Chapter 16 Meting Her Again

1104 Words

Alex Pov.. Patapos na ang aming inspeksyon nung mahagip ng mata ko si Kayla sa labas kausap si Erik! Tinitigan ko ng mabuti kung hindi ako namamalikmata lamang. Nakailang pikit ako ng aking mata pero hindi ako pwedeng magkamali. Si Kayla Esteban ang babaeng kasuap ni Erik! Bakit? Paano sila magkakilala? Bakit sa dinami dami ng taong pwedeng maging kilala ni Kayla ay si Erik pa? Mga katanungan ko sa aking sarili na hindi ko makukuha ang sagot kapag hindi ko siya kakausapin. "Kay!" Mahina kung sambit. Hindi ako alam pero nakaramdam ako ng selos na makita ko siyang masayang nakikipag usap kay Erik. Hindi pa sila nakuntento at naghalikan pa talaga! Ako ba ang nagtulak kay Kayla para maging ganito siya? Kilala ko siya at hindi siya ang uri ng babaeng makikipaglampungan sa labas ng ganito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD