Chapter 7

1115 Words
Jaylord Pov... Isang buwan na ang nakakaraan sa pagkamatay ni Lizzy at hindi pa rin nakakamove on si Alex. Bumalik si sir Arnold para pamahalaan ang kanilang negosyo dahil wala nanaman sa katinuhan si Alex. Katulad nga ng sinabi ni mam Laura. Pag ibig ang tanging sanhi ng pagbagsak ni sir Alex at salamat daw sa maalalahanin niyang kaibigan na si Kayla at nagiging buo siyang muli. Bakit kaya hindi nalang sila ang magmahalan? Ito namang si Kayla ay lalong naging tanga sa pag aalaga sa kanya. Pagmamahal at pag aalagang kaibigan lang naman daw ang lahat ng kanyaang sakripisyo! Utang na loob Kayla! Kailan mo kaya makikita nag sarili mong parang tanga an habol nang habol. Hanggang kailan ba niya maiintindihan na hindi si Alex ang para sa kanya. Na hindi magmamahal ng iba si Alex! Ang pag ibig nga naman kapag dumale nakakabaliw ang laban. Pero sana huwag naman si Kayla ang dalihin! Tanga si Kayla eh! Hindi ko na alam kung anu ang gagawin ko kay Kayla para ipaintindi sa kanya na si Alex ay hindi magiging kanya kahit patay na si Lizzy. Kailangan na niyang tigilan ang halos araw araw na pagpunta sa bahay nila para alagaan siya. Alex will eventually find himself. Sigurado akong kapag bumalik na si Alex sa kanyang sarili ay hindi pa rin siya ang babaeng makikita niyang papasok sa buhay niya kundi bilang isnag maalalahanin at mapagmahal na kaibigan lamang. Inayos ko ang mesa niya bago ako pumunta sa pantry para magtimpla ng kape nung matanaw ko sa labas na magkasama sila ni sir Arnold na pumasok sa opisina. Talaga Kayla! Magpapakatanga ka sa kanya! Nagitngit kung inis na nagtimpla ng kape. Ipinagtimpla ko rin siya at hinitay sa kanyang mesa. "Good morning Jaylord!" Masarap ang ngiti niyang saad. "What is good in the morning Kayla?" Taas kilay ko naman na sagot sa kanya sabay abot sa tinimpla ko sa kanyang kape. "Jaylord!" Sigaw niyang tumakbo sa cr para idura ang kanyang ininom na kape. Sinadya ko talagang gawing mapait. Walang asukal at higit sa lahat asin ang aking inilagay. Para malaman niya ang lasa ng nasa pagitan ng ilog na hindi niya pwedeng tawirin kahit madali lang. "Back to work!" Singhal ko sa kanya bago pumunta sa aking mesa. "May nakain ka ba na hindi maganda ngayong umaga para mag asal hayop ka ha!" Singhal din niyang saad. Tumayo ako at nakapamaywang sa kanya. "Kayla hindi ko ito ginagawa dahil may galit ako sayo o naiinggit ako! Ginagawa ko ito bilang kaibigan mong nagmamahal sa'yo! Kayla talaga bang magmamatigas ka sa paghabol sa kanya?" Hindi makapaniwala kung usal sa kanya. "Jaylord huwag kang mag alala hindi kita sisihin dito. Basta suportahan mo ako! Mahal ko si Alex at lahat gagawin ko maging maayos lang siya." Paliwanag niya. "Okay! Sige, pero ito rin ang tatandaan mo Kayla. Huwag kang lalapit sa akin na luhaan at siya ang magiging dahilan! Para sa akin hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sa'yo na hindi kayo pwede!" Maigting ko rin na tural sa kanya. Ayaw kong gawin ito sa kanya pero ito lang ang paraan para maintindihan niya na may mga abgay na hindi pwedeng ipilit. Natapos ang buong araw na hindi kami nagkibuan tungkol kay Alex. Sumabay siyang kumain kay sir Arnold dahil tinawagan siya. Lumabas naman ako at kumain mag isa malayo sa opisina. Hindi ako sa canteen kumain dahil siguradong puputaktehin ako ng mga Marites at Tolits. Pagbalik ko sa opisina ay may starbucks na kaep sa aking mesa at isang pack ng gimbap. Nagpanggap akong hindi nakita at hindi pinansin. Alam niya kung anu ang paborito ko kaya naman bumili siya para suhulan ako o magsasabi lang naman ng sorry. Ganyan naman kaming dalawa. Kung hindi kayang sabihin ng bibig ay sa gawa nalang namin ipinapakita. Ganun din sila ni Alex ang kaibahan nga lang may yakapn sila at kulang nalang ang halikan pero nagsusubuan sila ng pagkain gamit ang iisang kutsara at tinidor. Nagpatuloy akong magtrabaho na hindi hinahawakan ang kape na kanyng inilagay sa aking mesa. Tumunog ang aking email. Gusto kung matawa dahil sa email ko pa talaga siya nagchat. Napakalaking salitang sorry at personalized pa niya. May sumasayaw na babae at humihingi ng sorry. "Hoy! Hindi habambuhay mo akong hindi papansinin jan!" Kanyang imik. "Sige ibigay ko nalang kay manong guard yan para makatikim naman siya kung anu ang lasa ng sartbucks na kape at gimbap!" Kanyang pang aasar na saad. Humalakhak akong dinampot ang kape at uminom bago buksan ang gimbap at simulang lantakan. "Hindi ko ito mauubos! Samahan mo akong kaini ito." Pagmamaktol kung turan sa kanya. Ngumiti siyang lumapit sa aking mesa. "Sorry Jay. Hindi ko kayang turuan ang puso kung kalimutan siya. Oo, umaasa akong balang araw ay ako naman ang makita niya." Malungkot niyang paliwanag. Malungkot din akong nakatingin sa kanya. How I wish din Kayla! Pero kung mahal ka niya noon pa sana ay niligawan ka niya. Nauna kang dumating sa buhay niya bago pa dumating si Lizzy. Yun na ang sapat na palatandaan na pagmamahal kaibigan lang ang bumabalot sa kanyang puso para sa'yo. Siguro nga nakakabulag ang nagmamahal dahil hindi mo nakikita ang mga bagay na nagsasabing kailangan mong tumigil at umurong! Wala akong nagawa kundi yakapin siya. Yun lang naman ang kaya kung maibigay sa kanya bilang nagmamahal at nag aalalang kaibigan. Siguro kung hindi rin ako bisexual ay malamang ipipilit ko din ang pagmamahal ko sa kanya. Nauna siyang umalis sa opisina para umuwi at dadaanan pa si Alex ngunit dinalawa na siya ni Alex sa opisina. Mahigit isang buwan na hindi ko siya nakita. Ito ang unang araw na makita ko siya simula pumanaw si Lizzy. Hindi nga naman nagbibiro si Kayla. Mukha siyang pinagsawaan ng mundo sa kanyang hitsura. Pumayat siya. Mahaba ang buhok at balbas nito. Tabingi pa ang ayos ng pagkakabutunes ng kanyang polo. Nawala na ang kanyang nakakakilig at makalaglag panty na anyo! Oh my geh! Bagay silang magsama nga! "Kay!" Bungad niyang sumandal sa pintuan. "Alex!" Gulat naman na usal ni Kayla. "Sorry Kay! I just want to breathe and need someone to talk to and willing to listen to me!" Kanyang may luha na saad. "Of course! Pumasok ka Alex! I will. I will listen!" Mabilis naman na tugon ni Kayla at sinalubong siya. Inalalayan niyang makaupo sa single couch at inayos ang pagkabutunes ng kanyang polo. Sanay na ako sa ganito nilang ayos. Kahit makita at mahawakan ni Kayla ang katawan niya ay wala yun kay Alex. Dahil tiwalang kaibigan siya kay Kayla. Kay Kayla ako nag aalala baka kasi makalimot siya at makagawa siya ng bagay na hindi dapat at makasira ng kanilang pagkakaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD