Savana 1
"Earth to Savana Isla!" Matinis na sigaw ng dalagang si Avelea. Ang matalik na kaibigan ni Savana mula ng siya ay bata pa.
Tiningnan niya lamang ito ng masama at kalauna'y inismiran. Masama ang timpla niya ngayon, sa kadahilanang nagmahal na naman ang presyo ng mga gulay sa kaniyang pinagkukuhanan.
Siya, at ang kaniyang matalik na kaibigan na si Avelea ay may mumunting puwesto sa palengke ng Mabini. Ang puwesto niya roon ay hindi permanente, hindi kagaya ng kay Avelea na pamana ng mga magulang-wala e, may kaya sa buhay.
Si Savana ay ulilang lubos, at hindi na rin nakapagtapos ng pag-aaral nang dahil sa ang pera niya ay kinapos. Kung siya sana ay nakapagtapos ng pag-aaral, isa na sana siyang sikat na journalist ngayon sa Pilipinas-o baka nga't sa buong mundo pa.
Napabuntong hininga na lamang siya at napatingin sa kawalan ng maalala ang kaniyang pangarap at kabataan. Well, bata pa naman siya-at baby face pa! Pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya napagkakamalang bata-it's her height, the one she hates the most.
Napabalik na lamang siya sa riyalidad ng may tumama sa kaniyang mukha. Tiningnan niya iyon, at siya'y napabuntong hininga na lamang sa galit. Ang tumama sa kaniyang mukha ay isang may kalakihang kalamansi, at alam na rin niya kung sino ang salarin.
Agad niyang binalingan ng tingin ang salarin, at iyon ay walang iba kundi ang isa niya pang matalik na kaibigan na si Charise na walang humpay na tumatawa.
"Ano?" Seryoso at taas kilay niyang tanong dito, at imbes na huminto ay lalo lamang itong humalakhak.
Charise is one of her newest found friend, at dahil marami silang pagkakatulad ay mabilis silang nagkasundo. Si Charise ang anak ng may-ari ng palengkeng pinag pu-pwestohan nila ni Avelea, mayaman ito at ang balita niya pa'y malaki rin ang kinikita nito sa trabaho.
Actually, curious siya kung anong klaseng trabaho ang ginagawa nito pero sinasarili niya na lamang sa kadahilanang mapagkamalan pa siyang Marites at baka magalit din ito sa kaniyang panghihimasok.
"Ang haba kasi ng nguso mo mukha kang pato," pang-aasar ni Charise sa kaniya, na agad namang ginatungan ng kaibigan niyang si Avelea.
"Hoy! 'Wag ka nga Charise, pag iyan umiyak baka ma-DSWD pa tayo." Saglit pa itong huminto at binalingan siya ng tingin. "Tingnan mo naman ang height niyan, pang elementary kagaya ng mga bata sa kanto." Dugtong pa ni Avelea, na siyang ikinatawa ng iba pang mga tindera.
Halos umusok ang ilong niya nang dahil sa sinabi nito.
Oo, maliit lamang siya. Kasalanan niya bang hanggang 4'11 lang ang inabot niya? Sabi ng mga nakakakilala sa mga magulang niya, siya raw ay nagmana sa kaniyang ina-kagaya niya't maliit din daw ito at madaldal pa.
"Tigilan niyo nga ako!" Naiinis niyang singhal at bahagya pang pumadyak, na mas lalong ikinatawa ng lahat.
"Tigilan niyo si Savana baka umiyak," Saad ni Mang Tasyo na naka puwesto sa dulong bahagi ng palengke.
"Mang Tasyo naman e!" Ungot niya habang nakanguso.
Nagpakawala na lamang siya ng Isang malalim na hininga, at hindi niya na lamang pinagtuunan ng pansin ang pang-aasar ng kaibigan at ibang mga tinderang naroroon.
Sa loob ng limang taon niyang pagtitinda rito, ay wala siyang ibang natanggap sa mga ito kundi ang walang humpay nilang pang-aasar at pangbobola. Though it's irritating, ay napapasaya naman siya niyon kahit na papaano.
Ang pinaka-ayaw niya lang naman sa lahat ay ang mga taong nangungutang at nagpapasama ng loob niya-and speaking of nagapasama ng loob, dumating na siya-si Goryo.
"Good morning byutipol," pagbati ng isang nakakarinding tinig, na pamilyar sa kaniya.
Kahit hindi niya iyon lingonin ay kaya niya iyong pangalanan.
Napa-ikot na lamang siya ng kaniyang mga mata at hinarap si Goryo kasabay ng isang pilit na ngiti.
"Magandang umaga din Goryo," walang enerhiyang pagbati niya rito at pasimple pa itong inikotan ng mga mata.
At hindi naman nakaligtas sa kaniyang peripheral vision ang pagpipigil tawa ng walang hiya niyang mga kaibigan na sina Charise at Avelea.
"Ang gand mo talaga Savana. Yur so byutipol layk plawers," Hirit ni Goryo at bahagyang pumikit-pikit pa. Beautiful eyes ba dapat 'yon?
Muntik na siyang maduwal sa baho ng hininga nitong tumatama sa kaniyang mukha. Jusko naman! mas mabaho pa ata sa imbornal ang amoy niyon.
Isang pilit na ngiti ang iginawad niya rito kasabay ng bahagyang paglayo, dahil baka hindi niya na matiis pa at maduwal na lamang siya sa harapan nito.
Si Goryo lang naman ang isa sa mga masusugid niyang manliligaw 'kuno', kuno sa kadahilanang nagsariling desisyon lamang 'to. Isa itong trabahante sa pagawaan ng kabinet sa baryo, at madalas itong gumagawi rito sa palengke upang pasamain ang kaniyang loob-este, upang bigyan pala siya ng bulaklak.
"Ah...ha, salamat." Tugon niya kasabay ang pekeng pagtawa.
"Jusko naman Goryo! Maawa ka! Umalis ka na sa harapan ko kasi wala pa akong nabebenta," Gigil na saad niya sa kaniyang isipan kasabay ng pagdarasal.
Si Goryo ay isang malaking sumpa at balakid sa kabuhayan niya.
Kahit na may gustong bumili sa kaniya ay walang nagtatangkang lumapit, sa kadahilanang takot ang mga ito kay Goryo. Bukod kasi sa may kalakihann ang katawan nito, ay jsa rin itong barumbado, at hindi lang iyon! Marami rin itong kaibigang kabilang sa paru-paru gin gang. Ang gang na umaga pa lang ay tumatagay na-utang nga lang.
"Alam mo ba Savana kung sinagot mo lang sana ako paniguradong hindi ka na nagtitinda sa mabahong palengke na ito," Hirit pa nito na siyang kinainit lalo ng kaniyang ulo, gayon din ng ulo ni Charise na anak ng may-ari nang palengkeng ito.
Isang mahabang talong ang tumama sa likod ni Goryo na siyang kinadaing nito, at ang salarin ay walang iba kundi si Charise na kasalukoyang umuusok na ang ilong gayon din ang ulo.
Mukhang maagang makakaalis ngayon sa palengke si Goryo, mabuti naman kung ganon
"Hoy Gryo! Huwag mong masabi-sabihang mabaho ang palengkeng ito! Sa totoo lang ay mas mabaho ka pa kaysa rito!" Gigil na gigil namang sigaw ni Charise, na sinundan pa ng ibang mga tindera samantalang siya naman ay tamihik na sinusuportahan ang kaibigan niya.
"Go guys! Kaya niyo 'yan. Patalsikin niyo ang imbornal na siyang malaking salot sa palengke!" Malakas na sigaw ni Avelea, dahilan para siya'y masamid at muntik ng matawa.
Magkaibigan nga silang dalawa, iisa lang kasi ang nasa isip niya at ang mga binitawan nitong salita kani-kanina lang.
"Huwag ka ngang mangialam dito pango!" Sigaw ni Goryo kay Charise na siyang kinabigla ng lahat.
Nang dahil sa katahimikan ay mas lalo niyang naramdaman ang tensyon sa paligid.
"You press the wrong button, boy..." Seryosong saad ni Charise habang dahan-dahang lumalapit kay Goryo. Ito ay may hawak na bagong hasang kutsilyo, sa kanang kamay na siyang kaniyang kinailing.
"Huwag mo akong ini-ingles-ingles diyan Charise! Huwag kang umastang nakakataas ka dahil sa ama mo ang may-ari ng palengke! Hindi ba't isa kang bayaran? Huwag kang magmalinis!" Nanggagalaiting sigaw ni Goryo kay Charise, dahilan para kumulong tuloyan ang kaniyang dugo.
Bayaran? Anong karapatan nitong sabihan ng hindi maganda ang kaniyang kaibigan? Wala naman itong pruweba, isa iyong kalapastanganan.
Mabilis siyang lumabas sa kaniyang mumunting tindahan, at malakas na hinampas si Goryo ng tsenilas niyang size 6. Sinigurado niyang babakat iyon sa balat nitong makunat.
"Huwag mong pagsasalitaan ng ganiyan ang kaibigan ko Goryo!" Sigaw niya rito at dinuro-duro pa ito ng kaniyang tsenilas.
Tiningnan siya nito ng masama at sinbing,"Tama naman ako e! Isa siyang bayaran! Bakit hindi siya ng tanongin mo? Marami kaming nakakaalam Savana," pagmamatigas nito.
Tiningnan niya ito ng masama kasabay ng paghila ng kwelyo ng damit nitong suot-suot. Walang kurap
niyang hinampas nang pagkalakas-lakas ang tsenilas niya sa makapal at nakakainis nitong mukha, dahilan para ito'y mapangiwi at mapadaing sa sakit.
"Isa pa Goryo. Hindi na ako magtitimpi pa't babasagin ko iyang nasa pagitan ng mga hita mo. Huwag ka ng pupunta rito, nagkakaintindihan ba tayo?" Seryosong saad niya rito, habang marahan at paulit-ulit niyang idinadampi ang tsenilas sa namumulang pisngi nito.
Napalunok naman ito ng mariin at paulit-ulit na tumango bilang tugon sa kaniyang tanong, at pagkalaon ay umalis na rin na siyang umani ng masigabong palakpakan mula sa mga tinderang nanonood.
Ngumiti naman siya ng malapad at bahagyang yumukod.
"Salamat! Salamat! Tapos na ang palabas," tumatawang saad niya at nilapitan ang kaibigang si Charise.
Agad itong yumakap sa kaniya ng napakahigpit na siyang kaniyang sinuklian.
"Maraming salamat Savana," Sensirong wik nito habang deretsong nakatingin sa kaniyang mga mata.
"Wala 'yon, kaibigan kita kaya ipagtatanggol kita." tugon niya at muli itong niyakap ng mahigpit.
Siya si Savana Isla, isang munting tindera sa palengke at maraming nagsasabing siya raw ay maganda.