Puno ng pagkamangha kong inilibot ang aking tingin sa loob ng cruise ship na aming sinasakyan. Hindi ako nakaramdam ng pagsisisi sa naging aking desisyon, kung naging duwag ako ay malabong ma-e-experience kong maka sakay sa ganito kagandang ship at nakita ko na ito sa telebisyon. Ang cruise ship na ito ay isa sa mga pinaka sikat at pinaka mahal na cruise ship sa buong mundo. Mabuti na lang talaga't pina-iral ko ang aking utak, hindi ang aking puso. Napahawak ako sa aking dibdib ng bahagya itong kumirot. Sariwa parin ang sugat sa aking puso dulot ng ginawa ni Altair. Ayoko na siyang pag-usapan, lalo lang akong nasasaktan. Oras na para palayain ko ang aking sarili mula sa taong wala naman akong kasiguradohan kung babalik ba o hindi. Kumaripas ako ng takbo pabalik sa silid na nakalaan pa

