Third Person Pov... Napapaisip si Erik kung sino si Kayla at kung sino siya sa buhay ni Lyneth at Alex. Matagal na silang magkaibigan ni Alex pero dahil kay Lizzy nasira ang kanilang pagkakaibigan. Kung si Erik ay may katanungan ganun din kina Lyneth at Alex. Hindi matatapos ang curiosity na yan hangga't hindi sila nagkakausap ng masinsinan kaya naman eeksena agad si Lyneth sa katakutang mawala sa kanya si Alex. Kinabukasan ay maaga siyang umalis ng bahay para mapuntahan si Bella Montero. Hindi siya nakatulog ng maayos na hindi nalalaman kung nasaan si Bella. Sakto lang naman na sa malapit siyang hotel naka check in. Sinabayan ni Lyneth ang oras ng kainan ng umagahan at hindi siya nagkamali na makita sila. Inobserbahan niya muna sila bago siya lumapit. "Hi!" Bati ni Lyneth na pang is

