Nagpintig ang tenga ni Stella dahil sa sampal. Bigla tuloy nangati ang kamay niya. Pinaikot ni Stella ang dila sa ilalim ng pisngi at bumuntong hininga bago hinarap ang anak na natahimik din dahil sa gulat. Yung sinusubukan mo naman maging mabait pero araw-araw ka din sinusubok ni Lord. Ngumiti nang matamis si Stella sa anak bago ito halikan sa pisngi. "Mama is okay." Paninigurado ni Stella sa anak dahil kita niya ang pag-aalala sa mukha nito. "Pwede pa-favor si Mama? Pwede bang takpan mo muna ang ears mo tapos i-close ang eyes?" Mahinang tanong ni Stella sa bata. "May gagawin lang si Mama na hindi pwede Makita ni baby Andew kasi for adult only. Pwede ba, anak?" Hindi na sumagot ang bata pero sinunod naman nito ang kanyang utos. Huminga muna ng malalim si Stella bago tumayo, hinarap a

