Napasabunot na lamang ako sa aking buhok ng makitang tuloyan ng naka alis si Savana. Kung hindi ko lamang napigilan ang sarili ko kanina ay malamang na nasa morgue na ang pinsan kong walanghiya na walang iba kundi si Hugo. Matagal ko ng hinahanap si Savana ngunit kahit anong hanap ko ay hindi ko ito makita, halos naka sampung private investigator na din ako ngunit kahit isa sa kanila ay walang naka tunton sa kinaroroonan nito. Pano nga naman mahahanap kung nasa pangangalaga pala ni Hugo? Halos makapatay ako kanina ng dahil sa mga matang nagpapakasasa sa katawan ni Savanang iniingatan at sinasamba ko. Hindi iyon ang Savanang nakilala ko't minahal ko. Marami na talaga sigurong nangyari at nagbago pero kahit ilang taon pa ang nagdaan ay ito lamang ang laman ng puso ko. Masyado akong baliw

