Gusto kong umangal pero wala akong magawa. Ang katawan ko ay may sariling pag-iisip at hindi nito magawang sumunod sa aking utak. Tahimik lamang ako sa loob ng sasakyan ni Altair kanina ay halos mapatay ko ito ng dahil sa ginawa nitong pagtapon sa aking mga instant noodles at mga de lata. Ang kapal ng mukh nito para sabihin na kahit aso niya ay hindi ito kakainin. Edi siya na! Siya na ang may pera at mayaman! Nakaka inis talaga! "Saan ba tayo pupunta ha?" Pambasag ko sa katahimikan. Tiningnan naman ako nito saglit at muling bumalik ang tingin sa kalsada. "At the market, i'll buy edible foods" ani nito. Hindi ito nag mamayabang pero nayayabangan ako. Ganito ba talaga pag may pera? Waldas lang ng waldas? At walang pakealam sa pagkain na tinapon at nasayang? "Kung hindi mo sana

