaaring lumalim na ang tulog ko. Dali- dali akong bumangon at inayos ang aking sarili. “Bia… I don’t know that you are too tired that you forgot about our dinner!,” agad na gagad nito ng mapagbukasan ko na siya ng pinto. “Ahmmm!,” napakurap- kurap pa ako. “Nevermind, you still look so beautiful in my own naked eyes with your messy bun!,” nagtaka ako ng piringan niya ako at dahan- dahan ng inakay palabas ng cabin. “Ano na namang pakulo ito?,”pag-aalburoto ko pa although deep in my heart I am too exicited for his another surprise to me. Katahimikan lang ang sinukli niya sa akin at patuloy lang ito sa pag- alalay sa akin hanggang sa hininto niya ako sa paglakad at dahan-dahan niyang tinanggal ang piring sa aking mga mata. As soon as I look in front of me, a lighting and sparkling fireworks lit up in the sky. Napakamakulay at talagang punong-puno ng nag-iibang desenyo na talagang pinagkagastahan. Pareho kaming nakatingala ni Benedict sa kalangitan but secretly I was staring at him. Deep in my heart and mind, sana ako na lang ang unang nakilala ni Benedict at hindi ang kapatid ko. Gusto ko man ibunyag kay Benedict ang katotohanan pero hindi na nito mababago ang pagtingin at pagsinta niya kay Bianca. “You like it… hmmmm?,” he asked curiously. “Puwede na!,” I will not give him the satisfaction he wants maaga pa para magpakita ng totoong saloobin ko. “That’s okay as long you had a little like about what I am doing for you. It is already a big pleasure for me, Bia!,” tawag na naman nito sa pangalan ng kapatid na nakakairita na kung minsan dahil pinagdidiinan pa talaga nito ang pagsambit ng pangalan ni Bianca. “Let’s eat!nagugutom na ako at gusto ko ng matulog muli!,” iwas ko sa kanya. Ako na ang naunang humakbang sa maliit na lamesita sa hinanda niyang dinner namin. May dalawang plato na nakalatag at may steak and lettuce sa bawat plato. May red wine bottle at dalawang kopita. Madilim na ang paligid ngunit nagmistulang christmas lights ang mga bituin sa kalangitan. There is a candle lit in the middle of the mini table. The ambiance is too perfect for a perfect couple but not with us. Aywan ko ba kung bakit hindi kayang sumabay na lang sa agos at magpadala na lang sa romantiko kong asawa ko. Pinaghila nito ako ng upuan. Ang kanyang mga titig sa akin ay walang kakurap- kurap na tila ba ayaw niya akong mawala sa kanyang paningin. “Huwag naman ganito Mr. Fuentebella haist!! May dumi ba ako sa mukha?,” gusto kong isatinig ngunit mas pumaibabaw ang hiya ko kaya’t ako na ang naunang bumaba ng tingin. “Hey, look at me?! Can we just stare each other before we eat, I can’t get my eyes off to you, wifey! I just can’t believe you are really here with me. Promise, I will not touch you, just merely looking at your lovely face, I am quite okay… for now… I mean I will try… please!,” pagsumamo nito. My heart leap for joy for his plea. Wala akong makitang kapintasan sa taong ito sa ilang oras na nakasama ko siya. O sadya lang talagang marunong lang talaga itong magtago ng saloobin. O sadya talagang mahiwaga ang pag-ibig dahil nagagawa nitong mabuti ang isang tao. “Sige bah pero huwag naman ng sobra baka matunaw na ako niyan!,” wala sa sariling wika na ikinabunghalit ng tawa niya “I never knew you had a funny side my dear Bianca… but I like it, the more I came to know you personally like this, I just love you even more!,” ano daw mahal niya ang bagong katauhan ni Bianca ngayon ibig sabihin nagugustuhan niya ang pinapakita kong totoong ako ngayon. Tila naman nagbunyi ang aking kalooban pero hindi ko pinahalata. Gaya nga ng sabi ko ay hindi ako marunong maglinlang o umarte sa tao. What I am showing to him now is my real me. Kung napansin niya man ang pagbabago o may nadiskubre siyang kakaiba sa nakilala niyang Bianca sa kaharap niya ngayon ay wala na akong magagawa pa. Ang hirap kayang magpretend na ako si Bianca. Hahayaan ko siyang maniwala na this is the real Bianca Cruz, the hidden side character of me. “Let’s eat!,” anyaya niya. “Okay,” nagsimula na kaming kumain at binuksan na rin niya ang bote ng red wine at nagsalin sa dalawang kopita. “Does it tastes good?,” napatango- tango sa tanong niya habang ngumunguya ng maliit na slice ng steak na hiniwa ko. “Let me do that for you please!!,” untag pa nito sa akin habang humihiwa ako ng steak. “Oooppss, remember the deal? Let me do it my own, no special treatment, hmp…,” banat ko sa kanya. “Okay, you win wifey!!! I just remember you are so stubborn as a rock! But nonetheless, I will tame you to be submissive someday!,” may diin nitong sabi. Totoo naman din kasi pareho kaming matigas ng ulo ni Bianca. Kung may pagkakapareha kami ni Bianca iyan iyong hindi kami napapasunod agad ng kung sinuman. We know our limits and our boundaries pero kung gusto namin walang makakapigil sa amin na abutin iyon. Pero ang pinagkaiba namin ni Bianca ay matayog ang pangarap ng kapatid ko hindi pareha sa akin na mababaw lang ang kaligayahan. No one can take my peace of mind that is my healing home, iyon ang biggest desire ko at iyon ang kaligayan na ipinaglalaban ko. Matapos naming kumain ay napadighay ako ng malakas na ikinatawa na naman ng loko. Ganito naman talaga kasi ako kapag napapaluto ng masarap na ulam si Nanay Fely. Simpleng buhay pero masaya na hindi ipagpapalit sa anumang yaman sa mundo. “You are so funny wifey! At least you are being true to yourself and to me… you know what I really hate liar person!,” pahayag pa nito na ikinatikom ng bibig ko. Paano na lang kaya kung malaman niya ang totoong hindi ako si Bianca? Mapapatawad pa kaya niya ako? Ngayon pa lang ay tila naiiyak at natatakot na ako sa magiging kahihinatnan ng lahat ng ito. How I wish Bianca is here para magpalitan na kami at bumalik na ako sa aking healing home kung saan ako nararapat na manatili. “Gusto ko ng magpahinga… puwede na ba akong maunang matulog!,” pag-iiba ko ng usapan. “The night is young Bia… let us talk first and I want to get to know you more. Anyway, we will share the same bed tonight, don’t be too excited, we will get there!,” may panunukso nitong sabi na mas nagpakabog ng dibdib ko. “Paktay na Bern… paktay na kiffy mo mamaya! Haist!!,” sigaw ng isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD