Nagising si Savana na may isang napakalaking ngiti sa labi. Hindi iyon mapuknit kahit ang ang ulam niya ay toyo at mantika lamang. Paano ba naman kasi, napanaginipan niya si Hugo! At hindi lang iyon basta lang panaginip, hinalikan siya nito!
Ramdam niya ang pag-init nang magkabilaan niyang pisngi at napaimpit din siya ng tili nang dahil sa labis na kilig.
Mabuti na lang at nag-iisa siya dahil kung may makakakita man sa kalagayan niya ngayon, paniguradong mapagkakamalan siyang baliw.
"Baliw kay Hugo," wika ng kaniyang isip.
Napahagikhik na lamang siya sa kagagahan niya. Mukhang tama nga si Charise, nahawa na siya kay Avelea . Pero hindi pa rin maalis sa isipan niya ang itim na kotseng humarurot sa harapan nila.
Napakabastos naman ng may-ari no'n, kitang may nag-uusap biglang haharurot take note ah, napakalapit pa nito sa kanila. Paano na lang kung isa sa kanila ang nahagip? Talaga naman lintik lang ang walang ganti.
Agad siyang tumayo at humarap sa salamin, marahan niyang hinampas ang magkabilaang pisngi upang kalmahin ang sarili.
"This is it Savana. Oras na naman para harapin ang bangungot mo kada umaga," wika ko sa aking sarili at agad na lumabas ng bahay.
At hindi nga siya nagkamali-umagang tapat, binabangungot siya.
Napaismid na lamang siya ng makita si Goryo sa harapan ng bahay niya..
"Good morning my byutipol Savana," Bati nito sa kaniya habang nakangiti ng malapad.
Isang pilit na ngiti lamang ang iginawad niya rito at umalis na.
Sana naman ay huwag na siyang sundan ni Goryo. Malas kasi 'to sa buhay niya, sa tuwing nakikita niya ito ay minamalas siya.
Bakit ba kasi ang ganda ko? Iyan tuloy baliw na baliw sa 'kin si Goryong, papikit-pikit pa ang mga mata. Kindat ba 'yon? Parang napuwing lang e.
Binilisan niya ang paglalakad ng maramdaman niyang may nakasunod sa kaniya. Jusko naman talaga! Kailan kaya siya titigilan nito?
Huminga siya ng malalim at hinarap ang walang hiyang panay ang sunod sa kaniya.
"Ano na naman ba ang kailangan mo sa 'kun Goryo?!" nanggagalaiti sa galit na sigaw niya, ngunit siya ay nabigla ng makitang hindi ito si Goryo kundi ang anak ni Mang Lito na nakalimutan niya na ang pangalan-wala naman siyang pakealam.
"Easy...ang puso mo," may ngiti sa labing saad nito.
Hindi niya alam pero mas lalo lang siyang nainis sa paraan ng pagngiti nito.
"Wala kang pakealam," saad ko at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.
Bakit ba ang daming epal sa mundo? Hindi ba nila alam ang mind your own business? Nakaka irita, mga mukha namang uod na inasinan sa mukha!
She mentally rolled her eyes ng makitang nasa unahan niya na ito at malawak pa rin ang ngiti sa labi.
Ang sarap basagin ng mukha.
"Umalis ka sa harapan ko," seryoso't taas kilay kong saad dito.
Ngumiti lamang ito at mas humarang pa sa harapan ko na siyang kinainit ng aking ulo.
Pambihira. Bakit ba ang daming tao na kagaya nito?
At dahil nasira na ang magandang mood niya nang dahil kay Goryo at nang dahil dito, ay walang pasubali niya itong nilapitan at tinadyakan ang p*********i na siyang dahilan para ito ay matumba.
"Serves you right?" nakangisi kong wika at nginitian pa ito ng pagkatamis-tamis.
Muli ay lumakad siya habang may matamis na ngiti sa labi.
I'm so happy!
Samantalang, sa kabilang dako naman ay nakangising nakatingin ang binatang may asul na mata sa lalaking kasalukoyang namimilipit sa sakit na nadarama.
Agad siyang bumaba sa kotseng kaniyang sinasakyan at walang imik na nilapitan ito.
"Masakit?" walang emosyon niyang tanong dito.
Agad naman itong paulit-ulit na tumango, na siyang mas lalong kinalawak ng ngisi niya sa labi.
"Gusto mo bang tulongan kita?" tanong niya rito.
"O-oo..." utal na sagot nito habang sapo-sapo pa rin ang p*********i nitong tinadyakan ng moya koroleva niya.
Bahagya siyang yumukod upang makapantay ang mukha nito, walang pasubaling sinuntok niya ito sa mukha dahilan para mawalan ito ng malay.
Napatahimik niya na ang isang higad na umaaligid sa pagmamay-ari niya, may natitira pang isa.
Good.
Wala ng sagabal sa mga plano niya.
Agad siyang sumakay sa kaniyang kotse at nagtungo na sa lugar na kaniyang pupuntahan.
Hindi niya sinasadyang makita ang dalaga at ang kaninang masamang timpla niya ngayon ay maayos na. He is currently, grinning ear to ear nang dahil sa nasaksihan niya.
His moya koroleva is feisty. And she looks so hot with that damn simple plain pink shirt and jeans.
He will make her his soon, but now all he need to do is to finish his business here in the Philippines and then he's going to pursue her until he scores then dump her afterwards.
Well, that's how he play.
Maaalis lang ang babaeng iyon sa sistema niya sa oras na maipunta niya na ito sa kama.
Simple as that.
Walang katok-katok akong pumasok sa bahay nila Avelea, sana'y na naman ito sa kaniya at tsaka ang tagal na nilang magkakakilala.
Feel at home kumbaga.
Agad siyang naupo sa kahoy na upoan ng mga ito at kinuha ang kapeng nakalagay sa ibabaw ng mesa at agad iyong ininom.
"Magandang umaga Tita, si Avelea po?" kaniyang pagbati, nag-aalmusal na.
Walang hiya-hiya sa babaeng gutom na kagaya niya.
"Naliligo na ija, saan ba kayo pupunta?" mahabang tanong ni Tita Ave-ang mama ni Avelea, habang binibigyan siya ng bibingka na siyang agad niya ring tinanggap at agarang kinain.
Nagutom siya nang dahil sa dalawang pesteng lalaking sumira ng araw niya.
"Mag hahanap ho kami ng trabaho, hindi naman po kasi pupwedeng doon lang kami sa palengke e, mahina na ang bentahan." mahaba niyang tugon na sinang-ayonan naman nito.
"Maigi iyan, basta mag-iingat kayong dalawa. Mahirap na, madami pa namang mga sira-ulo ngayon," habilin nito.
"Opo..." tugon mo. "Pahingi pa po bibingka Tita, gutom po talaga ako e." dugtong ko pa dahilan para malakas itong mapatawa.
"Oh siya kumain ka lang nang kumain diyan," umiiling na saad nito at nagtungo na ng kusina.
Pagkaraan ng ilang minuto ay may narinig siyang yabag at nakakarinding boses na kilalang-kilala niya.
"'Ma bakit may biik dito?!" malakas na sigaw ni Avelea, at talagang kinutongan pa siya.
"Hindi ako biik!" singhal ko at sinamaan ito ng tingin.
Tinawanan lamang ako nito at inagaw ang bibingkang hawak-hawak ko.
"Aba naman talaga! Akin yan!" reklamo niya.
"Oh ano? Papalag ka? Ipasok kita sa sako e," pang-aasar ni Avelea sa kaniya.
Sanay na naman siya sa pang-aasar nito. Minsan nga ay paulit-ulit lang, kaya naman nakaka-umay na.
"Tita si Avelea oh!" pasigaw na sumbong ko kay Tita Ave, kaya pinandilatan ako ni Avelea ng mga mata.
Takot din ang gaga, panigurado kasing sesermunan siya ni tita.
Hindi pa man nagsisimula ang pag-rap ni Tita Ave ay hinila na ako ni Avelea papalabas ng bahay nila, at walang humpay itong tumakbo habang hila-hila siya. Ang tanging nagawa niya na lang ay ang sumigaw sa pagod at uhaw.
Pagkaraan ng ilang minuto ay tumigil na rin sila sa wakas, kapwang pawis na pawis at tumatawa.
"Ano biik pala ah?" pang-aasar niya dito.
"Hindi na nga e," nakangusong wika ni Avelea habang nag pupunas ng pawis.
"Wala ka pala e," mayabang niyang saad, habang marahang sinusundot-sundot ang tagiliran nito.
"Madaya ka e, ang lakas ng kapit mo kay mama!" atungal nito na siyang kaniyang kinatawa.
Kinalma niya muna ang sarili at binalingan ng nakakaawang tingin ang kaibigang si Avelea. Kawawa naman 'to, itinatakwil na ng mama.
"So saan tayo ngayon?" pag-iiba niya ng usapan.
Tiningnan naman siya nito ng may pagtatanong.
"Pambihira! Wala kang plano?!" gulat na gulat nitong tanong, na siyang kaniyang kinatango.
E sa totoo namang wala siyang plano, basta ang mahalaga makahanap silang dalawa ng trabaho. Kahit na saan at kahit na ano.
Naupo sila sa umpok ng simento at nag-isip ng posibleng tao na mapagkukuhanan nila ng impormasyon tungkol sa trabaho.
namayaninang katahimikan sa pagitan nila ni Avelea, ngunit iyon ay mabilis ding humupa ng sabay nilang naisigaw ang pangalan ni Charise.
"Si Charise loka-loka!"
Tama, may kaibigan nga pala silang isa pa. Paniguradong matutulongan sila ni Charise lalo na't marami itong kilala sa bayan at kahit sang lugar pa.