Pagkatapos kong magpalit ay agad akong lumabas sa aking silid at agad na bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog na si Altair sa isang mahabang itim na sofa. Nilapitan ko ito at pinaka titigang mabuti. Kahit na bida bida ito ay nagpapa salamat ako sa ginawa nito kahit na halos lahat ng brand ng napkin ay nabili nito. Gigisingin ko na sana ito ng biglang tumunog ang selpon na hawak hawak nito. Agad ko iyong kinuha, at ang pangalang naka lagay dito ay "special" kaya kunot noo ko itong sinagot. Magsasalita na sana ako ng bigla akong naunahan ng nasa kabilang linya. "Honey, what takes you so long?" Turan ng nasa kabilang linya at base sa tinig nito ay isa itong babae. Base sa pananalita nito ay isa itong banyaga, may kakaibang accent kasi ang pag i-ingles nito. Hindi ko mawari pero

