Chapter 9

1104 Words
Kayla Pov... Hindi ko ginagawa ang pagsasakripisyo na ito dahil gusto ko siya. Ginagawa ko ito bilang kanyang kaibigan na pwedeng umintindi sa kanyang sitwasyon. Mananatiling lihim ang aking pagtingin sa kanya na hindi niya napansin ng mahabang panahon. Alam kung hindi natutuwa sa akin si Jaylord sa aking ginagawa pero gusto ko talagang gawin. Pagiging tanga na kung pagiging tanga basta mananatili ako sa kanyang tabi. Buti nalang Linggo kahapon kaya naman nakapagpahinga ako dahil kung hindi ay magmumukha akong panda ngayon. Humihigop pa lang ako ng aking kape nung dumating si Jaylord na hindi natutuwa. Lunes na Lunes pero smabakol ang mukha. Malamang ako nanaman ang dahilan niyan. "Bhe!" Tawag ko sa kanya. "Oh! Buhay ka pa pala! Buti naman naimulat mo pa ang iyong mata at nakahakbang ka papunta rito." Kanyang sarkastik na sagot. "Jaylord alam mo kung gaano ko kamahal ang trabaho ko kaya malabong hindi ako papasok kahit magmukha pa akong panda." Sagot ko naman sa kanya. "Talaga! Oh baka dahil pumasok na si sir Alex kaya ka naman masayang pumasok!" Dagdag niyang asar na asar na saad. "Talaga Jay! Pumasok na si Alex." Tuwang tuwa ko naman na sagot. Muli siyang sumimangot dahil parating lang naman si Alex. "Morning Kay. A little help, please!" Kanyang paglalambing na nakasilip sa pintuan. Ngumiti naman ako sa kanya habang mahaba naman ang nguso ni Jaylord. "Sure Alex. Come in!" Masaya kung turan. "My always life saver! Paano nalang ako kapag wala ka Kay! Please don't leave me Kay!" Muli niyang paglalambing na nasasaktan kuno. Pinisil ko ang tungki ng kanyang ilong. "I will always be here for you Alex! Kaya please step up now, hmn!" Paglalambing ko rin sa kanya. Natulalang lumaki ang mata ni Jaylord sa aming dalawa. Hindi ko tuloy alam kung anu ang ginawa ko para ganun ang kanyang reaksyon. Humalik muna siya sa aking noo bago umalis at sinusundo na siya ni tito Arnold. Siguro may meeting sila na kailangan siya. "Kayla bwisit ka! Umayos ka ha!" Singhal ni Jaylord pagkaalis ng mag ama naming amo. "Ha! Bakit naman Jay!" Tanong ko sa kanya. "Hoy! Umaasta ka na jowa niya ha. Tandaan mo kaibigan ka lang niya at hindi na hihigit pa doon! Kung kailangan mo ng martilyo at pukpukin ang ulo mo, sabihan mo lang ako. Ibibili kita ngayon na at hindi lang isa!" Ultimatum niyang saad sa akin na nanlalaki ang butas ng kanyang ilong sa gigil. "Sorry Jaylord! Hindi naman ako umaasta eh, umaasa lang na sana ako naman ang mapansin niya." Totoong saloobin kung sagot sa kanya. Yun naman talaga ang hinihiling ko ngayon! Sana lumingon naman siya at makita niya ako bilang higit pa sa nagmamahal na kaibigan. "Kayla!" Malungkot niyang saad na yumakap sa akin. "Kapag hindi niya pa rin ako makita bilang higit pa sa kaibigan ay titigil na ako Jaylord. Pangako yan na hindi ko na siya papansinin." Sabi ko sa kanya na alam kung napakaimposible pero siguro kailangan kung subukan para malaman ko kung gaano ka impossible ang huwag siyang mahalin gayong nasa tabi ko siya palagi. "Hindi ako umaasa sa pangako mo Kayla pero andito lang ako na magiging human hammer mo hanggang magising ka!" Kanyang sagot bago kumalas sa aking yakap. Naging tahimik ang sumunod na oras sa aming opisina. Alastres na ng hapon nung bumalik si Alex at may dalang pagkain. " Sir Alex! Napadaan po kayo?" Gulat na tanong ni Jaylord. " Wala kasi akong kasabay na kumain ng snack kaya dito nalang ako pumunta para saluhan niyo ako." Kanyang sagot. Nagkatinginan kami ni Jaylord. Wala kaming ibang choice kundi tumigil sa aming ginagawa para sabayan siyang kumain. "Alex masyado yatang marami kang dalang pagkain para sa ating tatlo." Tanong ko sa kanya. Pero bago pa siya makasagot ay alam ko na ang dahilan dahil paboritong pagkain ito ni Lizzy. "Sorry Kay. Akala ko kasi makakasabay ko si Lizzy. Ipamigay nalang natin sa gwardiya kung hindi talaga natin kayang ubusin!" Paliwanag niya nung may nagsalita sa may pintuan. "Pwede bang makikain. Gutom na ako at paborito ko gimbap at cappuccino!" Kanyang saad. Lumingon kami sa kanya. "Oh! Sure Lyneth. Saluhan mo kami. Akala ko sa bahay ka na dederetso. Maagang umuwi si daddy ngayon." Sagot naman ni Alex. Nakaramdam ng kurot ng selos ang aking puso na magkakaroon sila ng dinner sa bahay pa talaga nina Alex. "Yeah! Nagpaalam ako kay tita to stop by para sabay na tayong umuwi if you dont mind!" Kanyang paliwanag na akala mo walang malisya pero sa akin ramdam kung may mali sa mga titig at paghaplos niya sa braso ni Alex. Hindi ko alam na tinitigan pala ako ni Jaylord. Pasimple niyang inibulog ang tinidor para yumuko at kurutin ang aking hita. Napakislot ako sa gulat. Sinalubong ko ang kanyang tingin pero hindi ko mabasa ang kanyang gustong iparating. Tanging ang lumulukob sa akin na selos ang nanaig. "Ah okay! Sure, wala naman akong kasabay na uuwi eh!" Nakangiti naman na sagot ni Alex na hindi pansin ang lihim na motibo ni Lyneth. Hindi ko kailan man naisip na may gusto si Lyneth sa kanya. Nagsimula kaming kumain habang nagkukwento si Lyneth kunwari tungkol kay Lizzy kung paano sila nagkakilala at ang mga panliligaw na ginawa ni Alex na alam ko na. Hindi ko alam kung bakit sinasabi ito ni Lyneth samantalang tinutulungan ko siyang magmove on sa nangyari at pumasok sa susunod na kabanata ng kanyang buhay. Ito namang si Alex ay natuwa sa kanyang mga kwento. Panay ang tawanan nila at dampi ng palad ni Lyneth kay Alex. Nanatili kaming tagapakinig at tavapanood sa kanilang dalawa. Bawat tusok ko sa gimbap ay halos madurog dahil naiinis ako sa kanila. Sana sa opisina nalang sila ni Alex nag usap hindi dito. "Sorry Kayla ha! Namiss ko kasi ang kapatid ko. Si Alex kasi ang pwede kung makausap ngayon tungkol sa kanya." Bigla niyang saad na sinalubong ang aking mata. Tumingin sa akin si Alex. "Ha! Wala namang problema Lyneth. Lahat kami rito ay namiss si Lizzy. Huwag niyo kaming pansinin ni Jaylord. Ipagpatuloy niyo lang ang inyong pinag uusapan." Saad kung may pagkasarkastik pero alam kung hindi nila mapapansin yun. Lingid sa aking kaalaman ay sinasadya pala ni Lyneth at may gusto siyang masigurado na katotohanan. "Thanks Kayla! Totoo talaga ang kwento ni Lizzy na napakabait mo at understanding na kaibigan!" Kanyang nakangiting sagot pero may diin ang salitang understanding na kaibigan. "Hindi naman Lyneth. Depende siguro sa interpretasyon ng bawat taong kaharap ko!" Nakangiti ko rin na sagot. Nawala ang kanyang ngiti ng ilang sandali bago muling ngumiti ng plastik at uminom sa kanyang kape.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD