Lyneth Pov..
Tatlong buwan na ang nakakaraan simula naaksidente si Lizzy at kanyang ikinamatay. Hanggang ngayon hindi pa rin namin matanggap na wala na siya! Nagluluksa pa ang aming pamilya lalo na ang aking ina. Tuwing marinig niya ang pangalan ni Lizzy ay kusang umaagos ang kanyang luha. Masayahin at mabait na tao si Lizzy pero bakit kinuha siya agad sa amin? Maraming plano si Lizzy at isa na doon ang magkaroon ng sarili niyang pamilya. Pangarap niyang magretiro ng maaga at maging isang ina at butihing asawa. Pangarap na hindi na matutupad dahil sa masaklap na katotohanan!
Wala rin akong narinig na balita tungkol kay Alex kundi ang pagmumokmok niya sa kanyang silid. Akala ko nga masisiraan na siya ng bait dahil sa nangyari. Ayaw daw kumain at tanging naglalasing bago matulog. Wala siyang ibang pinapakinggan at kinakausap maliban kay Kayla. Ang matalik niyang kaibigan na lahat gagawin para sa kanya! Alam ko kung ganano sila kalapit sa isat isa na mapagkakamalan mo silang may relasyon. Nag aalala ako kaya naman dinalaw ko siya sa bahay nila. Kahit patay na si Lizzy ay welcome pa rin naman ako sa kanilang bahay.
Nagdala ako ng pasalubong na prutas at mga lutong bahay na pagkain. Nagdagdag na rin ako na nagdala ng white and red wine para hindi puro beer ang kanyang iniinom at may pagsaluhan din kami mamaya na mag usap.
"Magandang araw po tita Luara!" Masaya kung pagbati pagkapasok ko sa kanilang sala.
"Oh! Magandang araw din iha! Halika ka pumasok ka!" Kanyang aya sa akin na sinunod ko naman. Tinulungan ako ng mga kasambahay para kunin ang mga dala ko.
"Salamat po tita! Kumusta na po pala si Alex?" Agad kung tanong pagkaupo ko. Hindi ako makapaghintay na malaman kung anu na ang nangyayari sa kanya.
"Medyo okay naman na siya iha pero hindi pa rin siya pwedeng pumasok sa trabaho. Isang buwan pa daw na pahinga ang kailangan niya. Oo nga pala nasa taas sila ni Kayla. Puntahan mo nalang sila. Sigurado akong matutuwa siya kapag nakita ka." Kanyang sagot. Matutuwa nga kaya o baka masasaktan lang siya dahil alaala din ako ni Lizzy. She's my sister and we are alike!
Umakyat ako sa kwarto ni Alex pagkatapos naming mag usap ni tita Laura. Habang paakyat ako sa hagdanan ay rinig ko ang kanilang usapan at tawanan. Nagdahan dahan akong lumapit sa pintuan. Hindi ito nakasara kaya naman itinulak ko ng konti para makita silang dalawa. Larawan sila ng masaya at perfect couple pero hindi napapansin ni Alex si Kayla.
Naglalaro sila ng baraha. Palaging nanalo si Kayla kaya naman laging si Alex ang taya. Nakakainggit ang kanilang relasyon. Malayang nakakayakap at halik si Kayla kay Alex anumang oras. Sa kanilang huling round ay natalo naman si Kayla kaya siya naman ngayon ang nakatikim ng pitik sa noo. Nasaktan si Kayla dahil napalakas yata ang pagpitik ni Alex. Nag alala naman si Alex na lumapit kay Kayla. Tinignan niya ang namumulang noo ni Kayla at hinalikan habang humihingi ng paumanhin.
"Sorry Kay! Hindi ko sinasadya. Masakit ba? Masyado bang malakas ang ginawa ko?" Nag aalalang tanong ni Alex. Tumango naman si Kayla.
"Oo masyadong malakas! Galit ka ba sa akin?" Pagmamaktol na paglalambing naman ni Kayla. Tumawa si Alex.
"Sorry Kayla! Masaya lang siguro ako ngayon at malakas ang spirit kaya!" Paliwanag naman ni Alex na kinabig siya para yakapin.
"I'm happy if you will be happy as well." Binitawan siya ni Alex at kinuha ang yelo sa kanyang baso at agad na idinampi sa namamaga na noo ni Kayla. Ilang sandali pa at niyakap niyang muli si Kayla. Matagal silang magkayakap bago sila nagsimulang kumain naman habang nagkukwentuhan muli sa naging buhay nila at kung paano dumating si Lizzy sa buhay ni Alex. Kung hindi ko sila kilala ay iisipin kung magjowa ang nasa kwartong ito at naghaharutan.
"I'm sorry Alex." Saad ni Kayla na nagpatigil sa akin sa paghakbang para lumayo sa pintuan. Magiging op lang naman kasi ako kapag pumasok ako. Hindi ko sila masasabayan hindi katulad ni Lizzy.
"Don't say sorry Kayla. Wala ka namang kasalanan. Ako pa nga ang dapat na magpasalamat dahil hindi mo ako pinabayaan at iniwanan. Totoo kang kaibigan Kayla. Nanatili ka sa panahong kailangan ko ng kausap!" Sagot naman ni Alex. Anu ang kanilang pinag uuspan. Sorry for what?
"Siguro nga kung dito nalang sa Maynila tayo naghanap ng lugar kung saan ka pwedeng magpropose kay Lizzy ay hindi nangyari sa kanya ang bagay na ito." Saad ni Kayla. So silang dalawa ang nagplano nito? Magpropropose pala si Alex talaga kay Lizzy pero hindi na siya nakarating sa Nasugbu dahil sa lintik na aksidente.
"Maybe Kay. Tatlong buwan na ang nakakaraan pero ayaw kong tanggapin na wala na siya. Mahirap Kayla. Mahirap siyang kalimutan. Siya ang babaeng pangarap ko pero inagaw sa akin ng tadhana! Kapag papasok ako sa opisina maraming alaala ang magpapaalala sa akin tungkol sa kanya. Bawat sulok ng aking opisina at ang aking sasakyan ay may bakas siya!" Malungkot na may luhang saad ni Alex.
"I know Alex but life must goes on! Hindi ko sinasabing kalimutan mo si Lizzy agad agad pero huwag mong patigilin ang buhay mo dahil nawala siya. Ipakita mo sa kanya na kaya mong magpatuloy dala ang kanyang mga alaala Alex." Giit naman na saad ni Kayla.
"Thanks Kay for always being there for us! Hindi ko alam kung paano kami without you. Ikaw ang lagi nagbubuklod sa aming dalawa. I owe you big time!" Sagot ni Alex bago halikan ang kanyang noo at yakapin siya ng mahigpit. Hindi ko sila kayang panoorin. Kinakain ako bigla ng selos na hindi naman dapat. Kayla was his childhood best friend.
Dahan dahan kung isinara ang pintuan ng kwarto at hindi na nagpakita sa kanila. Umalis akong hindi siya nakausap. Sapat na nakita ko siya! Hindi na rin ako nagpapansin pa sa mga kasambahay at kay tita Laura na hindi ko makita sa sala.
Dumeretso ako sa isang bar at nag-unwind bago umuwi sa bahay. Hindi ko alam pero hindi ko gusto ang nakita ko kanina sa bahay ni Alex. Gusto kung iwaksi at palampasin o kalimutan ito dahil matalik naman silang magkaibigan pero hindi ko matanggal sa aking isipan.
Bawat ngiti, halik at hawak nila sa isat isa ay nababahala ako. Wala pang ilang taon na nawala si Lizzy pero mukhang magkakaroon ng bagong babae sa buhay ni Alex. Hindi mahirap mahalin ang isnag katulad ni Kayla. Maganda, matalino, mabait at palakaibigan. Nagseselos ka lang Lyneth dahil gusto mong ikaw ang pumalit sa pwesto ni Lizzy ngayong nawala na siya! Biglang kambiyo ng aking utak.