TEN- LEFT ALONE

2576 Words
HER POV “Hey, wifey, we are home!,” naalimpungatan ako sa untag ni Benedict sa akin habang nakapatong ang aking ulo sa kanyang matipunong dibdib. As usual, nakatulog naman ang impostorang asawa sa dibdib ng pinakagwapong nilalang sa daigdig walang iba kung hindi si Benedict Fuentebella that every woman craves and wants to be with. Napakasuwerte ko talaga dahil nabigyan ako ng ganitong pagkakataon kahit sandali lang ay susulitin ko na dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin bukas. Kung may mabuting kahihinatnan ba ang aking pagpapanggap o magiging daan ito sa aking pagkalugmok. As usual, I just have to expect the unexpected things to happen. Hindi ako nakakasiguro sa bawat umagang darating kaya’t ganitong pagkakataon ay masusulit ko na rin. I think a little closer with Benedict would not cause harm but I would not allow intimacy will flourish upon us. It is a big no no! “Ohhh… I am sorry nakatulog pala ako!,” inilayo ko agad ang aking ulo sa kanyang dibdib at inayos ang aking sarili. “It’s okay wifey, you have slept well in my arms..!,” he winked at me with a flash of smile in his lips na nakakatunaw ng puso. I am lucky indeed! Wala naman sigurong masama kung maging casual lang ako sa kanya. Mahirap kung palagi ko na lang siyang babarahin at kokontrahin. I knew that he is flirting with me with his moves and gestures but the best that I can do, not to be tempted with him is not to resist him but to face him with calmness and coldness. “Oo nga, akala ko kasi foam… sorry ah!!,” tatawa kong bungat ko sa kanya as if naman magaling akong komedyante pero sige na nga baka bumenta pa sa kanya. “You can lay your head on my chest any time you want if that is want you want Bia,” sumeryoso ito at inayos ang mga takas kong buhok sa aking taenga. “Well, thanks… puwede na ba tayong bumaba gusto ko na ring makapagpahinga ng maayos!,” ako na mismo ang nag-iba ng usapan. “As you wish… pero, don’t tell me pagod ka pa rin hindi naman kita pinagod kagabi!,” his teasing voice sent quivering chills in my spine but I tried to suppress it, not this time. “Of course not sadyang hindi lang ako sanay gumala at maglakad- lakad tulad ng ginawa natin kahapon!,” dahilan ko pa. “Whatever Bia, all I thought you are an adventurous woman, loves getaways and free-spirited!,” pahayag pa nito. “Puwes mali iyong naresearch mo tungkol sa akin!,” ganti ko sabay tayo upang humakbang na pababa ng private jet. “It does not matter anymore, wifey, we have so many hours and days to get to know each other deeply and I am willing to unravel the inner you,” inabot nito ang aking siko at sabay na kaming bumaba ng kanyang pribadong jet. Malakas na bugso ng hangin ang sumalubong sa amin kaya’t napaakbay ng mahigpit sa akin si Benedict. Hindi na ako umalma pa. Akbay lang naman wala namang mawawala sa akin pero ang puso ko ay naghuhumiyaw na naman sa lakas ng pagkabog. Bakit ba kasi ang lakas ng atraksyon ni Benedict sa akin kahit sa simpleng akbay lang niya sa akin?Haist! Sana man lang ay hindi niya marinig ang lakas ng t***k ng puso ko. As much as possible, ayaw ko na mahalata niyang apektado ako sa aming paglalapit. Nagulat ako ng biglang piniring niya ang aking mga mata. Isa na namang pakulo ang naisip ni Benedict. Hindi talaga nawawalan ng surpresa ang taong ito. Ano pa ba ang bago? Eh, narito na nga kami sa villa niya. Puwera na lang kung may ginawa na naman siyang ikakasabog na naman ng galak ng puso at isipan ko. “Ano na naman ba ito, Mr. Fuentebella? Hindi mo ba talaga ako titigilan sa mga paandar mo, kainis ka na ah!,” malamig kong sita sa kanya para itago ang totoo kong nararamdaman. “I am just trying to please you my wife! I thought you love surprises!,” pilit nitong pinapakalma ang boses. “Puwes, hindi ko gusto ang mga ginagawang mong supresa sa akin!,” pilit kong tinatanggal ang piring sa aking mga mata ngunit mahigpit ang pagkakatali nito. “Just this once, wifey! No more surprises, I promises!,” inuwestra niya na ako palakad at sa tingin ko ay nasa rooftop kami dahil bumabulasok ang ihip ng hangin. Mga ilang hakbang din ang nilakad namin bago niya ako pinatigil sa paglalakad. Akala ko ay tatanggalin niya na ang piring sa mga mata pero hindi pa pala dahil may iba pa itong paandar. “Let me carry you my wife!,” mabilis ang kilos nito kaya’t naramdaman ko na lang na nasa ere na ako, in just one snap of his big fingers he carried me in his arms, bridal way. Kailan kaya mauubusan ng the moves itong lalakeng ito. Bakit palagi niya akong pinapakilig? Pero hindi pwede ilabas ang totoo kong saloobin. Hindi puwede dahil ako rin ang masasaktan sa huli dahil hindi naman ako ang tunay na iniibig ng isang Benedict Fuentebella kung hindi ang aking nakakabatang kapatid. Di numero ang mga hakbang ni Benedict na halos ingat na ingat sa akin na hindi ako masaktan. Buti na lang ay nakapiring ang aking mga mata kung kaya’t hindi niya makikita ang tunay kong nararamdam. Sabi kasi nila ang mga mata raw ang salamin ng ating totoong damdamin. Pero hindi ko mapipigilan ang malakas na pagtahip ng aking puso. Bahala na nga kung maririnig niya! It is inevitable and I can’t suppress my heart to beat faster. Hindi ko alam kung pag-ibig na ba ito o sadya lang na nabibighani ako sa pinapakita niyang affection at sweetness sa akin. “It is normal wifey! My heart also leap for joy to be closer with you like this!,” parang nahulaan niya ang laman ng utak ko habang naglalakad ito na pasan- pasan ako. Tumigil siya sa paglalakad at parang may pinasukan na pinto. Nakaramdam ako ng bagong temperatura. Hindi na malakas ang bugso ng hangin. Tila nasa loob na kami ng bahay pero hindi ko naman naramdaman ang pagbaba ni Benedict ng hagdan. Maya-maya ay tila nakaramdam ako na para kaming umuuga na tila sakay kami ng elevator. Tama nga ang hula ko dahil hindi rin nagtagal ay biglang tumunog ang elevator hudyat ng pagbukas ng pinto. “Finally, we are here!,” anas ni Benedict pahakbang palabas ng pinto ng elevator at dahan-dahan akong ibinaba. “Now can you please untie this?,” wika ko pa sa kanya. Mabilis naman niyang natanggal ang piring ko sa aking mga mata. Napakurap- kurap ako at nanlaki ang mga mata ko sa estrangherong lugar na kinaroroonan namin ngayon. Hindi naman ito ang villa kung saan kami unang naglunch together kasama ang aking mga magulang. "Nasaan tayo?!," kuryoso kong tanong at inilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng palibot ko; maaliwalas ang palibot na halos puti ang pintura ng bawat sulok ng pader at wallings. Tumingala ako para pagmasdan ang giant na chandelier na napakasosyal ang desinyo na pangmayaman lamang. "Welcome to our new home, wifey, this will be our love nest for a lifetime, dito natin buoin ang ating little Bianca at Benedict," talagang siguradong- sigurado ito sa kanyang pinagsasabi. “That will never happen, asa ka pa!,” bara ko sa kanyang pinagsasabi. Mabilis ang aking mga kilos na humakbang at naglakad-lakad sa malawak na bulwagan na puting tiles. Halos puti ang buong kulay ng paligid na halos nagmistulang paraiso. Maaliwalas ang buong paligid at minimalist ang istilo na piling-pili ang mga kasangkapang naroroon. “Do you like it? You can add a touch of your personal taste and touch if you want. From now on, you will take charge of our home, whatever you want just do what you please my wife!,” buong galak nitong pahayag. “Hindi ba ang laki- laki naman nitong bahay para sa ating dalawa?,” mangha kong saad. “Just like I said Bia… we will make many babies here kaya marapat lang na malaki itong mansiyon na pinasadya ko talagang ipaggawa para sa atin!,” pinagdidiinan pa nito. Bigla namang namula ang aking pisngi sa kanyang tinuran. Imagine gagawa daw kami ng maraming babies. Iniisip ko pa lang nga ang makipagtalik sa kanya ay tila nanginginig na ako sa takot at nawawalan na ako ng wisyo iyon pa kayang magbuntis ng maraming beses. Haist, nasaan ka na ba Bianca, magpakit na nga tayo. Hindi ko talaga ito kakayanin, sure ako doon! “Saan ang silid gusto ko ng magpahinga!,” pag-iiba ko pa ng usapan at inirapan ko lang siya. “Tssskkk… it is too early to bed, wifey! But, I like that… come on!,” kumindat ito sa akin at nagpatiuna ng humakbang kaya’t napasunod na lang ako sa kanya. Binaybay namin ang grand staircase na parang panghollywood ang datingan. Nauna siya sa akin. Sinadya ko talagang hindi sumabay sa kanya paakyat. Tuloy hindi ko mapigilang mapagmasdan ang kanyang matambok na pang-upo na bawat hakbang paakyat ay tila gumegiwang- giwang. He looks so yummy and sexy in his own pace. Kinastigo ko ang aking maharot na isipan. Kaya’t agad ako nagbaba ng tingin sa aking mga paa na ngayon ko lang na napagtanto na nakayapak lang pala ako. Haist… bakit ba talaga nawawala ako sa aking sarili at nakakalimutan ang mga bagay- bagay kapag napapalapit ako kay Benedict? Pagkarating namin sa taas ay ilang hakbang ang ginawa ni Benedict at huminto ito sa katapat na pinto. Maige nitong niluwagan ang pagbukas ng pinto at isang malawak na silid ang tumambad sa akin. Pinauna nito akong papasukin sa loob at sumunod siya sa akin sa loob .Agad nitong inilock ang pinto sa likod niya. Kinabahan naman ako sa kaisipang kami lang dalawa sa loob ng silid at baka ano naman ang gagawin nito sa akin. Hindi pa rin kasi ako nakakapag- adjust sa bagong sitwasyon ko ngayon at sa tingin ko ay hindi talaga mangyayari iyon. “Hmp… c’mon wifey, let’s sleep!,” bigla akong hinila nito pahiga ng kama kung kaya’t bumagsak ako sa ibabaw niya. Agad naman ako nitong kinabig at niyakap ng mahigpit. Maagap naman akong nagpupumiglas ngunit mas malakas siya sa akin kaya’t walang saysay ang pag-iwas ko sa kanya. Nagsimula ng lumikot ang kanyang isang kamay sa aking likod habang siniil niya ang aking leeg ng kanyang nagbabagang halik. Tila nanghihina na aking tuhod at parang nag-iinit na aking buong katawan sa kanyang ginagawa. “Uhmnn… Ben, please…!,” anas ko pa habang habol ang paghinga. “Please what Bia,huh? say that you want me now!,” pagsumamo pa nito at ibinaliktad nito ang posisyon namin nasa ibabaw niya na ako. Imbes darang na darang na ako sa nakakaliyo niyang halik sa aking leeg at naglalakbay na mga kamay sa aking likod ay bigla akong natauhan sa binigkas niyang pangalan. Si Bianca pala ang akala nito sa akin kaya’t mabilis ang kilos ko at malakas kong sinipa ang pagitan ng kanyang hita gamit ang aking isang tuhod. “Ouch!!!!,” malakas na napaungol sa labis na sakit si Benedict at napatayo bigla at napahawak sa bayag nitong mukhang napurohan ko. “I am sorry… hindi ko sinasadya… uhm… okay ka lang ba ikaw kasi binigla mo naman ako!,” nakita kong gumihit ang sakit na bumalatay sa kanyang gwapong mukha, gusto ko mang lumapit sa kanya at aluin siya ay mas minabuti kong tumayi rin sa kama at lumayo sa kanya. “Argh… why do you do that, wifey? You could have stop me instead! Paano na lang kung napuruhan itong alaga ko at hindi na kita mabigyan ng mga anak, haist!,” inis nitong napatagis bagang. Napayuko ako at napahikbi. Ngayon ko lang siyang narinig at nakitang galit na galit at inis na inis sa akin. Kasalanan ko bang nagselos ako dahil sa tinawag niya ba naman akong Bianca kahit ako ang kaulayaw niya. Hindi ko rin masisi si Benedict dahil nga alam nito ay ako si Bianca. Ang hirap- hirap talaga palang magpanggap sa ganitong sitwasyon namin ni Benedict lalo na at hindi ko na maintindihan ang aking sarili tila umiibig at nagugustuhan ko na siya. “Holy s**t, I am sorry wifey… no… don’t you cry… I am sorry, kasalanan ko naman kasi dahil hindi ko naman napigilan ang sarili ko na hagkan ka at gustuhin na may mangyari sa ating dalawa,” biglang nagbago ang anyo nito at kita ko ang pagsusumamo sa mukha nito. Lalapit pa sana sa akin si Benedict ngunit napunta ang atensiyon niya sa kanyang tumunog na telepono. Kinapa niya ang telepono sa bulsa ng kanyang jeans at inilabas ito. Ako naman ay natuod na lang sa pagtunghay kay Benedict na sinasagot ang telepono. Hindi man lang ito tumalikod at lumayo sa akin mas minauge pa nitong makipagtitigan rin sa akin habang kinakausap ang nasa kabilang linya. “Alright, I will be there right away, don’t do stupid move, wait for me!,” may diin at dominante nitong tugon sa kausap at agad na ring ibinaba ang tawag at ibinalik sa bulsa ang telepono. Makailang katahimikan ang bumalot sa pagitan namin at si Benedict ang bumasag nun. Tumikhim ito ng malalim bago nagsalita muli. “I hate to leave you at this moment Bia but I had to… some emergency came up and I had to attend to this immediately. So, feel free to do what you want here, okay?,” pahayag pa nito na hahakbang na sana palabas ng silid ngunit pinigilan ko ito. “Wait… iiwan mo ako dito mag-isa? Are you out of your mind? Baka anong mangyari sa akin dito… hindi ba puwede akong sumama!,” untag ko pa. “No… you can’t!!! You better stay here at isa pa sabi mo pa nga gusto mong magpahinga at mapag-isa… now, I will give you the space that you need!,” may diin nitong pahayag. “How can I be sure na ligtas ako dito? Oo nga gusto kong magpahinga pero hindi magpahinga ng tuluyan, natatakot ako please isama muna ako!,” pagsusumamo ko pa kahit pa na ayaw kong mapalapit sa kanya kaysa naman ano pa ang mangyari sa akin dito na mag-isa lang ako. “Trust me, wifey! You are safe here alone, there are a lot of surveillance cameras around, the security is tight here on our own home, okay? I got to go now!,” hindi na ito nagpapigil at lumabas na ng pinto pero bago pa man nito isinara ang pinto ay nagsalita na ikinabalik ng tingin nito sa akin. “Ayaw mo ba akong makasama? Hindi ba’t kakasal lang natin?,” habol ko pa. “You should have ask that to yourself wifey? Kung didito lang ako may mangyayari ba? You knew what I want pero hindi mo maibigay!,” he smirked na tila kinukunsensiya ako. Natigalgal ako at hindi na nakaimik pa. Ibinaba ko ang aking paningin sa aking mga palad na aking pinag-isa. Wala akong maisagot, narinig ko na lang ang malakas na pagsira ng pinto sa harapan ko. Napabuga ako ng hangin sa ere. May paghihinayang man na umalis si Benedict pero maige na rin iyon para mapagpahinga ko itong puso at isip ko na lage na lang tense sa tuwing kasama ko sa tuwina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD