Naiinis kong pinagmamasdan ang kaibigan kong si Avelea na ngayon ay tuwang tuwa habang kumakain ng dessert na ginawa ni Altair. Inaamin ko masarap talaga itong magluto pero hindi naman siguro kailangang kandungin ako nito at suboan kaya ito tuloy ako ngayon nag papaliwanag sa kaibigan kong chismosa. Samo't saring tukso lang naman ang natanggap ko noong nakarating kami sa kwarto at mabuti na lang ay mahina ang boses nito kundi rinig na rinig ni Altair ang mga panunukso nito. "So binahay mo nga talaga si pogi" ani ni Avelea at nagtaas baba pa ang kilay. "Hindi nga!" Ani ko. "kung ganon, bakit siya nandito?" Tanong nitong muli habang kumakain ng muffins. "Hindi ko rin alam" nanlulumong ani ko at tumabi dito. "Okay lang sayo na nandito siya? Hindi ka naman ba naiilang? Paano kong may g

