Kinaumagahan nagtungo sina Stella sa opisina ni Phoebus. Lahat kasama sa biyahe kaya halos magsiksikan lahat sa iisang kotse. Si Phoebus ang nasa driver seat habang si Stella naman ay nasa passenger at naka-upo sa hita nito ang bata at ang apat na unggoy ay nagsisiksikan sa back seat. Nag bato-bato pick pa nga ang apat kung sino ang mauupo sa sahig ng kotse. At dahil si Zion ang talo, ito ang naka-upo sa sahig. Panay naman ang reklamo nito. Puno ng saya ang puso ni Stella. Ito ang unang araw nila na mag-asawa na sila ni Phoebus. Mag-asawa.... Sarap sa pandinig. Masaya si Stella pero syempre hindi niya iyon pinapahalata. Kagabi ay halos hindi siya makatulog at nakatitig lang sa kanyang singsing. Kahit naman madaliang kasalanan lang iyon ay masaya si Stella. Sobrang saya. Bago din

