HER POV
“Let’s go home, wifey!,” sabi pa sa akin ni Benedict pagkatapos naming mag- agahan.
Tahimik lang akong kumakain ganoon din siya sa akin. Tila pinapakiramdaman ang bawat kilos ko. Sigurong napagod na ito sa kakabantay sa akin kaya’t ito na ang bumasag sa katahimikan naming dalawa.
“Mabuti pa nga!,” komento ko at inilayo ang plato kong pinagkainan na wala ng laman.
Nang magising ako ay nakapagluto na pala siya sa labas ng cabin. Mayroon sigurong mini kitchen sa yateng kinaroroonan naming dalawa. Hindi na ako nag-abala pang susihin at wala din akong ganang maglibot-libot pa.
Masakit ang buo kong katawan pati ang puso ko ay tila pinipiga na hindi ko maintindihan. Siguro mas mainam na rin na umuwi na kami at kung puwede lang sana doon na lang kami uuwi sa ancestral home ng aking mga magulang.
Pero paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol sa ancestral home? Ang alam nito ay city girl si Bianca. Kaya nga siguro ang akala nito ay open- minded at liberated ang kapatid ko kaya siguro ganoon na lang ang lakas ng loob nitong hatakin ako at puwersahin sa bagay na bago pa sa akin.
“I see, now I realized, you are really afraid of me, you don’t want to be alone with me I presumed!,” tudyo pa nito sa akin.
“Mabuti naman alam mo!,” singhal ko pa upang pasakitan siya pero iba ang nakikita ko sa kanyang mga mata tila naaliw pa ito sa pakikibangayan sa akin.
“Weeeh… I heard you moan when I almost ate your p***y last night before you passed out!,” prangka nitong ganti sa akin na ikinainit ng aking pisngi.
“Bastos!,” biglang kinuha ko ang kutsara at binato ko sa kanya.
“Ooopss! Wait wifey… I liked your being fierce but later we will do that in bed!,” nakailag ito kaya hindi nataman.
“Napakabastos mo talaga! That will never happen!,” galit kong sabi sa kanya sabay tayo at talikod sa kanya.
“Am I bastos? Wait, Bia… if I am rude, I had taken you last night when you are unconscious. I have seen all of you, you can’t hide it anymore from me. I may not marked you as mine last night but eventually it will happen sooner or later, and one thing is for sure, you will be the one who will beg it!,” mahaba nitong pahayag na talagang siguradong- sigurado sa sarili niya.
Hindi na ako humarap pa sa kanya dahil baka mas lalo niyang mahalata ang pamumula ng aking pisngi. Shocks! Kahiya! Kailan kaya ako makakabawi at makakabwelta sa kanya. Lahat ng tapang at pagmamaldita ko ay sa akin din bumabalik.
Sa huli ako pa rin ang lugi at talo at lagi niya pa rin akong naiisahan. Ano pa ba ang matatago ko kay Benedict? Ang hirap naman ng sitwasyon ko. Hanggang kailan ako makapagtimpi sa totoong nararamdaman ko? Kung hindi lang sana kumplekado ang lahat. Sana’y pinagtagpo na lang kami sa ibang pagkakataon hindi sa ganito.
“Wifey, where are you going? we are leaving soon!,” habol pa nito sa akin na saglit na hinaklit ang aking kamay ngunit agad ko ring binawi.
“I am sorry!,” tiningnan ko lang siya ng seryoso at pasimpleng tinaasan ng kilay.
Nakalimutan niya ba ang pinangako niya sa akin na hindi siya maglalapit o hahawakan ako. Wala man lang ba siyang word of honor? Haist! Lumakad ako palayo sa kanya at tinaas ang aking kamay na huwag siyang sumunod sa akin.
Gusto kong mapag-isa iyon literal na mag-isa. I want to breath in and breath out. Gusto ko ng space tulad ng dati. Iyon bang hawak ko ang oras at nagagawa ko ang gusto ko. Pakiramdam ko na kahit isang araw pa lang kaming magkasama ni Benedict ay para na akong hindi makahinga at makausad.
Parang ang ginagalawan ko ay sumisikip at parang sa kanya na lang umiikot ang mundo ko. Siguro baka normal lang ito at naninibago pa talaga sa biglaang pagpapakasal ko sa kanya. Hindi lang ako sa sanay o talaga lang nahihirapan ako sa pagpapanggap ko?
Hindi ko alam na narating ko na pala ang dulong likod ng yate. Sariwang hanging dagat ang bumungad sa akin. Nakaramdam ako ng lamig at napayakap ako sa aking sarili. Saka ko lang napansin at naalala na nakasuot lang ako ng large size white ts-shirt at boxer shorts.
Kaya pala ganoon na lang makatitig sa aking dibdib si Benedict kanina na hindi ko na binigyan pa ng malisya. Napagtanto ko na wala pala akong suot na bra sa loob ng t-shirt at halos litaw na litaw sa pag-usbong ng dalawa kong u***g sa mayayabong kong soso.
Hindi naman sa nagmamayabang sa amin ni Bianca ay mas biniyayaan ako ng mga malulusog na cocomelon. Flat- chested si Bianca at alam kong gumagamit lang siya ng breast enhancer brassiere. Alam ko iyon dahil ako ang nagrekomenda nito sa kanya noong nasa sekundarya kami.
Ito kasi ang panay niyang bukam- bibig sa akin na kakulangan niya. Buhat ng shinare ko iyong pagsuot ng foam brassiere ay medyo nabawasan na ang insecurity ni Bianca sa katawan. Mabuti na lang ay wide reader ako at marami akong natutunan sa mga bagay- bagay kahit pa introvert ako.
Those were the days that we shared about our anything about our lives with each other. Na miss ko ang mga araw na iyon na sa paglipas ng panahon ay dumalang na at hindi na talaga nangyari pa. Na miss ko ang mga bonding namin ni bunso sa totoo lang talaga pero sino ba naman ako para pigilan siya sa ano talaga ang magpapaligaya sa kanya.
Katulad na lang sa pagpaparaya ko para makasama niya ang tunay niyang iniibig sa ngayon habang ako ay narito sadlak sa pagkukunwari at kasinungalingan upang maprotektahan ang dignidad ng buo kong pamilya.
“There you are, wifey! Let’s go, hindi ka na ba magbibihis?,” untag sa akin ni Benedict na nakalapit na pala sa aking likuran.
Napasinghap ako sa kabiglaan. Amoy na amoy ko ang fresh minty breath niya na tumatama sa aking punong taenga habang siya ay nagsasalita. Gusto ko man lumayo ay nasukol na ako at baka ako ay mahulog sa dagat.
“Don’t move Bia, stay still please kahit ngayon lang let’s stay this way!,” he back hug me and I am nowhere to go but not to resist him anymore.
Hinayaan ko na lang siyang ipadama ang init ng kanyang katawan na dumampi sa aking likuran. Kahit pa pareho kaming may telang tumatabing sa aming mga balat ay hindi ko talagang makakaila ang init na parehong mayroon kami para sa isa’t isa.
I can’t deny the mesmerizing attraction I have for Benedict. This is the first time I have felt this kind of feeling and it bothers and fears me a lot. Hindi ito puwede dahil kung hahayaan ko ang aking sarili na magpakalunod sa tukso ay ako rin ang aani ng pighati.
“Itatak mo sa isipan mo Bern na impostora ka lang at wala kang karapatang magpakasaya sa kandungan ni Benedict!,” sigaw ng aking isipan ngunit ang aking puso ay luhaan naman.
“Are you okay, Bia?,” he asked incessantly on top of my ears.
“Ano ka ba? Okay lang ako, why you keep on asking me that question, hindi naman ako batang paslit na palagi mong binabantayan ang kalagayan!,” inis kong sabi sa likod niya.
“Can’t you even feel the heat of our bodies when we are so close like this, huh, Bia?,” tudyo pa nito na halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya at ang umbok sa gitnang mga binti niya ay sinasadya niyang ilapat sa gitna rin ng pang-upo ko.
“Hmnp… none at all, uhm..,” pagpipigil ko pa.
“Really, huh?,” nanunukso ang mga labi nitong hinahalik- halikan ang buhok ko ngunit hindi ako nagpadaig at nilabanan siya.
“Oo nga sabi! Enough… Mr. Fuentebella… gusto ko ng magbihis at nilalamig na ako. Pinagbigyan na kita huwag ka naman sanang umaboso!,” seryosong saad ko pa at pilit naman pinatigas ang bawat salitang pinakawalan ko.
“Alright then… okay, okay enough for me now! Go… hurry up! bago pa magbago ang isip ko!,” niluwagan niya na ang pagyakap sa akin kaya’t mabilis ang kilos kong naglakad pabalik uli ng cabin.
Hinanap ko ang suot ko kagabi ngunit hindi ko na ito matagpuan. May nakita akong paper bag na nakapangalan sa isang sikat na clothing brand. Tiningnan ko ang loob nito at isang jeans at free style blouse ang nasa loob mayroon ding terno na damit panloob.
Dali- dali akong tumungo sa banyo bitbit ang paper bag. Baka pasukin niya pa ako rito mahirap na. Inilock ko ang pinto ng banyo at dali- daling nagshower. Naglalagkit na rin ako at pakiramdam ko pati ang kiffy ko sa baba na muntikan ng tuklawin kagabi ni Benedict.
Nagsimula na namang uminit ang pisngi ko ngunit agad ko itong binasa ng tubig. Kailangan kong mahismasan sa kabaliwan kong ito. Nang matapos ako sa pagshower tinuyo ko ang aking katawan sa nakasabit na puting towel.
Sa banyo na rin ako nagbihis. Namangha ako sa pagkakaalam agad ni Benedict ng aking wastong sukat. Hapit na hapit ang jeans sa akin pati na rin ang blusang cotton white tees. Tinuyo ko ang mahabang buhok ang tuwalya at lumabas na ng banyo.
Hindi ko na inabala pa ang marumi at hinubad ko na boxer short at white t- shirt na ligpitin sa loob ng banyo. Hindi naman sa burara ako at walang pakialam, sadya lang hindi ko feel pa ang madaanan ng mga daliri ko ang hibla ng telang iyon para sa kasing sinisilaban ako knowing that Benedict owned that.
“Let’s go!,” wika pa ni Benedict na nakaabang na pala sa labas ng pinto.
Humalukipkip ito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ang mga mata nito ay mapanuri at patango- tango na tila aprubado at nagustuhan niya ang suot ko.
“Hmp… can you change your jeans it is too fitting and your boobs are really expose with that blouse!,” reklamo pa nito na ikinainis ko akala ko pa naman ay nagustuhan niya.
“Hay naku! Malay ko bang hapit na hapit sa akin ang mga ito, ikaw naman kasi ang naglagay ng mga ito sa loob alangan namang hindi ko suotin eh, hindi ko alam kung saan mo nilagay ang mga damit ko kahapon,” supalpal ko sa kanya.
“Ah… I don’t like it. It is too sexy and daring, mabuti pa siguro patungan mo na lang nito,” nabigla ako ng may nakuha itong telang binalabal sa akin.
“Ano ito? Haist… kainis ka ang init init gusto mong balutin ko ang sarili ko nitong tela, hindi ka na sana nag- abala pang bilhan ako ng mamahaling jeans at blouse kung hindi mo gustong makita ng iba ang hubog ng katawan ko, pinasuot mo na lang sana ako ng oversized shirt!,” piksi ko.
“You have a brilliant idea, wifey! Next time I will do that! Come on, let’s go,” inalalayan na nito ako pababa ng yate, hindi ko alintana na nakarating na pala ang yate sa mababang level ng tubig dagat.
“Ewwww… asa ka pa mapapasuot mo ako!,” dadabog- dabog kong wika pababa ng yate.
Nauna itong makababa kaya’t ang matipuno nitong mga kamay ang sumalo sa akin ng muntikan na akong mawalan ng balanse paghakbang ko pababa. Agad ko naman inayos ang sarili at nagmadaling makaiwas ang makipagdikit sa kanya.
Sa di kalayuan ay naroon na palang nakaabang ang private jet ni Benedict. Hindi na ako nagpatumpik- tumpik pa at binilisan na ang paglalakad. Gusto ko na ring makauwi sa siyudad kahit man lang doon sa villa niya.
Siguro naman kung doon niya ako ititira ay mas mainam para sa amin dahil sa laki noon malabo ang magkasarilinan kami. Puwede nga sa buong mag—araw ay hindi kami makapang-abot pa.